Natalia Gia Valderas
“Are you deaf!?” Mariing sambit mula tagiliran ko ang nagpaangat sa mukha ko. Hindi ganoong kalakas pero sapat na para marinig ko ang boses.
Nilingon ko at nakita ko ang nakabusangot na gwapong mukha ni Ronan.
“Huh?” usal ko.
“The judge is asking you a question, stupid!” Sambit ni Ronan na kinalaki ng mata ko. Hindi naman kalakasan ang pagkakasabi nito ng stupid.
Bigla akong napalingon sa harapan ko at nakita ko ang itsura nang judge na tila na offend sa narinig nito. Mukhang narinig nito ang binanggit ni Ronan.
Nakakahiya. Pero hindi ako makapalag.
Kung pwedeng maging pusong bato na lang para hindi na ako tablan ng masasakit na salita ng hayop na Ronan Imperial na ‘to. Take not na hindi pa kami nagsasama sa iisang bahay at may audience pa ay nagagawa na niyang manakit emotionally, what more kung kaming dalawa lang. Hindi kaya pisikalin na niya ako?
‘Wag naman sanang humantong sa gan’on dahil hindi naman ako papayag.
“Again, Natalia, do you accept Ronan Imperial as your lawful husband?” Tanong ng judge…
Tumango ako. “O-opo.”
Halos hindi ko na marinig ang sarili ko. Pinipigil kong tumulo ang luha ko… And thank God na nako-control ko ang emotion ko. Mamaya ko na lang ibubuhos ang lahat ng sama ng loob ko kapag mag-isa na lang ako.
Kanina ko pa ginagawa ang pagpipigil. Matapos ang confrontation kanina ni Ronan at Kieran ay nagsimula na nga agad itong seremonya nang dumating ang judge.
Wala si Don Fernan Imperial. Ang witness ng kasal namin ay ang kapatid nitong si Kieran at obvious na malalim ang hidwaan nila. Ang dami pa kasi nilang palitan ng panlalait kanina bago kami nagsimula.
Ilang sandali pa ay tinanong na rin ng judge si Ronan at nag “I do” na siya.
“By the power vested in me, I now pronounce you husband and wife,” anunsiyo ng judge. Tumingin ito kay Ronan na parang naghihintay ng susunod na tradisyunal na hakbang “Mr. Imperial, you may kiss your wife.”
Kumabog ang dibdib ko ng husto.
Kiss?
Wala pang nakakahalik sa akin. Pero heto ngayon at ang magiging first kiss ko pa ay ang lalaking kinaiinisan ko.
Hindi ko alam kung ilang segundo ang lumipas. Katahimikan lang ang namayani sa apat na sulok ng kwarto.
Mas lalong nag-iinit ang mukha ko habang nakatitig sa sahig. Hindi ko ma-imagine na magdidikit ang lips namin ni Ronan… though hindi ko maitatanggi na asset niya ang lips niya na parang isang halik lang ay dadalhin ka na sa ibang dimensyon.
“No need, Your Honor” bigla kong narinig mula kay Ronan at doon ako nag-angat ng tingin. Nakatingin si Ronan sa judge.
Sapat na ang salita ni Ronan para ipamukha sa lahat ng narito na walang halaga sa kanya ang kasal namin.
Napalingon ako sa likod at nakita ko ang pag-iling ni Kieran. Si Kuya Crisanto naman ay napayuko na lang.
“Brutal as always, Ronan,” Biglang komento ni Kieran na lumapit sa amin. Tumingin ito sa judge. “Apology, judge. My brother just doesn’t know how to handle a lady as beautiful as Natalia.”
“Shut up, Kieran!” Singhal ni Ronan.
Pero mapang-inis yata talaga ang Kieran na ‘to na humarap sa akin.
“Don’t worry, kung ayaw niya ay ako na lang ang hahalik sa pinakamagandang bride na nakita ko.”
“Don’t you dare, assh*le!” Napaawang na lang ang labi ko nang halos kaladkarin ako ni Ronan palabas ng kwarto.
Nagpatianod na lang ako habang hawak niya ang braso ko. Hindi ko alam ang pakiramdam ko na tila nakukuryente ako na nakahawak siya sa akin. Hindi naman masakit ang pagkakahila niya sa akin pero halata ang pagmamadali sa kilos niya.
Siguro ay dahil hindi niya talaga matagalan ang kwartong ‘yon. Kasi nga ay doon daw namatay ang ina niya.
Hanggang sa makarating kami sa parking ng mansion at isinakay ako ni Ronan sa isang itim na SUV. Mabuti na lang at hinabol pa ako ni Kuya Crisanto at naibigay ang bag ko. Kung hindi ay wala akong pamalit.
Ilang sandali lang ay nagbyahe na kami ni Ronan. Buong byahe ay walang nagsasalita. Ang tanging naririnig ko ay ang malakas na paghinga ng lalaki na puno ng galit at ang mabilis na t***k ng puso ko.
Hindi ko na alam kung ilang minuto o oras ang binyahe namin. Gusto ko rin sanang matulog pero pinigil ko ang sarili ko. Nakatingin lang ako sa dinadaanan ng sasakyan at naiisip kung ano na ba ang ginagawa ng Nanay ko.
Hanggang sa makarating kami sa isang building. Alam ko lang ay nasa bandang makati kami. Hindi ko na alam kung saang eksaktong lugar dahil wala naman ako masyado sa focus at medyo tulala lang.
Pinarada ni Ronan sa sa parking at pinatay na niya ang makina ng sasakyan. Bumaba na siya at ako naman ay nagtanggal na ng seatbelt. Wala siyang balak na pagbuksan ako. Matapos kong kunin ang bag ko at sumunod na lang ako sa kanya patungo sa elevator.
Nasu-suffocate ako na makasama sa loob ng maliit na espasyo ang asawa ko. Hanggang sa huminto 18th floor at bumukas na ang pinto ng elevator.
Nauna nang lumabas si Ronan at ako ay nakasunod lang. Naglakad kami sa hallway hanggang sa huminto siya sa isang pinto. Nag-swipe siya ng hawak niyang card at narinig ko na ang tunog ng pagbukas no’n.
Parang walang kasama ang asawa ko at hangin lang ako para sa kanya. Ni ang tulungan ako sa dala ko ay hindi niya inalok. Sabagay, what do I expect?
Maluwag ang pagkakabukas ni Ronan ng pinto kaya tumuloy na ako nang pumasok siya.
Napatingin agad ako sa paligid. Maliit ang espasyo ng lugar na ‘yon. Hindi ko alam kung ano ang tawag doon. Studio type pero hindi ko nakikita ang kama. May nakita akong pinto at malamang na ‘yon ang kwarto. Narito na ang kusina ang dining, tapos ay may sofa sa gilid. May maliit rin na bar counter. Minimalist ang itsura pero malinis ang paligid. Halatang mamahalin ang halaga ng mga furnitures at mga gamit.
Binaba ko ang bag ko sa sahig at nilibot pa ang paningin.
“Why? Do you expect that you will live in a mansion?” Biglang sambit ni Ronan na nasa may bar counter.
Huminga ako ng malalim at mukhang mag-start na siyang manlait sa akin.
“P-pwede bang magpunta na muna ako sa kwarto ko?” Lakas loob kong sabi. Gusto ko na munang mapag-isa ay iiyak ang sama ng loob ko mula pa kanina. Kahit ilang minutong break lang sana.
Ngumisi nang nang-uuyam si Ronan.
“Room? There’s only one room here.”
“Hah? M-magkasama tayo sa isang kwarto?” Gulat na sabi ko.
Parang gumapang ang kilabot sa buong sistema ko sa isipin na magtatabi kami sa pagtulog.
Tumayo si Ronan at lumakad patungo sa akin. Nanatili lang ako sa pwesto ko at nilabanan ang tingin niya. Ayoko naman na palaging ipakita na takot ako sa kanya.
“And? Iniiisip mo bang tatabihan kita sa kama?” Isang mapang-uyam na tawa ang kumawala sa kanya. “ Diyan ka sa sofa matutulog. Huwag na huwag mong susubukang pumasok sa kwarto ko ng hindi ko sinasabi kung ayaw mong kaladkarin kita palabas ng building na ‘to!”
Napatingin ako sa sofa na kulay charcoal grey na naroon. Mukhang matigas ‘yon at halatang hindi disenyo para tulugan.
At ang worry ko ay paano na ang privacy ko?
“Pero—”
Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang bigla niyang hinawakan ang panga ko. Hindi mahigpit pero sapat na para mapatingin ako nang deretso sa nag-aapoy niyang mga mata dahil sa galit.
“Listen to me carefully, Natalia,” mariin niyang bulong. “Being my wife will never make you special. You are only here to pay for someone else’s sin. Huwag mong isipin na dahil apelyido ko na ang gagamitin mo ay may karapatan ka na sa buhay ko o sa kwarto ko. You are a reminder of debt that needs to be paid. Isang gamit na binili para magdusa!”
Binitawan niya ako na tila ba nandidiri siyang mahawakan ako at mabilis siyang naglakad papunta sa kwarto niya. Wala na lang akong nagawa kung hindi tignan ang bulto niya hanggang sa makapasok siya sa kwarto.
Pagkalapat ni Ronan ng pinto ay doon na kusang nanlabo ang mata ko at nagbabadya ang luha ko.
Naawa ako sa sarili ko. Simula pa lang ng pagtitiis ko. Isang pikit ang ginawa ko at kusa nang tumulo ang luha ko.