8

1259 Words
Natalia Gia Valderas Dahan dahan akong napaupo sa sofa at niyakap ko na lang ang bag ko. Bawat hikbi na pilit kong pinipigilan ay parang mas sumasakal pa sa akin. Sa gitna ng bigat ng nararamdaman ko ay biglang nag-vibrate ang cellphone ko na nasa loob ng bulsa ko. Nang makita ko ang pangalan sa screen ay mabilis kong pinunasan ang mga luha ko. Huminga ako ng malalim at nagbuga ng hangin para pakalmahin ang sarili ko. Si nanay ang tumatawag at ayoko naman na malaman nito na galing ako sa iyak. Magaling pa naman ‘yong makiramdam sa akin. Nawala na ang tawag ni Nanay sa akin. Ilang minuto pa akong naghintay na kalmado na ang sarili ko. Nag-dial ako ng number ni Nanay at agad din naman nitong sinagot. “Hello, Nay.” Pilit kong pinasigla ang boses ko. ”Hello,Natalia, anak, kamusta ka?” Bati agad ni Nanay mula sa kabilang linya. Ngumiti ako. “Mabuti po, Nay.” “Naka-settle ka na ba sa bago mong trabaho? Pasensya ka na at napa-tawag si Nanay, namimiss lang kita agad,” puno ng lambing ang pagkakasabi ni Nanay. Napapikit ako nang mariin. Kung alam mo lang, Nay... kung alam mo lang na ang "trabaho" ko ay ang maging asawa ng isang demonyo. ​ “Opo, Nay. Maayos naman po rito. Ang ganda nga po ng tinutuluyan ko, parang hotel,” pagsisinungaling ko habang nakatingin sa sofa na magiging higaan ko. “Kumain na po ba kayo? ‘Yung gamot niyo, nainom niyo na ba?” “Oo, anak. Inasikaso ako ng batang iniwan mo rito. Huwag mo na akong alalahanin. Magpakabait ka diyan sa amo mo, ha? Pagbutihin mo ang trabaho para hindi sila magsisisi na kinuha ka.” ​ “Opo, Nay. Pangako po, gagawin ko ang lahat para sa inyo. Sige na po, baka hanapin na ako. I love you, Nay.” sambit ko na muntik nang mapapiyok. “I love you too, anak. Mag-iingat ka.” ​ Pagkababa ng tawag ay doon na ako tuluyang napahagulgol. Ang sakit-sakit. Kailangan kong magpanggap na okay ako dahil ayaw kong mag-alala si Nanay. Kailangan kong lunukin ang lahat ng pride ko para sa kanya. “No! Hindi pwedeng puro iyak na lang ang gagawin ko!” Saway ko sa sarili na Biglang bumalik ako sa katinuan kung bakit ako nandito sa bahay na ‘to. Lumalaban ako para kay Nanay at hindi ako pwedeng maging mahina. Mabuti na lang at hindi na lumabas si Ronan mula sa kwarto nito at hindi ako nadatnan na mukhang pinagsakluban ng langit at ng lupa. Nanatili na lang akong doon sa sofa na nakaupo. Hindi ako kumikilos dahil nakita kong may cctv doon at baka mamaya ay nakamatyag ang demonyo kong asawa sa akin. Gusto ko na sanang magbihis pero hindi ko magawa. Hindi ko alam kung saan ako magbibihis dito. Malamang na ang CR ay naroon sa kwarto ni Ronan. Saan ako maliligo? For sure na pwede akong mag-CR sa labas at meron naman siguro. Pero paano kung in case na nag-LBM ako. O kaya naman sa gabi na naiihi ako. Ang hassle naman sa part ko. Huminga ako ng malalim. Tsaka ko muna siguro iisipin ang bagay na ‘yon. Ang mas importante ay kung paano ako kikita habang nandito ako. Ang bilis naman kasing maubos ng pera sa panahon ngayon na mahal ang bilihin. ‘Yung mahigit 30 thousand na binigay ni Ate Samantha sa akin ay sampung libo na lang ang natira dahil sa pagbili ko ng mga gamot at iniwan ko pa doon sa bahay para pang-gastos ni Nanay. Biruin mo nga naman na galing pa sa nakaw ‘yon. Kulang isang oras na ang lumilipas ay hindi pa rin lumalabas si Ronan. Hanggang sa marinig ko ang pag-click ng pinto. Lumabas si Ronan at wala na ang kanyang formal attire. Nakasuot na siya ng simpleng itim na shirt at cotton short. Feeling ko ay hindi na siya aalis ngayong araw. Akala ko pa naman ay may lakad siya gaya ng sinabi niya kanina. Ang aura niya ay kasing lamig pa rin ng kanina. Dire-diretso siya sa bar counter para kumuha ng tubig, tila ba wala akong presensya sa sala. ​ Tumayo ako at humarap sa kanya. Ito na ang pagkakataon ko. “Ronan,” lakas loob kong tawag sa pangalan niya. ​ Tumigil siya sa pag-inom at dahan-dahang lumingon sa akin. Hinagod niya ng tingin ang mukha ko at napalunok ako. Ang hirap masanay sa paraan ng titig niya na ‘yon dahil sa nakakatunaw niyang tingin. Kahit na ang mga mata niya ay naniningas pa rin sa galit. “What now, Natalia? I thought I made it clear. Stay on that sofa.” “Gusto ko lang pag-usapan ‘yung... ‘yung tungkol sa magiging set-up natin dito,” panimula ko, “Sabi mo kanina, nandito ako para pagbayaran ang kasalanan ng Ate Samantha ko…” Uminom siya ulit ng tubig bago sumagot. “So?” ​ “Magsisilbi ako sa’yo. Ako ang gagawa ng lahat ng gawaing bahay. Magluluto ako, maglilinis, maglalaba ng mga gamit mo... magiging katulong mo ako sa loob ng unit na ‘to,” mabilis kong sabi. “Pero sa isang kondisyon.” Isang mapang-uyam na tawa ang kumawala kay Ronan. Lumapit siya sa akin, ang bawat hakbang niya ay tila nagpapaliit sa mundo ko. “A condition? You’re in no position to bargain, woman!” “Gagawin ko ang lahat ng gusto mo, Ronan. Magpapaka-alipin ako sa’yo... basta pasahuran mo ako ng tama,” diretsahan kong sabi habang nakatingin sa kanya. “Kailangan ko ng perang ipapadala kay Nanay buwan-buwan para sa maintenance niya at sa mga gastusin sa bahay. ‘Yun lang ang hiling ko kapalit ng pagsisilbi ko bilang asawa mo at katulong mo.” ​ Napatigil si Ronan. Tinitigan niya ako nang matagal, tila binabasa kung seryoso ba ako sa sinasabi ko. Isang ngising demonyo ang dahan-dahang gumuhit sa kanyang labi. ​ “So, gusto mong bayaran kita para maging alipin ko?” bulong niya, ang boses ay puno ng mapait na aliw. Tumango ako. Umiling siya. “You are really stupid! Kapatid mo ang may kasalanan kung bakit napunta ako sa ganitong sitwasyon.At pumayag kang magpakasal sa akin kahit na binalaan kita.Ngayon ay gusto mong pasahuran kita!?” Natigilan ako. Nakatitig lang ako sa kanya at nagpapaawa. Kahit alam kong wala naman siyang puso. “Fine.” Sambit niya matapos ng ilang sandali na kinabigla ko. “If that’s what it takes to make you feel like a commodity, I’ll pay you. Pero siguraduhin mong hindi sasakit ang ulo ko sa’yo. Dahil sa oras na pumalya ka sa trabaho mo, hindi lang ang sahod mo ang mawawala... kundi pati ang kaligtasan ng pamilya mo.” ​ “Talaga?” mahinang sabi ko na hindi makapaniwala. “You’ll clean, you’ll cook, and you’ll endure every bit of my anger until I’m satisfied. Welcome to your personalized hell, Natalia.” mariing sabi niya. Tumalikod na siya at bumalik sa kwarto niya, pero bago siya pumasok, lumingon siya ulit. ​ “Gisingin mo ako ng alas-singko ng hapon. At huwag na huwag mong kakalimutan, Natalia... sa bahay na ‘to, hindi kita asawa. Katulong kita.” Muling sumara ang pinto. Napabuntong-hininga ako at napaupo sa sofa. Masakit man, pero kahit papaano ay nakuha ko ang gusto ko. Magkakaroon ng pera si Nanay. Iyon lang ang mahalaga sa akin ngayon. Kahit na ang kapalit nito ay ang unti-unting pagdurog ng sarili ko sa kamay ng isang Ronan Imperial.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD