9

2049 Words
Natalia Gia Valderas Gusto ko nang magbihis pero hindi ko magawa dahil wala pang alas singko. Kagaya ng sinabi ni Ronan ay nag-stay ako dito sa sofa. Ni ang kumain ay hindi ko nagawa. Pero kaninang sobrang uhaw na ako ay napilitan akong mangialam at nagpunta sa bandang kusina para uminom. Niligpit ko din naman ang pinag-inuman ko at muling bumalik sa sofa para maghintay. May installed CCTV din kasi kaya ayokong maglakad lakad at baka isipan pa ako ng Ronan na ‘yon na magnanakaw. Sabagay… for sure na magnanakaw rin ang tingin ni Ronan sa akin dahil kapatid ako ni Ate Samantha. Nalibot na ng mata ko ang buong bahay at kung ganito lang naman kaliit ang lilinisan ay hindi naman ako mahihirapan. Hindi ko lang alam kung saan ang labahan dito. Mamaya ay mag-try pa rin akong kausapin si Ronan tungkol dito. Kung anong oras ba siya umaalis, umuuwi, at kung ano-ano pang information ang kailangan ko para mapag-silbihan ko siya ng maayos. Sa ngayon ay ang kailangan kong gawin ay ang i-please siya para naman mabigyan ako ng pasahod na tama. Pero kung tungkol pala sa sahod, wala naman siyang sinabi sa akin kung magkano ang ipapasahod niya sa akin. Sana naman ay sasapat ‘yon sa maintenance at everyday expenses at sa ibabayad ko doon sa tumitingin kay Nanay. Ang dami kong iniisip hanggang sa hindi ko namalayan na naka-idlip na ako at nagising ako sa mahihinang katok. Bigla tuloy akong napabalikwas at napatingin sa orasan at nanlaki ang mga mata ko. Sampung minuto na ang lumipas sa alas singkong sinabi ni Ronan. Sakto na biglang bumukas ang pinto sa kwarto ni Ronan at lumabas ito na halatang galit. Mabilis akong tumayo mula sa sofa, pilit na inaayos ang nagulo kong at ang suot suot na dress. Kumabog ng marahas ang dibdib ko habang nakatitig sa papalapit na lalaki. Gano’n pa rin ang suot niya kagaya kanina. Napalunok ako nang huminto siya ilang hakbang mula sa akin. Kahit hindi nakadikit ang katawan niya sa akin ay feeling ko ay nasu-suffocate ako sa presensya niya. “I told you to wake me up at wxactly five o’clock! Are you really that useless, Natalia Gia Valderas!?” Singhal niya na buong buo pa ang tawag sa pangalan ko at dumagundong sa buong unit niya. “Ten minutes late! Isang simpleng utos lang, hindi mo pa magawa ng tama?” “P-pasensya ka na, Ronan. Nakaidlip kasi ako—” “I don’t care about your excuses! Kung sa unang araw pa lang ay ganyan ka na katamad, baka gusto kong bawiin ko ang pagpayag na sinabi ko!” Napayuko ako, kinagat ko ang labi ko para pigilan ang sarili na sumagot. Kailangan ko siyang i-please para kay Nanay, kahit na sumasabog na rin ako sa inis. Kasalanan ko bang antukin ako. Halos wala akong tulog nitong nakakaraang araw. Bago pa man na muling makapagsalita si Ronan ay muli kong narinig ang mahihinang katok sa pinto ng unit. Nag-angat ako ng tingin at nakita ko si Ronan na doon nakatingin sa pinto. Hindi ko alam kung kikilos ba ako para buksan ‘yon. Pero muling tumingin sa akin si Ronan at matapos ay tinalikuran niya ako nang may marahas na buntong-hininga. Siya na mismo ang naglakad patungo sa pinto at binuksan ‘yon. Isang may edad na babae ang pinapasok niya na may bitbit na laudry bag. At may hawak din siyang naka-hanger na amerikana na nakabalot sa plastic. Nakangiti ang matanda pero natigilan ito nang mapansin ako na nakatayo sa tabi ng sofa.. Tumingin ito sa akin mula ulo hanggang paa at matapos ay tumingin kay Ronan at bigla na lang na kuminang ang mata nito sa tuwa. “Naku, Sir Ronan! Pasensya na po kung naistorbo ko kayo ng girlfriend ko kayo nang maaga,” masayang bati ng matanda sabay baling uli ng tingin sa akin na may paghalong paghanga. “Wow!, bagay na bagay kayo ng girlfriend mo! Napakaganda niya po. Mukhang artista!” Parang naging yelo ang buong paligid sa narinig ko. Sobrang naiilang ako sa narinig mula sa babae. Pero bago ko man maitama ang matanda ay narinig ko ang malamig at mariing tawa ni Ronan. ‘Yung tawa na walang bahid ng saya kung hindi puro pang-uuyam. “Girlfriend?” sarkastikong ulit ni Ronan habang nakatingin nang mapanuri mula ulo hanggang paa na parang diring diri sa idea. “You’ve got it all wrong, Manang. Hindi ko siya girlfriend, at lalong hindi siya bagay sa akin. She’s just my new maid.” Tsk! As if naman na gusto ko din siya… Mukha at katawan lang ang maganda sa kanya. Pero ang ugali niya, sobrang nakakasuka. Nakita ko ang biglang pagkapahiya at pagtataka sa mukha ng babae, pero hindi na siya nagtanong pa. Mabilis niyang ibinaba ang mga damit sa counter at nagpaalam na agad dahil sa bigat ng atmospera sa loob ng kwarto. ​ Pagkasara ng pinto ay lumingon sa akin si Ronan na may mapait na ngisi sa kanyang mga labi. “Ang kapal din naman ng mukha mo para isipin ng iba na papatol ako sa kapatid ng isang magnanakaw,” pagpapatuloy niya sa panglalait habang inaayos ang kanyang mamahaling relos sa bisig. “Ayusin mo ‘yang mukha mo, Natalia. At mag-umpisa ka na sa trabaho mo bago pa tuluyang magbago ang isip ko sa perang aasahan ng Nanay mo.” Matapos niyang bitawan ang huling salita ng panlalait ay tinalikuran niya ako at muling naglakad papunta sa kwarto niya. Pero bago siya pumasok sa kwarto niya ay muli siyang lumingon. “One more thing, Natalia, I don’t want you calling me just by name. I want you to call me ‘Sir’… Dahil hindi tayo magka-level. And we will never be!” Humabol pa ng lait ang hinayupak! Tumango ako at pumasok na siya sa kwarto niya. Hindi ko na naman alam ang gagawin dito sa labas kung tutunganga ba ako o maghihintay ng instruction niya. Naupo na lang muna ako sa sofa. Ramdam ko pa ang panginginig ng kamao ko. Isa lang ang sigurado ako… Hindi ako laging ganito na hindi papalag sa kanya. Marunong rin naman ako mapuno at at pinipigilan ko lang na ilabas ang tapang ko dahil sobrang dehado pa ng sitwasyon ko. Pagod na ako sa pagtunganga kaya ang ginawa ko ay nagtungo ako sa kusina at ginawang pamilyar ang sarili ko sa pagkalkal ng mga gamit doon. Tiningnan ko kung saan nakalagay ang mga kasangkapan, condiments. Pati ref ay sinilip ko. Pero parang bahay lang talaga ‘yon ng taong nagbo-board dahil halos walang laman ang ref kung hindi tubig, beer in can. Malamang ay puro lang restaurant at order ng pagkain si Ronan sa labas. Obvious na wala siyang asawa sa itsura ng unit niya. Pero wala ba siyang girlfriend? Napa-iling na lang ako sa tanong ko sa isip ko. Siguro ay wala ngang girlfriend ang hukluban na ‘yon. Malamang ay walang tatagal sa ugali niyang napakasama. Nagwalis walis ako nang wala na akong mapala sa kusina. Kahit halos wala naman akong mawalis sa sahig dahil malinis naman ang flooring. Hindi ko na namalayan ang oras at nagulat na lang ako sa biglang pagbukas ng pinto. Nang napalingon ako doon ay nakita ko si Ronan na nakabihis ng overshirt at trouser na. Mukhang may lakad. At as usual ay suot niya ang busangot na mukha nang nagtama ang tingin namin. Siguro at tatanda ako at aabot na lang ako ng 69 years ay hindi ko mae-experience na mangitian ng nag-iisang Ronan Imperial. Baka 100 million din ang halaga ng ngiti niya. Tumigil ako sa pagwawalis at tumikhim. “Uhm, Ronan… kasi—” “F*ck! Bingi ka ba o sadyang bobo, Natalia.” Kumunot ang noo. “I told you to call me ‘Sir!” “S-sorry, R-ronan… este ‘Sir.” sambit ko. Umiling si Ronan at halatang bwisit agad. “I’m going out. I want you to go out too. Bumili ka ng supplies para dito sa unit ko.” Sambit niya. “Simula bukas ay gusto ko ay paggising ko ay may nakahain nang pagkain.” Sambit ni Ronan na pagalit ang tono. Sunod sunod na ang instruction ni Ronan sa akin. Binanggit nito na kukuha siya ng bagong unit na mas malaki pa dito dahil ako na rin daw ang maglalaba ng mga damit niya. Ang kanina kasing matandang na nagpunta dito ay ang labandera at plantsadora niya. Wala naman lugar ang unit niya para sa paglalaba. Nakakamangha silang mayayaman na isang pitik lang ng daliri ay pwede silang maglipat ng unit. Iba talaga ang maraming pera. At sa wakas ay sinabi na nito na pwede akong gumamit ng banyo niya para makabihis ako. Pero may kasama pa rin na insulto dahil wag daw akong magtangka na magnakaw kung ayaw kong makulong. Umabot din ng ilang minuto ang mga bilin niya hanggang sa tinalikuran na niya ako at akmang lalabas na nitong unit niya. “Uhm, S-sir… yung tungkol sa sahod…” Napatigil si Ronan sa paghakbang patungo sa pinto nang marinig ang salitang sahod. “Sahod?” Isang mapait at sarkastikong tawa ang kumawala sa kanya. “Ginto ba ang tingin mo sa sampung minutong pagkakaidlip mo, Natalia? Kararating mo lang dito, wala ka pang napapatunayan, pero pera na agad ang hinihingi mo?” “Kailangan ko lang masiguro para sa Nanay ko, Sir,” pagmamatigas ko habang nilulunok ang natitirang pride ko. “Ganyan ba talaga kayong mga magkakapatid? Mukhang pera. Ang isa magnanakaw, ang isa naman ay atat na atat sumahod kahit pagwawalis lang ang ginagawa,” pagpapatuloy niya sa panlalait na tila ba bawat salita ay sadyang idinisenyo para durugin ako. “Don’t worry, hindi ko kayo matutulad sa akin. I will pay you. But remember this... ang perang matatanggap mo ay nakadepende sa kung paano mo ako pagsisilbihan. Isang maling kilos mo, babawasan ko ang sweldo mo, understood?” Hala, ano kaya ‘yon!? Wala naman siyang binigay na amout para ma-estimate ko kung kasya ba ‘yon sa panggastos ni Nanay. Tumango na lang ako at pilit na kinakagat ang labi ko para huwag maiyak sa harap niya. Kung hindi ko lang talaga kailangan ng panustos kay Nanay ay hinding-hindi ko titiisin ang lalaking ito. Bago pa man makahirit pa ulit ng pang-iinsulto si Ronan ay biglang tumunog ang doorbell ng unit. ​ Sabay kaming napalingon sa pinto. Lumakad si Ronan para buksan iyon habang ako naman ay napaatras nang bahagya sa gilid ng sala hawak pa rin ang walis. ​ Pagkabukas ng pinto ay isang matangkad at napakaseksing babae ang bumungad. Nakasuot ito ng isang bodycon dress na hapit na hapit sa kanyang hubog. Ggulo ang kulot na buhok na bumagay sa kanyang magandang mukha at amoy na amoy hanggang sa pwesto ko ang mamahalin nitong pabango. ​ “Ronan, babe! You’re finally ready,” malambing at maarteng boses ng babae sabay kapit sa braso ni Ronan. ​ “You’re early, Chloe,” sagot naman ni Ronan. Pero ang ikinagulat ko ay ang biglang paglambot ng tono ng boses niya.Malayong malayo sa boses na ginagamit niya kapag ako ang kausap niya. “I missed you, kaya dumaan na ako rito,” Pabebeng sambit ng babae. Bigla itong sumandal kay Ronan at mariin itong humalik sa pisngi ng asawa ko. Hindi naman lumayo si Ronan at bagkus ay hinayaan lang niya ang babae at tinanggap ang halik na iyon sa kanyang cheeks na tila ba sanay na sanay na sila sa ganoong tagpo. Habang nakasandal kay Chloe ay biglang gumapang ang tingin ni Ronan sa pwesto ko. Isang mapang-asar at mapait na ngisi ang sumilay sa kanyang mga labi habang nakatitig sa akin na tila ba ipinamumukha niya sa akin ang malaking pagkakaiba ko sa babaeng kasama niya ngayon. Ipinapakita niya sa akin kung anong klaseng mga babae ang nababagay sa level niya at kung gaano ako kalayo doon. Napatingin din sa akin ‘yung Chloe at napataas ang isang kilay nito habang sinusuri ako “Oh, sino siya, babe? New maid?” ​ “Yeah. Just a maid,” malamig at walang pakialam na sagot ni Ronan habang inaayos ang kanyang overshirt. “Let’s go. Ayokong magtagal sa kwartong ‘to. I don’t like the view.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD