"Where are we going by the way?"
Pabulong na litanya ni Kara nang mapansin nito na kanina pa sila nag lalakad pero parang wala naman talagang patutunguhan.
Mabuti na lang ay walang umaaligid na creature sa kanilang dinadaan kaya kahit papaano ay pwede silang hindi tumakbo.
Mas gugustuhin kasi ng dalaga na i-save for the last ang kanyang enerhiya kung sakaling kailangan ulit nila mag marathon. Dahil para sakanyang kalagayan at average nyang katawan, possible na kaya pa syang mahabol ng pilay na halimaw.
Subalit, kahit ang ginagawa lang ng dalawa ay mag lakad hindi pa rin matiis ni kara na mangalay ang kanyang hita, sapagkat hindi lang naman ang sarili nito ang kanyang dala.
"Karo, saglit, huminto nga muna tayo."
Walang pasubali nitong pigil sa binata habang hinawakan ang braso nito at pwersahan iniharap sa kanya.
"Yung totoo, hindi naman siguro tayo alagad ni dora para mag explore sa campus diba? Saan ba kasi talaga ang punta natin?"
Agarang tanong ni Kara.Ngunit isang taimtim na titig lang naman ang nabigay ni Karo sa kanya. Dahilan upang mag taka ulit ito sa kinikilos ng kanyang kasama.
'Baka naman talaga kaya nag mamadali ito dahil gusto nyang umihi o tinatawag sya ng kalikasan?'
Opinyon pa ng dalaga sa isip nya pero para kay karo wala doon sa dalawang pag pipilian kung bakit kakaiba ang kinikilos nito.
Sapagkat ang totoo ay kailangan nilang mahanap ang susi upang tuluyan silang makaalis sa tinatapakan nila.
Kung tutuusin madali lang naman itong mabanggit ni karo sa kasama nya, subalit sadyang hina-hadlangan lang ito nang kanyang panga-ngamba.
'Oo, nagawa ko ng baguhin ang nakaraan para kay kara, pero paano na lang kung mas higit pa pala na trahedya ang nailapit ko sa kanya?'
At dahil doon, imbis na sundin ni karo ang susunod nilang gagawin, eh naka buo na lang ito ng choices sa kanyang sarili.
Yun ay ipag-papatuloy nya ba na kuhain ang susi o humanap na lang na ligtas na room sa kanilang campus? Tutal kumpleto naman sa common needs ang kanilang paarala—
*Slap!
Isang matinis na tunog ang lumibot sa paligid, hudyat upang magising rin si karo sa kanyang malalim na pag iisip, hanggang sa napahawak na lang din ito sa kanyang pisngi.
"Masyado na kasing malayo ang nalakbay ng iyong isipan karo, takot ko lang na baka pati ang kaluluwa mo ay sumama na rin."
"D-did I?"
"Oo kaya, naka ilang tawag na ako sayo pero wala man lang akong nakuhang sagot."
Anas pa nito habang inalog nito ang kanyang kamay na tila nasaktan din sa kanyang ginawang pag sampal.
Pero ang hindi alam ni karo, ay isa lang iyon alibi ni kara. Sapagkat, para sa dalaga wala nang dahilan pa mag aksaya ng laway kung tatlong beses na nyang natapik ang balikat nito.
"I see, sorry...Its hurt though."
Litanya ni karo na ikinangisi lang naman ng isa sabay tingin sa kanyang kamay na namumula pa rin.
"Kung ano man kasi iyan pinu-problema mo, wag mo sarilihin. At kung ano man yang nasa isip mo, ibahagi mo rin sakin...Dahil ang ayaw ko sa lahat..."
Anas ni kara sabay pakita ng namumula nyang palad sa kanyang kasama bago nito tinuloy ang sasabihin.
"Masayang ang pagod ko nang hindi man lang ako naging parte sa plano or worst walang benefits para sa sarili ko."
Dahil sa 17 yrs na pamumuhay ni kara, lagi na lang itong kumikilos para sa iba. Hindi dahil wala syang lakas upang labanan ito, kundi dahil sa ganoon paraan marami syang nakukuhang kaalaman.
Like, gaya nga ng sabi ni Julius Caesar, 'Ut est rerum omnium magister usus'. Meaning, experience is the best teacher.
Kaya para sa dalaga, kahit naka-kapagod at naka-katakot ay wala sa vocabulary nya ang umatras. Except nga lang sa pinag gagawa ni arianne sa kanya.
Bukod kasi sa walang kabuluhan iyon sadyang tamad lang ang babae, at boring lang talaga ang buhay nito.
Pero dahil sa mapanakit at maraming kasama si Rianne, ay nagiging alila pa rin ang resulta nang pag tutol at away nila sa huli.
"We need to get the key for that thing."
Ang final na desisyon ni karo, makalipas ang ilang minutong katahimikan. Sinundan naman ni kara ang braso nito kung saan ngayon ay nakatutok ang hintuturo sa labas, at dito ay na klaro ni kara ang mga naka paradang sasakyan na kung dati ay laging malinis ang mga wind shield at hood. Ngayon ay tila ginawa ng lamesa nang mga halimaw ito habang abala sa mga gutay-gutay na katawang kinakain nila.
" I-I see...Lalabas tayo?"
"You don't want to?"
"O-of course I want! kahit na meron din hindi, dahil may mga basic needs naman na tayong kailangan dito sa campus. B-but still, I believe that everything has an end..."
"Therefore, mas maganda nga na dito na lang mag stay? dahil gaya nang sabi mo, kung may ending nga ang lahat, that means may katapusan rin sila."
Tukoy ni karo sa mga creature habang inosente pang nakatingin kay kara, para lang maasar ang dalaga sa kanya. Tila sinadya naman iyon ng binata dahil kahit papaano ay may gana na ulit sya maging kampante, sapagkat naniniwala sya na ang kasama nito ay hindi na mag f-favor sa kanya katulad ng dati.
"Are you serious? oo naman may ending kapag tinapos natin but they're not like a thing para ma expired o masira at mawala sa mundo nang kusa."
"Oh, that's right you just said is things, hindi sila at tayo kasama doon diba?"
Patuloy pa ni karo habang tuluyan na silang nag lakad papunta sa ibaba, dahil nandoon lang naman ang pakay na hinahanap nila.
"Seriously karo, naalog ba ng sampal ko yung utak mo? baka kulang lang talaga yun ginawa ko para mabalik ka ulit sa dati?"
Mahihimigan ang pagka taray sa boses ni kara dahilan upang matawa nang mahina ang binata.
'oh, parang ang gaan sa pakiramdam ang tawa ko na yun ah...at mukhang ngayon na lang din ako tumawa nang ganoon.'
Kasabay ang anas ni karo sa kanyang isipan habang may ngiti sa labing nag lalakad, na akala mo'y walang pahamak na nag aabang.
"By the way karo, bakit pala tayo bumaba?"
"Hmn? dahil kukuhain natin ang susi?"
"Susi? meron bang security room sa ibaba?"
"huh? wala, aanhin natin yung security sasakyan ang kailangan natin."
"Huh? what I mean, oo need natin ng sasakyan pero paano natin papaandarin... don't tell me?"
"What?"
Nag tatakang tanong ni karo sabay lingon dito matapos silang tuluyan makarating sa parking basement. Habang si kara naman ay napahawak sa sentido nang ma-realize nyang tama sya sa hinala nito kay karo.
"You.. You're planning to get a car na sa tingin mo ay may susi agad na nakasalpak tapos sabay alis, ganun ba?"
"Ah..."
"As if mag iiwan ang may ari ng susi sa sasakyan nila, karo...Now I know kung bakit ganyan ang pangalan mo."
Inis na litanya ni kara at agad tinalikuran ang kasama nito para bumalik ulit sa first floor upang makarating sa security room.
"Bakit anong connect nun sa pangalan ko?"
"Because somehow you're slo--."
"Aarggghh..."
straightforward na sagot sana ng dalaga pero hindi ito natapos sapagkat ang iilan na mga creature ang sumalubong sa harapan nya.
Tila mawawalan pa sana ito ng balanse dahil sa biglaan pag atras nito pero buti na lang ay agad nasalo ng binata ang kanyang likod at sinenyasan si kara na wag gumawa nang ingay.
Tutal ay hindi pa naman sila napapansin ng mga creature, ay naisipan na lang muna nila na marahan umupo sa kanilang pwesto at mag tago sa sulok nito.
"T-they're too many, karo."
Nauutal na litanya ni kara matapos nyang pag masdan ulit ang mga creature na nag kumpulan sa hallway.
"argghhh!! eeiikkk!!"
Matinis na sigaw pa ng isa hudyat upang mapasiksik si kara sa sulok, habang si karo naman ay patuloy lang nito pinag masdan ang creature na nag gagawa ng ingay na kung kanina lang ay tahimik ang kanilang dina-raanan, dahil sa pag aagawan nila sa pira-pirasong katawan.
"W-what should we do now? Bakit nag silabasan sila ngayon?"
" there's one reason"
"W-what is it?"
" sa tingin ko hindi lang tayo ang na-andito sa floor na ito..."
Taintim na saad ni karo habang pinag mamasdan pa rin nito ang nga creature.
"You mean, meron pang naka survive bukod satin?"
"Yeah"
Anas ng binata dahilan upang mapangiti ang dalaga at nagalak sa kanyang balita, pero imbis na mag saya ay minabuti na lang nito tumahimik at ikalma ang sarili.
"Then, kailangan na talaga natin umalis dito karo, meron ka bang paraan dyan?"
"I think we need to use this."
Tukoy ni karo sa kanyang hawak matapos nyang hanapin ito sa dala nyang bag. Mainam naman napatingin si kara sa kanya sabay napatango dahil kung tutuusin mas malakas nga ang magagawa nitong ingay upang ma-distract ang creature.
"you just need to set that in 50 secs para agad na ito mag ingay bago pa ito mag landing."
Suggestion naman ni kara na agad sinet-up ni karo. At nang matapos ay agad ng in-activate ng binata ang hawak nyang alarm clock sabay binato papalayo sa kanilang magiging daanan.
tila naging slow mo pa ang pag hagis ni karo sa alarm clock para kay kara dahil sa sobrang bilis din nang kabog ng dibdib nito kaya ang lahat nang bagay sa kanyang paligid ay klarong-klaro sa kanyang paningin at pandinig.
Kringggggggggg!!!!!!!!!
"graaahh!!"
At gaya nang kanilang ina-asahan ay mabilis nag react ang mga creature at galit na sumigaw muna ito sa kanilang pwesto bago hinanap ang salarin ng ingay.
Nang mapansin ng dalawa na wala ng halimaw ang natira sa kanilang daanan ay agad ng inimbitahan ni karo si kara upang umalis.
"Run."
Bulong pa ng binata at dahil doon tumakbo nga ng mabilis ang dalaga na katulad nang sinabi nya kanina ay binuhos nya nga ang kanyang lakas sa pagtakbo.
Pero bago yun ay lumanghap muna ng maraming hangin ito at ang hindi makapaniwalang si karo ay tuluyan ng nahuli.
'I think mabilis talaga tumakbo ang isang iyon nahihiya lang umamin."
Anas pa ng binata samantala, sa isip-isip ni kara.
'the fudge kung kailan nasa gitna kami nang nga halimaw, saka ko lang naramdaman na naiihi ako!!'
Sabay takip pa sa kanyang ilong upang maharangan ang masangsang na amoy sa kanyang paligid.
-----------
*click—
"Ito na ba ang security room?"
Pagkaraan na tanong ni karo nang tuluyan silang makapasok sa room pero imbis na sagutin ito ni kara ay isang tango lang ang binigay nito at mabilis na hinanap ang cr.
"Gosh, what a run."
Buntong hininga na litanya ng dalaga sa paligid matapos itong makaupo sa water closet at hinayaan ang kanyang pantog na mag bawas.
Mga ilang segundong nakalipas nang mapansin ng dalaga na tapos na syang umihi at naisipan na nitong punasan ang kanyang ibaba bago tumayo, ngunit bago pa man sya tuluyan makalabas sa cubicle ay agad din natuptop ang kanyang katawan.
Sapagkat ang bumungad lang naman sa kanya ay ang matalas na cutter na malapit at nakatutok na sa kanyang mata.
"Don't you dare scream, you b*tch."
Anas pa ng salarin na walang nagawa si kara kundi sundin na lang ito. Habang si karo naman ay hinayaan lang ang kanyang sarili na obserbahin ang silid lalo na't sa kanyang harapan ay marami nang monitor dahilan upang mapanuod nya ang mga nangyayari sa labas.
Ayun nga lang ay hindi nya naririnig ang mga ito pero nakapag bitaw pa rin sya nang simpatya sa mga nabiktima ng creature, ngunit sa isip-isip ni karo umaasa pa rin ito na marami pa rin kagaya nila ang naka ligtas...