“Do you remember what I said?”
“Activate the time machine and go.”
“Very good, now can you promise me to always be optimistic like what we swear to each other?”
“I promise.”
“I always love you, alright? Do you believe that?”
“Yeah, I always… believe you.”
“Alright! Now everything’s fix sweetie, I need to go now.”
Aking masaganang pahayag sa kanyang harapan habang ina-abala ang aking sarili sa aming paligid upang maiwasan lang ang kanyang malungkot na mata.
“D-do you really need to go? C-can’t I come along with you?”
Pero hindi ko rin pala mai-iwasan ito nang matagal, kung ang isang garagal na tanong ang ibinalik nito sakin, dahilan din upang ako’y mapa-hinto sa aking ginagawa na pag- iimpake para sa dadalhin nya mamaya.
Akin munang inayos ang sarili bago ito nilingon na may malambing na ngiti sa labi, kahit na ramdam ko ang bigat at kirot na namumuo sa aking dibdib, ay minabuti ko pa rin ipakita ang masaya kong mukha.
“I’m afraid you can’t sweetie. But I swear, na kahit gaano man tayo kalayo sa isa’t-isa, g-gabayan at b-bantayan pa rin kita.”
“B-but I- I’m going to miss you.”
“And I will miss you more, more, so much.”
Mangiyak-ngiyak kong litanya ngunit bago pa man nya mapansin ito ay mabilis ko syang hinagkan ng yakap at hinalikan sa noo, hanggang sa sinilayan ko ulit ang kanyang inosenteng mukha na tila ba’y kina-kabisado ang kanyang pigyura upang sa huli naming pagki-kita ay ni kailanman hindi ko maka-kalimutan ang maganda at maamo nyang itsura.
“Ano nga ulit ang lagi kong sinasabi?”
“Always follow your dream.”
Malungkot nyang sagot, na marahan ko lang naman iki-nangiti ng pilit, hanggang sa masuyo ko na rin ibinigay ang kanyang bag na dadalhin.
“And that is a promise, pinky swear?”
“P-pinky swear.”
Sabay lahad ng kanyang hinliliit upang ipulupot ito sakin, kahit na, nasa iba ang kanyang atensyon. Akin lang naman itong hinayaan at isang tapik na lang sa kanyang ulo ang huli kong ibinigay bago ko sya tinalikuran ng tuluyan.
“P-please don’t go.”
Maya-maya pa nyang pakiusap dahilan para mapa-fist form ang aking kamay upang mapigilan ang aking sarili na sya’y lingunin. Remember, para rin sa kaligtasan nya ito. Pang-iinganyo ko pa saking sarili.
“D-don’t leave!”
Kanya pang dugtong dahilan upang walang pahintulot na umagos sa aking dalawang mata ang pinipigilan kong luha, I’m sorry sweetie I can’t do that. Pahayag ko sa aking isip habang tahimik na lang akong nag hihinagpis hanggang sa makalayo ako sa kanya.
“Please”…
….
…
…
…
…
“Wake up.”
“Hey, wake up.”
“Karo.”
“Karo, wake up.”
“Hmn.”
“Finally, you respond, I thought you already dead.”
“W-what happened?”
“Well, I just saw you laying here in the rooftop na may marumi at gusot-gusot na damit.”
Marahan nyang paliwanag habang tinu-tulungan nya akong bumangon sa pagka-higa, pero kasabay yun ay ang mariin kong pag-titiis sa kirot na binibigay ng aking katawan at ulo nang tuluyan akong maka-tayo.
“Sila na naman ba ang may gawa nito sayo?”
Pag karaan nyang tanong, kaya napa lingon ko sa kanya. Halata naman sa itsura nito ang pag-aalala na may halong inis. Subalit, akin lang naman itong ikina-buntong hininga at nag-kusa nang alisin ang kamay nya na abala sa pag pag-pag ng alikabok saking damit.
“Hayaan na lang natin sila.”
“Lagi na lang ba hahayaan karo? Ayaw mo man lang ba lumaban? Look, hindi pa ba sapat ang naki-kita mo ngayon sa iyong sarili? Na para bang ginawa ka nilang basahan?”
“Ayaw ko lang silang pag-aksayahan ng oras, Flank. Ang mabuti pa ay bumaba na tayo at baka hindi na, natin maabutan ang next lesson.”
Pabulong kong pahayag habang pasimpleng napa hawak saking ulo ng unti-unti itong kumirot na tila ba’y may isang kidlat ang naparaan dito, at kasabay yun ang iilang imahe na nag silabasan sa aking isipan na para ba’y isa itong mga ala-ala.
Bandage, Gunting, Libro, Kamao, Tubig at Tv. Ang aking mga natanaw ng wala sa oras akong napa pikit.
A-ano ang ibig sabihin nito? Tanong ko pa saking sarili ng may isa pang lumitaw na imahe katulad lang kanina, pero para itong usok na nang gagaling sa isang pinaka malaking gusali.
“Karo ayos ka lang ba?”
Maya-mayang pukaw ni Flank sa aking ulirat nang maramdaman ko ang kamay nya sakin balikat, marahan ko lang naman idinilat ang aking mata at hindi na, naisipan pa syang tapunan nang tingin para maka pag lakad na rin.
Kahit naka kalito para sakin ang aking mga naa-alala mas minabuti ko na lang muna ipagpaliban iyon, pero bago pa man ako maka alis sa aking pwesto ay agad ulit ako nitong pinigilan, kasabay ang pag pwesto nya agad saking harapan para lang mata-punan ako nito nang masinsinan na tingin.
“Sa tingin ko bago tayo pumunta sa room ay kailangan muna natin dumaan sa nurse office.”
“Pero ayos lang naman talaga---Aw!”
Biglang daing ko sa harapan nito ng hindi man lang humingi nang pahintulot ang aking utak na kumirot ulit, Pero imbis na mapapikit ako sa kirot nito ay taimtim pa akong napa tulala ng wala sa oras.
Sapagkat, hindi na ang mga nakikita ko sa paligid ang lumitaw saking isipan, kung hindi ang mga naka-katakot na boses na para bang malapit lang din sila sa tenga ko at ang naka-kakilabot nilang pulang mata, na puno rin ng dugo ang kanilang mga bibig.
A-ano yun?
“Ayan ba ang sinasabi mong maayos? Yung napapa tulala ka na lang bigla-bigla?”
Pukaw ulit ni Frank sakin na hindi ko man lang namalayan na hila-hila na pala nya ako papunta ata sa clinic, ni wala man lang itong kahirap-hirap sa pag kaladkad nya sakin dahil bukod sa ako’y maliit, eh hindi rin ganoon kabigat ang aking katawan. Pero hindi talaga dapat ang bagay na yun ang aking ini-intindi.
Dahil ngayon ay parang may malaking pangyayari akong natatanaw, pero hindi ko pa matukoy kung ano ito.
*********
“Flank, may alam ka ba kung ilang oras ako nawalan nang malay sa roof top?”
Mga ilang minuto kong tanong saking kasama, ng matapos kaming pumunta sa clinic at ngayon ay taimtim na kaming nag lalakad sa hallway.
“Naabutan na lang kita sa Rooftop exactly at 2pm. Pero, hindi ko alam kung anong oras ka binully ng mga grupo nila mosker, bakit?”
“W-wala naman.”
Ang aking alanganin sagot sa kanyang tanong, dahil kung tutuusin ay parang ang tagal ko ata nawalan nang malay sa ka-dahilanan na nara-ramdaman kong pagod at panga-ngalay saking katawan.
Hindi naman siguro ito galing lang sa pana-nakit nila Mosker diba? Dahil pati ang bandage na, nasa akin ulo ay kaparehas rin na lumabas sa aking alala kanina. Is it a Deja vu or nag kataon lang talaga?
“Tuliro ka na naman Karo, ano ba yan bumabagabag sa isipan mo?”
“S-sa totoo lang hindi ko rin alam.”
“Huh? Bakit? Hindi kaya nag karuon ka ng amnesia dahil sa ginawa nila sayo?”
“Hindi naman siguro.”
Pag-aalinlangan kong sagot. Although, sa kanyang sinabi ay para ngang may amnesia ako sa lagay na ito. Pero bakit naman ako mag kakaruon ng ganun symptoms kung hindi naman malala ang nangyari sa aking ulo?
Akin pang litanya sa huli, hanggang sa tuluyan na kaming nakarating sa room at ang bumungad samin ay ang maingay naming mga classmate na may kanya-kanyang gawain.
As usual, para na naman silang takas sa Mental Hospital, pero imbis na bigyan sila nang pansin ay mina buti ko na lang bumalik sa aking upuan nang tahimik, mahirap na kasi kapag napansin ako ng mga ito, dahil may chance na pag-iinitan na naman nila ang taong katulad ko.
Maayos naman akong naka-rating sa aking pwesto, pero kahit ganoon pa man ay ramdam ko ang mga titig nilang naka-kaloko sakin, lalo na sa grupo nila Mosker. Subalit, imbis na bigyan ko sila ng atensyon ay naisipan ko na lang ituon rin ang aking sarili sa pagba-basa ko nang aking dala na libro.
Kaso, bago ko pa man makuha ng literal ang pakay ko, may nauna ng bagay ang lumabas sa aking drawer desk, at ng akin itong tinuunan nang pansin. Isa itong gunting na kung hindi ako nagka-kamali parehas ito sa aking ala-ala.
Dahilan para ako’y kutuban ng malakas, hindi dahil sa ngisi ng mga naka-silay sa nangayari ngayon, kung hindi sa mga nang-yayaring kaganapan sakin isipan.
I-isa pa rin naman itong pag ka-kataon lang diba? D-dahil I-imposible naman na pati rin ang bagay na ito ay nasama rin sa Déjà vu. At lalung-lalo na ang libro ko, na kung hindi ako nag k-kamali isa na lang itong pira-pirasong papel kapag akin itong titignan.
Pampagaan loob ko pa sa sarili habang palihim na napa buntong hininga bago ko hinugot ang aking dalang libro…Para lang manginig at mapa-tulala, nang klaro saking dalawang mata ang punit nitong cover book na literal na dinaan ng matulis na bagay.
“Woah there! Sino ang may gawa nito? Hindi nyo ba alam na isang treasure ang libro na ito sa isang Loner Boy!”
Malokong pahayag ni Mosker na ikina-tawa naman ng lahat, except kay Flank na mukhang gusto na sana ako puntahan, subalit mabilis syang hina-harangan ng mga kab-baihan, na nais lang mag papansin sa kanya.
“Does it break your heart, Weak Boy? Oh, hindi pala weak, kasi ang akala namin ay patay ka na matapos ng aming ginawa, mabuti naman at hindi pa, dahil sino na lang ang pag la-laruan namin kung wala ka na?”
Dugtong pa nya bago ito malakas na huma-lakhak malapit sakin tenga, pero imbis na mapa-singhap at kilabutan sa kanyang sinabi ay patuloy pa rin ang malalim kong pag-iisip.
M-mukhang hindi na nga talaga isang naka-ligtaan ang mga nag pakita saking isipan ngayon. Sapagkat, pangatlo na ang libro na ito bilang ibidensya, at kung hindi ako mag ka-kamali may nakita rin akong kamao roon. Posible kaya na pag mamay-ari ito ni mosker kung akin itong pani-niwalaan? Pero bakit? Sa anong dahilan?
Akin pang tanong sa huli, hanggang sa naisipan ko na lang pilitin itong alamin upang akin talagang mapa-tunayan na hindi ako pinag lalaruan ng aking isipan at posible ngang may pina-pahiwatig ito.
“Oi! Bingi ka ba! Sino ka para may karapatan hindi ako pansinin!?”
Ang mahina kong dinig sa sinasabi ni mosker na para bang duma-daan muna ito sa malalim na tubig bago ito ma-receive ng aking tenga.
“Sadyang ang lakas na talaga ng apog mo na hindi ako pansinin ah!”
Dugtong pa nya sabay hampas nang malakas saking mesa. Ginagawa nya na rin ba ito ngayon? Pero, bakit hindi man lang ako makaramdam ng takot sa pinapakita nya, kahit na halata na sa boses nito ang pagka-irita.
Hindi rin naman nag tagal ang ilang minuto ng tila’y lumabas na ang sagot sa aking katanungan.
Oo nga pala, nagalit ito sapagkat hindi ko sya pina-pansin dahil ang nag o-occupy sa isip ko that time ay ang mag pakamatay. Sapagkat, natanggap na ng aking sarili na wala akong ambag dito sa mundo.
Kaya naka-tanggap ako ng suntok na nang gagaling sa kamao nya, para lang magising ako sa ulirat, pero hindi pa roon nag tatapos. Dahil, tinapunan rin ako ng tubig ng isa nyang kasamahan, hudyat ng aking pagka-lunod saglit dahil sumakto ang pag pasok nito saking ilong.
Ngunit ngayon… Kasabay ang rinig ko na pag singhap sa aming paligid ang aking pag lingon kay Mosker na may blangkong tingin, habang mariin at maingat na nasalag ng aking kamay ang kanyang kamao na balak sanang tumama sa aking pisngi.
At bago pa man maitapon ang tubig na hawak ng kasama nito sa akin, eh mabilis akong tumayo sa aking upuan at tinabig ang kamay nito, para lang masakto ang pag tapon ng tubig sa mukha ni mosker bago ko pwersahan pina-ikot ang parehas nilang braso upang malapat ito sa likod nila, hudyat para marinig sa apat na sulok ng silid ang pag daing ng mga ito. Habang ako naman ay matalim lang napaka pwesto sa likudan nila.
Pagka lipas ng ilang segundo halata sa mukha ng mga taong naka tunghay samin ang pagka bigla, pero imbis na bigyan ito ng pansin ay marahas ko nang itinulak ang dawala dahilan para masubsub ito sa dibdib ng kanyang mga kasama bago ko naisipan lumabas sa room dala ang aking bag.
H-hindi maari, n-nagawa ko talaga yun kahit na mas matangkad pa sakin ang taong kaharap ko. At p-paanong? P-paano ako nag karuon ng lakas para lumaban? Kahit ang kilos nila ay alam ko na agad? M-may wala na ba akong nalalaman saking sarili simula yung pag gising ko sa Rooftop?
Kung ganoon nga, ay kailangan ko itong matuklasan gayun din! Agad kong desisyon saking sarili habang napag-pasyahan na rin umuwi upang makapag-isip na ng mabuti…