CHAPTER 7

3495 Words
—ANIKA— Matapos kong maglunch ay nilagay ko sa locker ko ang mga pinamili kong coloring materials. Minsan kasi napakaulyanin ko, kaya ilalagay ko nalang sa locker para wala ng problema next week. Dito rin kasi sa campus gaganapin ang contest kaya ilustration board nalang ang dadalhin ko next week. Tungkol sa anti bullying ang gagawin namin at may idea na ako kung ano ang gagawin ko. Nabully din kasi ako kaya nakakarelate naman ako, Salamat nalang kay Alien. Pagpasok ko sa room ay bigla nalang akong natawa sa nangyari kahapon na na-lock kami dito ni Alien. Umiiling akong naglakad papunta sa upuan ko. Pagkalagay ko ng bag ko sa upuan ay lumabas muna ako sa room dahil konti palang naman ang nasa loob. Nagbukas ako ng chewing gum at nginuya ito habang nakasandal sa pader. "Excuse me, Ate" Nilingon ko ang magandang bata na lumapit sa'kin. "Hm?" Sagot ko. "Saan po yung room dito ng ABM B?" "Dito yun, bakit?" "Ah, so classmate niyo po si Prince Arevalo?" 'Wag niya sabihing babae niya to?ang bata!' "Ah, o-oo" sagot ko. "Nandiyan po ba siya sa loob?" "Naku, baka kumakain pa yun sa canteen" "Saan po yung canteen niyo rito?" "Malayo pa dito e" "Ate busy ka po ba? Pasama naman po please" "Ah huh? Si-sige sige tara" sagot ko at pilit na ngumiti. Walang'yang alien, pati bata pinapatos!' "Ilang taon ka na?" Tanong ko habang naglalakad kami. "12 na po, birthday ko po ngayon hihi" "Hehe happy birthday!" "Thank you ate, anong pangalan mo?" "Anika, ikaw?" "Eurydice po pero, Eury nalang po tawag niyo sa'kin" "Ang ganda naman ng pangalan mo" nakangiting Sabi ko. "Hihihihi thank you po" Gusto ko sanang tanungin kung kaano ano niya alien pero wag na, ayokong manghimasok at wala naman akong paki. "Ayon siya oh" turo ko kay alien habang kumakain ito kasama ang mga kagrupo niya 'ata. "Nahihiya akong pumasok ate, pwedeng pasama?" "Sige tara" aya ko at pumasok kami sa canteen, 'saka lumapit kay alien. "Pst" Sitsit ni eury kay alien. Nanlaki naman ang mata ni alien nang makita niya ito. "Eury!?" Sabi nito at tumayo. "Surprise—" biglang niyakap ni alien si Eury. "What are you doing here?" Tanong nito habang nakangiti 'saka kumalas sa pagkakayakap "Alam ba ni Dad na nandito ka? kailan ka dumating?". "Kanina lang and yes alam ni Dad, kasama ko si lolang umuwi" Ah, so kapatid pala..' Pasimple akong tumalikod at humakbang. "Ate Anika!" "Hm?" Sagot ko at lumingon ulit sa kanila. "Thank you po" nakangiting sabi nito. "Welcome" sagot ko naman at nag thumbs up ako. "Kapatid ko nga pala" nakangiting sabi ni alien sa'kin at tumango naman ako. "Siya yung tumulong sa'kin para hanapin ka kuya" "Ah ganun ba, thanks ah" baling sa'kin ni alien at tumango naman ako 'saka tumalikod at umalis. Ano pang gagawin ko dun? Tss.. "Pst!" Nilingon ko ang kumalabit sa'kin. "Oh?" Tanong ko. "Patulong naman" "Saan?" "Bubuhatin lang po yung mga gamit ko sa compartment ni kuya, ok lang po ba? Please..." Si eury. Bat ako pa!? E andaming kagrupo dun ng kuya niya! Magkapatid nga kayo!' Pinagdikit ni Eury ang dalawang palad niya at pumikit sabay nagpacute. "Please ate" usal nito habang nakapikit. Tinaasan ko naman ng isang kilay si Alien at nag ngiting aso ito sa'kin. "Hm, Tara" sagot ko at hinawakan ako sa braso ni eury saka kami naunang naglakad. "Feeling ko birthday gift sa'kin 'to ni God" nakangiting sabi sakin ni eury. "Bakit?" "Kasi gustong gusto kong magkaroon ng Ate" sagot niya at napangiti naman ako. "Ganun ba?, May kuya ka naman eh" "Hmp!. Istrikto yan, basta tatawag siya sa'kin ang daaaaaming sermon! pero love ko yan" Pagkarating namin sa Dean's office ay kinuha namin ang mga bagahe ni Eury, maliit lang naman kaya isang balikan lang. "Bat hindi mo pa kasi ito pinadala kay Lola sa bahay?" Inis na sabi ni Alien. "Ayokong matulog dun, wala dun si mommy eh, may business trip daw kaya sa condo mo ako matutulog." "Huhl? Ayoko! Dun ka sa bahay!" "Edi umuwi ka din sa bahay!" "Ayoko, dun muna ako sa condo ko" "Bakit ayaw mo?" "Kasi wala naman si Mommy dun!" "Kita mo! Same reason lang tayo" Habang nagtatalo ang magkapatid ay umupo muna ako sa sofa at pinanuod sila. "Basta dun ka sa bahay, samahan mo dun si Lola at Daddy!" Si Alien. "Kuya naman! Hindi ako umuwi ng bahay para makita ka agad kahit may jet lag ako tapos igaganyan mo lang ako" reklamo ni eury habang salubong ang kilay. Biglang nagbukas ang pinto kaya tumayo ako. "Good afternoon po, Dean" bati ko kay Dean Arevelo "Good afternoon" sagot naman niya sa'kin habang nakangiti. Ang bait! Kahit yan lang sana namana ng anak niyang alien!' "Dad oh! ayaw niya akong patulugin sa condo niya" sumbong ni Eury. "Walang matutulog sa condo, sa bahay kayong dalawa matutulog" sagot ni Dean. "Tsk! lkaw kasi eh" pag sisisi ni Alien sa kapatid niya. "Walang kasama ang Lola niyong matulog sa bahay." "Bakit may pupuntahan ka rin Dad? "si Alien. "Susundan ko ang mommy niyo" "Ok po, Tara na nga" aya ni Alien sa'min. Hinila ko ang isang maleta at nahuling naglakad. Pinagmamasdan ko silang naglalakad dahil nakaramdam ako ng inggit. "Dun ka muna sa Office ni Dad ah, susunduin kita dun mamayang uwian ok?" "ok kuya, bye ate!" paalam nito at umalis. Nauna akong naglakad at napahinto ng biglang may maalala. Naglakad ako pabalik. "San ka pupunta?" Si Alien. Sasabihin ko ba??.. Wag na' "Sa locker ko may kukunin lang" sagot ko at hindi ko na siya hinintay magsalita dahil mabilis na akong naglakad. Nagmadali akong pumunta sa Guard house at nadatnan ko si manong bentong na nakaupo. "Manong bentong" "Oh? Anika" "Favor naman oh" "Ano yun?" "Patingin naman ako ng CCTV footage kahapon, dun sa tapat mismo ng ict room" "Bakit?" Sagot nito sabay tayo at naglakad papasok ng guard house kaya sumunod naman ako. "Na lock po kasi kam— ako" "Ganun ba, teka lang" Sabi nito at binutingting ang computer "anong oras ba yun?" "Lunch time po" "Ah.. teka ito 'to 'to" Pinanuod namin at nakita kong pumasok si Sandy sa loob, Maya maya pa ay lumabas din Ito. K*ng ina! Sabi na eh!' "Paki pause po" utos ko. "Kilala mo ba 'to?" "Hindi po" sagot ko "Sayang, dapat ipunta 'to sa Dean's office para maturuan ng leksiyon" "'Wag na po, nakalabas naman na ako eh hehe," "Sa lahat ng classroom dito ka pa nakulong haha" "Bakit po? ano po bang meron sa room na yan?" "May nagparamdam diyan eh" "Ah hehe, si-sige po, mauna na po ako maraming salamat po" pilit na ngiti kong sabi. "Anytime hija" Salubong ang kilay ko habang naglalakad papuntang room. Ano bang problema niya? Bat niya yun ginawa?. Nag sisisi akong tinuring ko siyang kaibigan!. Ano naman purpose niya para gawin yun?, Para hindi kami magkita ni Alien? Para walang sagabal sa panlalandi niya? Ang t*nga lang!. Hindi Dean ang kailangan niya para maturuan siya ng leksiyon, dahil ako mismo ang magtuturo sa kanya ng leksiyon!. —PRINCE— "Turalba, Anika— Turalba Anika!" Nasan na ba yun?' "Turalba, Anika? Absent ba siya?." "Good afternoon Ma'am!" Biglang sulpot ni Gurang at nagtaas ito ng kamay habang naglalakad papunta sa upuan niya. Gusto kong tanungin kung saan siya galing pero naalala kong wala dapat akong paki. "Get one and pass" utos ng lecturer at may binigay itong papel sa harap. "Beh oh" rinig kong sabi ni Paul, baklang kaklase namin. Tulala si Gurang kaya hindi niya inaabot ang papel. "Beh" "Uy!" Sita ko kay gurang nang hindi niya inaabot ang pinapass sa kanya. "Ay sorry" mabilis na sabi nito saka niya inabot. "Tulaley beh?" Sarkastikong sabi ni Paul. "Peace yo" sagot ni Gurang. Nang masagutan namin ang activity ay maagang nag dismiss si Ma'am kaya tuwang tuwa naman kami! Sinong hindi matutuwa dun?! Wahahay!. Parang mga palakang nabuhusan ng tubig ang mga classmates ko dahil sa ingay nila kaya nagsuot ako ng headset at sumandal. Habang nakikinig ng kanta ay napasulyap ako kay Anika at nakita ko itong tulala habang salubong ang kilay. To-totohanin kaya niya yung parusang sinabi niya pag nanalo siya sa contest. Hindi niya ako papansinin pag natalo siya?, Parang imposible naman yun? Magkaklase kami at magkatabi pa kami ng upuan. 'Wag niya sabihing mag tatransfer siya? ang OA naman kung ganun. Halos mapatalon ako sa gulat nang bigla siyang lumingon sa'kin, nakakatakot!. "Bakit?" Tanong nito at iniwasan ko na lang siya ng tingin. Tumayo ito at nagbag 'saka naglakad palabas ng room, sinundan ko siya. Boring pag wala si Gurang. Mabagal lang itong naglalakad at hindi man lang lumingon kaya sinusundan ko lang siya, napahinto ako bigla nang huminto rin ito, 'saka siya umabante ulit. Baliw!' Tinanggal ko ang headset ko at nilagay ko sa bulsa ang phone ko, sa bag ko naman ang headset. "Bat moko sinusundan?" Ginala ko ang mata ko at nakita kong walang tao kundi kaming dalawa lang ni Gurang. "Hi-hindi ah!" Palusot ko at nilingon niya ako. "Mukha ka talagang timang" Sabi nito at naglakad ulit. Kaya lumapit ako sa kanya. "Gurang" tawag ko sa kanya. "Hm?" "Ang laki ng problema ko" "Wala akong paki" "Bw*set ka talaga!" "Madami rin akong problema, Kaya wag mo na akong dinadamay diyan sa problema mo" "Tungkol kay Sandy—" "Wala na akong paki sa taong yan" Luh!?' "Alam mo, ang maldita mo!" "Bakit ka ba kasi nandito? Dapat nandun ka ngayon sa room niya, inaabangan mo dapat siya, mag pick up lines ka para kiligin siya, suyuin mo! t*nga mo rin eh!" "Grabe, grabe ka talaga!" "Hoy alien, Hindi pa ba nag si-sink in sayo na mahal ka pa nung tao?, 'Diba yun yung gusto mo, Ayan na yung opportunity mo oh, babalikan ka na niya" nakangising sabi nito at natahimik naman ako. "Aaaarrrggghhh!!" Inis kong sabi habang ginugulo ang buhok ko. "Kausapin mo kasi, Hindi yung iniiwasan mo haha! Baka magselos yun, dahil imbes na siya ang kasama mo ngayon eh nandito ka sa tabi ko" nakangiting sabi niya sa'kin. Teka! Ano ba 'tong ginagawa ko!?' "Ba-babay na nga!" Inis kong sabi ko 'saka ako tumalikod. "Oh 'san ka pupunta?" "Sa next Subject" "G*go, andito na nga tayo eh, magkaklase tayo t*nga!" Natatawang sabi nito 'saka pumasok sa loob ng room. Hindi ko namalayang nandito na pala kami sa next subject namin!?. ——— Natutuwa talaga ako dahil kasama ko ang baby sister ko ngayon. 7 years old lang siya nun nung ipinunta siya sa state ni Lola dahil kailangan siyang operahan sa puso. Masaya ako dahil nakarecover na siya at mukhang pa siyang masigla. Mahal na mahal ko ang baby sister ko dahil wala naman na akong kapatid kun'di siya lang, Kaya over protective ako, siyempre babae e. "Sabi ni Dad dito na ako mag ga-grade 7" "Talaga!? So hindi ka na babalik ng states?" Masayang tanong ko habang nag di-drive. "Hindi na hihihi, I want a normal life, I want many friends!" "Naka enroll ka na ba? "Oo naman, kanina lang" "Ah mabuti kung ganun" "Mag aaral na ako bukas, and I'm so excited kuya!" Hehehe, walang mag bo-boyfriend ah!" "Hay naku kuya!" "Anong hay naku hay naku? Um-oo ka nalang!" "Opo" KINABUKASAN "Kuya! Wake up!!" "Hmm" "Baka malate tayo eh" Bigla akong bumangon dahil naalala kong may kapatid pala ako. "Ang aga mo naman? naka uniform ka na?" "Excited na ako eh, bilis na diyan! Hintayin kita sa baba" Pagkalabas niya ng kwarto ay pumasok na ako sa CR para maligo. Hindi kami pwedeng malate dahil ayoko namang first day of school ni eury ay mabilad siya sa araw. "You're so matagal! Use your alarm clock kasi" "Oh kalma yang puso mo!" Pang aasar ko sakanya. "Nyenye" panggagaya niya sakin "Hoy wag mo akong ginaganyan ah" sita ko sakanya "Ok sorry" Nakahinga naman ako ng maluwag dahil pagdating namin sa Campus ay hindi pa kami nalate. Hinatid ko si eury sa room niya. "Wag magpapagod ok?, Patingin ng sched mo" Sabi ko at binigay niya sakin ang papel kung saan nakasulat ang rooms at schedule niya "sige susunduin kita mamayang lunch sabay tayo, wag kang magpapatuyo ng pawis, kung may nang away sayo sabihin mo sakin, sasapakin ko. Pag may pumuporma sayo ituro mo sakin para mabugbog ko--" "Kuya!" Pagpuputol niya sa'kin. "Hay! Sige na nga pumasok ka na sa loob, wag kang magpapagod ah!" Bilin ko at hindi niya ako sinagot dahil pumasok na siya sa loob. Pinanuod ko pa siya at tinaboy niya ako gamit ang kamay niya. "Uy may assignment ka?" Bulong ko kay gurang "Meron" "Pakopya" "Mukha mo! Gawin mo na hangga't wala pa si Ma'am Dinia lagot ka don" "Tsk! Pakopya na" "Kahit lumuhod ka pa ayoko" "Hmp!" Singhal ko at inambaan ko siya ng suntok. Mabilis Kyong nilabas ang libro ko at sinagutan. Math pa man din jusko!. Tahimik ang lahat ng dumating si ma'am, ako naman ay halos mahulog na ang puso sa sobrang kaba. Nakakatakot kasi itong lecturer na 'to napaka terror. Paglabas ko ng classroom ay bumungad sakin ang kapatid kong umiiyak at ang dumi ng uniform niya. Kaya mabilis akong lumapit sakanya. "Huhuhu kuya.." "Bakit? Sinong umaway sa'yo?" Galit kong tanong. "oh nangyari diyan?" Biglang sulpot ni Gurang. "Ate Anika huhuhu" "Bakit? Sinong umaway sayo!? Sabihin mo— sasapakin ko" Galit kong sabi. "Huy! Kumalma ka nga!" Sita sa'kin ni Gurang "Eury, inaway ka ba?" Baling niya sa kapatid ko. "Yung babae kanina, nabunggo ko siya, nagsorry naman ako sa kanya pero sinigawan niya ako tapos binuhos niya sa'kin yung juice niya huhuhuhu" "Nasan yun? Halika turo mo sa'kin!" Inis na sabi ko at hinawakan ko ang kamay niya. "'Wag na kuya, hayaan mo na" "Hindi pwedeng hayaan Eury, dapat turuan yun ng leksyon" si Gurang. "Sasama ka din ate?" "Ay hindi na si ku—" nahinto siya dahil pasikreto ko siyang sinenyasan na sumama "si-sige tara, humanda yan sa'kin, nasan ba siya?" "Baka nasa canteen pa yun ate" sagot ni Eury at nagsimula na kaming naglakad papuntang canteen. "Nasan?" Tanong ko. "Yun siya oh!" Sagot ni Eury at may tinuro, pagkatingin ko sa tinuro niya ay nag alinlangan ako "Asan ulit?" Tanong ko. "Ayun nga, yung may kasamang dalawang babae" turo niya kila Sandy. "Si Sandy?" Mahinang usal ni Gurang ngunit narinig ko ito. "Sure ka?" Tanong ko ulit. "Oo nga kuya" "Tss, sige nga sapakin mo nga" Pag hahamon sa'kin ni Gurang sabay tinulak ako?. "Ano ka ba!?" Inis kong sabi sa kanya. "Di mo kaya? Pinaiyak yang kapatid mo tapos—" "Ito na nga, Tara!" Inis kong sabi saka kami naglakad papalapit kay Sandy. "Prince?" Nakangiting bati sa'kin ni Sandy 'saka ito tumayo "hi bes!" "Uhm, nagsumbong kasi itong kapatid ko, may nabangga daw siya kanina—" "Kapatid? Nasa'n?" Tanong nito at nakita ko si Eury na nagtatago sa likod ni Gurang. "Eury!" Tawag ko sa kanya at lumabas siya sa likod ni Gurang. "K-kapatid mo siya?" Hindi makapaniwalang tanong ni syandy habang nakaturo kay Eury. "Oo, Sabi niya sinigawan mo raw siya tapos binuhusan mo pa—" "Tsk! Hina nito" pagpuputol sakin ni Gurang. "Huh?" Usal ko. "Sandy, nagsorry naman na siya sa'yo e, ba't mo pa sinigawan at binuhusan ng juice? Napahiya yung bata, pinaiyak mo pa." Inis na Sabi ni Gurang kay Sandy. "Uhm, so-sorry hindi ko naman kasi alam na kapatid siya ni Prince eh—" "So kung hindi siya kapatid ni Prince, ok lang sayyo yung ginawa mo?— Ayan! sa kanya ka mag sorry!" Gurang!?' Napabuntong hininga si Sandy at halatang nagpipigil ito ng inis. Hindi ko inaasahang magagawa niya yun sa isang bata! Napaka immature. "Sorry ah, promise babawi ako sa'yo, next na magkita tayo." "I don't want to see your face again!" Pagpuputol sakanya ni Eury 'saka Ito tumakbo palabas. "Eury!" Tawag ko sa kanya ngunit Hindi niya ako pinansin. "I'm so sorry Prince, I'm really really sorry" baling sa'kin ni Sandy. "Halika na Anika" Aya ko kay Anika at nakita ko itong ngumisi habang nakayuko ang ulo. Tss.. Para san yun?' "Ate, may extra shirt ka ba?" Tanong ni Eury kay Anika. "Meron, kaso baka maluwag sayo eh" "It's ok ate, pahiram naman please" "Sure tara sa locker ko" Nauna silang naglakad papunta sa locker ni Anika. "Ito, Tara sa Cr para makapagbihis ka na" Aya ni gurang sa kapatid ko 'saka kami pumunta ng Cr. Hinintay nalang namin si Eury sa labas ng cr. "Pasensya sa abala" seryosong sabi ko kay Gurang. "Ok lang" "Pero bat ganun ka makipag usap kay Sandy?" "Mali yung ginawa niya" walang ganang sagot nito. "Thank you ah" "Wala yun, masyado ka kasing papogi" "Oh? Bakit na naman!?" "Hindi naman sana ako sasabat kung Hindi ka na nagpaligoy ligoy pa, ang haba ng intro mo" "Tss! Bakit ba ang bait mo diyan sa kapatid ko?" "Kasi mabait siya sa'kin" "Wala kang kapatid?" "Wala ka na dun" "Ate, kuya look oh, parang hiphopper ako hehehehe!" Biglang sulpot ni Eury. "Ok ka na?" tanong ko sa kanya at kinuha ko ang paper bag na hawak niya. "Yes kuya, im super fine na, I need to go na sa next subject ko ah, bye ate Anika, thank you" Paalam nito at patakbo siyang umalis. "Wag kang magpapagod!" Pahabol ko ngunit hindi niya na nilingon kaya napabuntong hininga ako. "Hay!" Inis kong sabi habang hinahatid ko siya ng tingin. "Baka pwede ng umalis? may next subject pa tayo" "Tara" Aya ko kay gurang. —ANIKA— Habang naglalakad papalabas ng campus ay sinalubong ako ni Sandy ngunit iniwasan ko. "oh?" Tanong ko ng pumunta ito sa harap ko. "Mag usap tayo" "Anong sasabihin mo?" "Are we still friends?! Ba't moko sinigawan sa harap ni Prince kanina? Nagmukha akong masama!" "Eh masama ka naman talaga" nakangising sagot ko. "What!?" "Are we friends huh? Kaibigan ba talaga kita?" "Yes! Kaibigan mo ako, pero ikaw ang sumisira sa pagkakaibigan natin!" "Talaga lang ah—" "Alam mong Mahal ko pa si prince pero bakit parang gustong gusto mo pang malayo ako sa kanya may gusto ka pa rin ba kay Prince?—" "Ow! So this is about me and Lucas? kaya ka nagagalit dahil nagseselos ka!" "Yes nagseselos ako! Pero 'wag kang feeling! Ginamit ka lang naman ni Prince para pagselosin ako kasi he still love me!—" "Ow realy!? Ba't di mo tanungin sa kanya kung mahal ka pa niya!.." "Kahit hindi ko tanungin alam kong Mahal niya ako! Eh baka naman kasi nagseselos ka dahil may gusto ka rin kay Prince kaso ako ang gusto niya! Ang fake mo din eh!" "Kung may fake sa'tin, ikaw yun!" Sigaw ko sa kanya at tinuro ko siya sa mukha. "Then prove it!!" "ikaw ang nag lock sakin sa ict room kahapon 'diba!" "What! may evidence ka!?" nakangising tanong niya. "Oo meron! nakita ko ang CCTV footage at nakita kong ikaw ang may gawa nun!" Sigaw ko at natahimik siya "oh bat natahimik ka!— ngayon sabihin kung sinong fake sa'tin!" "Enough!" Nahinto kami at nilingon namin kung sino ang sumigaw. Nakita ko si Alien kasama si Eury. "o... my... gash.." si Eury. "Prince" usal ni Sandy habang umiiyak. Ang plastik. "Eury, Mauna ka na sa kotse, malapit na dito yung parking lot" "Yes, I know, sure" mabilis na sagot ni Eury saka ito umalis. "Gusto ka niyang agawin sa'kin Prince" umiyak niyang sabi kay Alien, at napabuntong hininga naman ako sa inis. "Wala akong aagawin sa'yo, dahil hindi siya sa'yo! " Sigaw ko sa kanya. "Ang sabihin mo! Naiinggit ka lang! kasi ikaw ang unang nagkagusto sa kanya pero ako ang gusto niya! Ako ang mahal niya!" "What?" Si alien. Hindi ako sumagot dahil hindi ko alam kung anong isasagot ko. Bakit kailangan pa niyang ungkatin ang nakaraan!? Ang tagal na nun!. "Kaya ngayong hiwalay kami, gumagawa ka ng paraan para magkagusto siya sa'yo pero wala pa rin, ako pa rin ang Mahal niya, nakakaawa ka!" "Matagal na akong walang gusto sa kanya! Bago pa maging kayo, Wala na akong gusto sa kanya dahil alam kong gusto mo rin siya! Naging masaya ako para sainyo dahil kaibigan kita!" Sigaw ko at hindi ko na mapigilang tumulo ang luha ko "Wala kang karapatang sabihin yan sa'kin, dahil hindi yan totoo" Hindi ko na sila hinintay na kumibo pa at mabilis na akong naglakad paalis. Maging sa trabaho ay hindi pa rin maalis sa isip ko ang mga nangyari. Totoong nagkagusto ako kay Alien, pero dati yun! Ang tagal na nun!. First day of school ko nun last year, nakita ko siyang sumasayaw at nagkagusto ako sa kanya dahil sa panlabas lang na anyo, napakababaw!. Hindi ako makapaniwalang uungkatin pa yun ni Sandy! Nakakabadtrip talaga! Baka isipin pa ni alien na hanggang ngayon ay may gusto pa ako sakanya! Duh!. Sa lahat ng pagpapahiya, pambubully at pambwi-bwiset niya sakin araw araw! Wag niya isiping may gusto pa ako sakanya. Sobrang pangit na ng imahe niya sakin!.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD