-PRINCE-
Tama ba 'tong plano ko? Pero parang effective naman dahil mukha talagang nagselos kahapon si Sandy. Nangangamoy balikan na!. Paano rin naman si Gurang?.
Sumandal ako sa locker ko at napaisip. Hindi naman kami maghihiwalay ni Sandy kung hindi dahil sa kanya e, edi siya na lang din ang maging dahilan para magkabalikan kami ulit.
Paano naman kung ma-inlove sakin 'tung si Gurang?'
Natawa ako nang bahagya at umiling.
"Imposible" natatawang sabi ko at humarap ako sa locker para ilagay ang mga librong nasa bag ko.
"Beshy narinig mo na yung bagong issue?"
"Ano yun?"
"Kilala mo si Sandy?"
"Sandy? Sandy nung Humms o Sandy ng ABM?"
"Yung ABM"
"Ah yung maganda na matangkad, ex nung dancer?"
So si Sandy ko nga ang pinag chichismisan nila?'
"Oo yun nga"
"Bakit?"
"Nag dadate ata sila nung Transferee na lalaki—"
Padabog kong hinampas ang locker ko.
Napatingin ako sa nagmulan ng ingay at nakita ko si Anika na salubong ang kilay habang nakatingin sa dalawang babaeng nag chichismisan. Nag si-alisan sila at hinatid ko sila ng tingin.
badmood siya?'
Salubong ang kilay niya habang may kinukuha sa locker niya. Kakausapin ko ba siya?, Ba't parang nahihiya ako bigla!?'
Habang nag di-discuss ang lecturer ay hindi ko maiwasang sumulyap kay Anika.
"Anika, may meeting kayo ngayon sa hall"
"Oo alam ko" walang ganang sagot ni Anika at napataas naman ang dalawang kilay ko dahil sa inasal niya.
"Ah, o-ok" nahihiyang usal ni Victoria 'saka ito umalis sa harap ni Anika.
"U-uy ang sungit mo ngayon ah" nakangiting sabi ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin. "Hoy—"
"Wala ako sa mood" walang ganang sabi nito 'saka tumayo.
"Ihahatid na kita" Alok ko at hindi ko na hinintay ang sagot niya dahil kinuha ko na ang bag niya 'saka mabilis na lumabas.
"Akin na yan" sabi niya at pilit niyang kinukuha ang bag niyang hawak ko "akin na sabi e"
"Ba't ka galit sa'kin?
"Matagal na akong galit sa'yo!"
"Sorry na nga"
"Gusto mo talagang makabawi?"
"Oo" mabilis kong sagot habang tumatango tango.
"Sige, layuan mo ako"
"Huh? Ayoko!"
"Akin na 'yan" mabilis niyang sabi at wala naman ako sa sariling naibigay sa kanya ang bag niya.
"Sabay tayong mag lunch mamaya" mahinang sabi ko 'saka siya umalis.
Nang dismissal na ay mabilis akong tumayo at kinuha ang bag 'saka tumakbo paalis ng classroom. Patakbo akong pumunta sa hall para sunduin si Gurang.
Eksakto naman ang dating ko dahil lumabas siya ng hall, nang makita niya ako ay ngumiti siya at naglakad papalapit sa'kin.
Maganda rin pala siya— ay' ano bang inisip mo Prince! Si gurang 'yan!'
"Oy"
"oh?" sagot ko nang magising ako sa reyalidad.
"Bat ka nandito? Sinusundo mo ako? hindi pa ako handang mamatay"
"Ano? Anong pinagsasabi mo?"
"Diba ikaw si kamatayan? HAHAHAHA!"
Luh? Haha! kanina lang badmood siya, ngayon good mood na?'
"Ba't ka nakangiti?"
"Huh?"
"Hindi ba dapat mainis ka?" Salubong na kilay niyang tanong. Hindi ko namalayang nakangiti na pala ako. Binalik ko sa seryoso ang mukha ko.
"Sabay tayong mag lunch, libre kita"
"Tara"
Ipinunta ko siya sa mall.
Salubong ang kilay ko habang pinapanuod ko siyang kumain. Kanina pa ako tapos pero siya hindi na matapos tapos!.
"Gusto mo?" Alok niya sa'kin sa burger at umiling naman ako, mukhang kulang pa sa kanya e.
"Takaw mo"
"Nagutom ako dun sa meeting, andaming etche buretchi! Eh shashabihin lang naman kung anong concept daming alam—huk!"
"Oh! Dahan dahan" natatawang sabi ko at inabutan ko siya ng tubig.
Matapos niyang kumain.
"Thank you sa libre ah nabusog ako"
"Halata naman hehe"
"Bat mo pala ako nilibre?"
"Bumabawi lang, lagi kasi kitang binabadtrip dati"
"Talaga lang ah"
"At'saka diba nga gusto kita"
"Tss, hahaha! 'Wag mokong pinapaandaran nang ganyan"
"Totoo kaya"
"S-si mommy" mabilis na sabi nito at hinila niya ako palayo.
Lumabas kami ng mall at dumiretso sa kotse ko.
"Bat mo tinataguan ang mommy mo?" Tanong ko habang nagdi-drive.
"Ba't ang sama ng ugali mo?"
"Luh! Hoy! Wala diyan ang topic!"
"Hahahaha!"
"Baliw!"
"Mag drive ka nalang daming kuda"
Binilisan ko nang magmaneho dahil baka malate pa kami, sabay kaming naglakad sa hallway. Nakita namin si Sandy at kinawayan siya ni Anika.
"Hi bes—" Dumaan si Sandy at parang walang narinig. Matapos siyang kawayan ni Anika.
"Anyare dun?" Tanong ko.
"Tsk tsk tsk, problema nun?"
Tumingin ako sa relo ko at nakita kong malapit nang magsimula ang klase "Ma-mag c-cr lang ako" mabilis kong sabi at tumakbo ako paalis.
Mabilis akong natapos at napagtanto kong nasaakin pala ang bag ni Anika, kaya binilisan kong maglakad.
"Sabihin mo lang sa'king Mahal mo 'ko, babalikan kita"
"Sandy?"
"Mahal mo pa ba ako?" Tanong niya habang nakatitig sa dalawang mata ko.
Para akong napako sa kinatatayuan ko nang bigla siyang lumapit sa'kin.
"Oo o Hindi" sabi niya at pilit naman akong ngumiti.
"Uhm"
"May gusto ka ng iba, si Anika" malungkot na sabi nito.
Ano ba prince! Umayos ka nga!'
"Hindi totoong gusto ko si Anika" nakapikit kong sagot.
"What!?"
"Ginamit ko lang siya para pagselosin ka, pero magsosorry ak—"
Napahinto ako sa pagsasalita nang bigla niya akong yakapin. Kumalas din siya sa pagkakayakap habang nakangiti?.
"Hi-hindi ka galit?" Tanong ko.
"Ba't naman ako magagalit kung ginawa mo yun para sa'kin?"
"Hindi ka nagagalit dahil ginamit ko ang kaibigan mo para pagselosin ka?"
"Hindi nga!" Niyakap niya ulit ako at hinawakan ko naman ang likod niya. "I still love you, Prince"
Nanlaki ang mga mata ko nang bigla kong maalala na na sakin pala ang bag ni Anika.
"Ah, Sandy" usal ko at kumalas ako sa pagkakayakap niya "Sorry I need to go, ma-may klase pa ako e" mabilis kong sabi at patakbo akong umalis.
Nang makalayo ako sa kanya ay binagalan ko ang lakad ko dahil napaisip ako.
Prince ok ka lang? 'yon naman yung gusto kong mangyari eh, ang malaman kong mahal niya pa rin ako, pero bat parang hindi ako natutuwa?.. Hindi ba dapat matuwa ako?'
"Ok lang sa kanya na maloko ang kaibigan niya? Samantalang si Anika, ayaw siyang naloloko"
Binilisan ko na ang paglalakad dahil nasa akin ang bag niya baka umuusok na ilong nun sa galit. Tumakbo ako papunta sa room at naabutan ko na ang lecturer na nag d-discuss.
"Sorry sir marami pong tao sa cr eh" paliwanag ko.
"Ok sit down" utos nito at pumunta ako sa upuan ko.
"Oh" sabi ko kay Anika habang inaabot ang bag niya.
—ANIKA—
Naglakad ako at napahinto rin dahil naramdaman kong parang ang gaan ng likod ko.
"Yung bag ko" usal ko habang kinakapa ang likod ko.
Mabilis akong naglakad papunta sa C.R ng mga lalaki at umaasang maabutan ko pa si Alien para makuha ang bag ko. Baka matagalan siya eh.
"May gusto ka ng iba, si Anika"
Napahinto ako ng marinig ko ang pangalan ko.
Si Alien at si Sandy yun ah'
Mabilis akong nagtago sa pader at sinilip sila.
"Hindi totoong gusto ko si Anika"
I know b*tch!'
"What!?
"Ginamit ko lang siya para pagselosin ka, pero magsosorry ak—" napahinto si Alien sa pagsasalita ng bigla itong yakapin ni Sandy, nagsalubong ang kilay ko at napasuntok ako sa pader.
"HI-hindi ka galit?"
"Ba't naman ako magagalit kong ginawa mo yun para sa'kin?"
What!?' So selfish!'
"Hindi ka nagagalit dahil ginamit ko ang kaibigan mo para pagselosin ka?"
"Hindi nga!"
Ngumiwi ako at umalis sa pinagtataguan ko, mabilis akong naglakad pabalik sa room.
Tunay ka ba talagang kaibigan Sandy!?, Nalaman mong ginag*go ako pero ok lang sa'yo.'
"Try me" bulong ko sa hangin.
Dumating na ang lecturer ngunit wala pa rin si alien. Baka naglalandian pa ang mga animal.
"Sorry sir marami pong tao sa cr eh" palusot ni alien.
"Ok sit down" utos ni sir at sumunod naman siya.
"Oh" Sabi nito at ibinigay ang bag ko sa'kin.
Napagtanto ko lang kagabi ang mga kilos sa'kin ni alien, Hindi naman ako timang para hindi mahalata ang mga ginagawa niya. Alam kong ginagamit niya ako para pagselosin si Sandy, paano ko nalaman?. Nagiging "sweet" lang siya sa'kin pagkaharap namin si Sandy ngunit ang hindi ko lang maintindihan ay ang pagsabi niya sa'kin na gusto niya ako kahit wala pa si Sandy sa harap namin kahapon. Pero nasagot na mismo ni alien ang tanong kong yun, kani kanina lang.
And to my "Bestfriend" Sandy, Hindi ko inaasahan ang reaksyon niya matapos niyang malaman na ginamit lang ako ni Alien para pagselosin siya. Tuwang tuwa ang G*ga, Hindi man lang siya nagalit?. Napapaisip tuloy ako kung tunay ba talaga siyang kaibigan. Kasi kung tunay siyang kaibigan ay hindi ganun ang reaksiyon niya, nagalit dapat siya, pero hindi ikinatuwa pa niya.
Pagkalabas ko ng room ay pumunta muna ako sa locker ko para ilagay ang mga libro na gagamitin ko bukas.
"Uy!"
"Oh Justin hehe"
"Magkatabi pala 'tung locker natin"
"Sayo pala yan, ang daming letters, pogi! haha!"
"Hindi ko nga alam kung sino mga nagbibigay nitong mga notes na to eh"
"Malamang sa mga nag ka-kacrush sa'yo haha!"
"Baka isa ka na dito ah! Haha!"
"Kapal bruh"
"Haha joke lang! Sabay na tayong lumabas"
"Sige sige wait" Sabi ko at ni-lock ko ang locker ko "Tara!"
Habang naglalakad kami ay hindi ko mapigilan ang tawa ko dahil sa mga korning jokes ni Justin, Akala ko serious type siya, kengkoy pala talaga.
"Pag binaliktad ang boat edi taob! Hahahaha!!"
"Hahahahaha!" tawa ko sabay hampas sa kanya.
Actually hindi ako natatawa sa joke niya, natatawa ako sa kakornihan at nakakahawa rin kasi ang tawa niya.
"Wait lang ito pa hahahal"
"Hahaha!"
"Anong tawag sa maliit na unan?" natatawang tanong niya.
"Ano?"
"Edi.. Unano! Hahahaha!"
"Hahahahaha!"
Sobrang nakakahawa ang tawa niya.
"Anika"
Napahinto kami sa pagtawa nang biglang may tumawag sa pangalan ko kaya nilingon namin.
Ang mga plastik.
"Hi Bes" bati sa'kin ni Sandy at sarkastiko naman akong ngumiti sa kanya.
"Hi bessssss" sagot ko.
"Daming 'S'?" Natatawang sabi ni Justin.
"Siyempre dalawa sila.. hm? Hahaha"
"Hahaha!"
"Nahahawa na ako sa kakornihan mo Justin, yari."
"Mukhang nagkakatuwaan kayo ah" nakangiting sabi ni Sandy samin.
"Lucas pwede mo ba akong samahan?" Nakangiting sabi ko kay alien.
"Huh? Saan?
"Sa mall bibili lang ako coloring materials"
Tumingin pa ito kay Sandy.
Gusto mong pagselosin si Sandy 'diba, Ngayon panindigan mo, samahan pa kita'
"Ayaw mo? ok lang naman"
"Sige! Tara"
"Huh?" si Sandy.
Gulat ka?'
"Bakit bes may lakad pa kayo ni Lucas ko?" Nakangiti kong sabi.
"K-ko?" tanong ni Sandy.
"Ah hahaha! Just kidding" natatawang sabi ko at pilit namang ngumiti si Sandy.
Hayst! kalma Anika, dahan dahan lang ok, hindi ko mapigilan gusto ko silang sakalin'
"Ehehehe, Anika talaga oh, Tara na nga" aya sa'kin ni Alien at inakbayan niya ako.
"Justin bukas ulit ah, magbaon ka ng maraming jokes haha!"
"Oo mag sesearch ako nang marami hahaha!"
Pagkatalikod namin sa kanila ay ngumisi ako nang pagkaloko loko. Consistent ang pagpapanggap ng Alien na to ah. Akala siguro niya napapaglaruan pa niya pa ako hmp.
Kung tawang tawa ka sa'kin diyan sa utak mong alien ka, mas tawang tawa ako dahil AKO ang maglalaro sa inyo'
Tinanggal ko ang kamay niya sa pagkakaakbay sakin ng makarating kami sa parking lot.
"Nagbago na isip ko, marami pa pala akong coloring materials sa bahay" usal ko at tumalikod ako sa kanya.
"Huh?"
"Bye"
"Teka!" Pigil niya at hinawakan niya ang kamay ko saka ako humarap sa kanya.
"Hm?"
"Uhm, ma-may sasabihin ako"
Huminga pa ako nang malalim bago magsalita "ano yun?"
"Ayoko ng dagdagan ang mga kasalanan ko sa'yo"
"He he ano bang pinagsasabi mo Alien?" Tanong ko at pilit na ngumiti.
Aamin ba siya? Gash di ako prepared'
"Hayaan mo muna akong magpaliwanag, Hindi totoong may gusto ako sa'yo"
"Ok, Hindi na ako magugulat"
"G-ginamit kita pa-para pagselosin si Sa-sandy, I'm sorry"
"Sorry not accepted"
"Huh?, Sige babawi ako! promise, hindi na kita aawayin—"
"Bakit?"
"Huh?"
"Babawi ka? Para mawala yang guilt mo? Para wala ka ng intindihin kun'di yang Sandy mo?"
"Anong ibig mong sabihin?"
"Narinig ko ang pinag usapan niyo kanina sorry ah" sarkastikong sagot ko "Ang saya niyo"
"Sorry—"
"Hindi naman masyadong malala yung kasalanan mo sa akin eh, pinaalala lang nung mga pagpapahiyang ginawa mo sa'kin.."
"I'm so sorry—"
"Kung nakukuha sa sorry ang lahat, bakit pa may salitang parusa"
"Si-sige parusahan mo'ko" seryosong sabi nito at tumango naman ako.
"Tutal parang natutuwa naman ang kaibigan ko sa ginawa mo sa'kin" sarkastikong sabi ko at niyuko niya ang ulo niya "ganito nalang, pag nanalo ako sa contest, gagawin kitang... alalay ko" nakangising sabi ko.
"Alalay!" nanlalaking mata niyang sabi.
"Oo hanggang sa makagraduate tayo"
"Huh! Ang hard mo naman!"
"Ok lang yan suntok sa buwan naman ang chance kung manalo eh"
"Paano naman pag natalo ka?"
"Hahayaan ko kayo ni Sandy, Hindi ko kayo guguluhin, Hindi kita papansinin, patatawarin kita at kakalimutan kong natuwa si Sandy nang malaman niyang niloloko mo ko"
"ge, payag ako"
"Hindi na kita pag aaksayahan ng oras, imposibleng manalo ako, kaya pwede ka ng matuwa—"
"'Wag mong sabihin 'yan, hindi pa tapos ang contest"
Hindi ko na siya sinagot at naglakad nalang ako paalis.
PRINCE'S POV
Sandy? Anong ginagawa niya diyan?'
Napahinto ako at nagtago. Ano ba tung ginagawa ko? Simula nung nangyari kahapon parang nailang na ako kay Sandy. Parang bigla akong nagsawa sa kanya hayyst!. Ang weird lang!, Ang tagal kong ginusto na magkabalikan kami pero ngayon na may malaking chance na para balikan niya ako ay bigla naman ako nakaramdam nang ganito.
"Anong ginagawa mo diyan?"
Napaatras siya ng bigla ko siyang lingunin dahil nagkalapit ang mga mukha namin at...
MUNTIK KO NA SIYANG MAHALIKAN!?
"Bat mo siya tinataguan?"
"Tss.. Ewan ko"
"Tsk tsk hahaha!"
"Sshh.. 'wag kang maingay"
"Hay naku, kawawang Alien, ba't di ka pa kasi mag teleport papuntang pluto? Hahaha!"
"'Wag ka ngang magulo" iritang sabi ko.
"Bahal ka diyan, Mauna na ako—"
"'Wag dito ka lang" pagpipigil ko sa kanya at hinawakan ko ang braso niya.
"Eh? Bakit?, bahala ka diyan"
"Teka, sabay na lang tayo"
"Ano bang nangyayari sa'yo?, 'andyan na siya oh, ikaw pa 'ata ang inaabangan niyan, ba't di mo siya suyuin!?"
Hindi ko siya sinagot at sumandal lang ako sa pader sabay bumuntong hininga.
"'Wag ka ng mag inaarte diyan! Tara na"
Wala na akong nagawa kun'di lumabas ako sa pinagtataguan ko at 'saka kami naglakad papunta sa room.
"Prince." nahinto siya sa pagsasalita nang makita kami, tumingin ito sa baba.
"oh!" Biglang sabi ni Anika at hiniwalay niya ang kanyang kamay sa'kin. Hindi ko namalayang magkahawak kamay pa pala kami kaya nagulat din ako.
"Hi Bes, sabay tayong mag lunch ma—"
"Pass ako" walang ganang sagot ni Gurang habang naglalakad papasok.
"G*go talaga" mahinang sabi ko.
"Hi Prince, gusto mo sabay tayong mag lunch mamaya? Mukhang busy kasi si Anika"
Prince, ano na?! Hayst!!'
"Uhm.."
"Prince pasok na sa loob" biglang sulpot ni ma'am kaya nakahinga ako ng maluwag.
"Bye" paalam sakin ni sandy at pilit naman akong ngumiti.
"Hay" singhal ko ng makaupo ako 'saka ko kinalabit si Gurang.
"Hm?"
"Bat mo ginanon si Sandy?" Bulong ko.
"Anong ginanon?"
"Kanina niyaya ka niya nang maayos tapos sinagot mo lang siya ng ganun"
"Ayokong makipagplastikan"
"Ba't ka ba nagagalit sa kanya?"
"Ano sa tingin mo?"
"Ewan ko sa'yo"
"Tss, Alam mo yan, pag nahulaan mo, may premyo ka"
"Kasi ikaw, ayaw mong naloloko siya, samantalang siya natuwa pa nung malaman niyang ni-niloloko kita?"
"Hm, magaling nadale mo"
"'San premyo ko?" Tanong ko at nilapag ko ang palad ko sa table niya.
"Pikit mo mata mo" Sabi nito at pinikit ko naman ang mata ko habang nakangiti at naramdaman kong may nilagay siya sa kamay ko kaya dali dali kong iminulat ang mga mata ko.
"Ano 'to?" Inis kong tanong nang may makita akong crumpled paper sa palad ko.
"Pakitapon, katabi mo naman yang basurahan eh"
"Hmp!" Singhal ko at ibinato ko sa mukha niya.
"Hehehe"
"Maduga ka"
"Si Sandy ang premyo mo iyong iyo!" Madiin niyang sabi sa mukha ko
Nang matapos ang discussion ay lumipat kami ng ibang room para sa next subject.
"ok class after lunch, pumunta ang lahat sa hall dahil may orientation about Anti bullying"
"Yes ma'am!" Sagot namin.
Mabilis na nagsitayuan ang mga classmates ko dahil lunch break na, sumulyap ako Gurang at nakita ko siyang inihiga ang ulo sa table at ginawa niyang unan ang braso niya 'saka pumikit?.
"Hindi ka mag lulunch?"
"Sshh.. wag kang maingay lumayas ka na" sagot nito habang nakapikit.
"Gurang" pang aasar ko saka ako tumayo at naglakad papuntang pinto.
Si Sandy si Sandy!'
Mabilis akong pumasok ng makita kong paparating si Sandy, pumunta ako sa cr para magtago. Buti nalang at may CR ang room na to hay!. Itinapat ko ang tenga ko sa pintuan at nakinig.
"Isa pa masasapak na kita!"
"Anika"
"Hm? Bakit?"
"Nasan si Prince?"
"Aba Malay ko, umalis na"
"Ganun ba, pakisabi nalang pumunta ako dito—"
"Ashushushu, pakisara nalang yung pinto baka lumabas yung aircon"
Tinakpan ko ang bibig ko dahil bahagya akong natawa sa sinabi ni Gurang hahaha!.
Binuksan ko nang konti ang pinto at sinilip ko sila. Nakita kong sobrang sama ng tingin ni Sandy kay gurang, habang si Gurang ay ganun pa rin ang posisyon. Padabog na isinara ni Sandy ang pinto ng makalabas ito.
Lumabas ako ng Cr saka lumapit kay gurang, nakapikit ito at parang tulog na.
"Pst" sitsit ko sa kanya at iminulat niya ang mata niya.
"Tsk, ba't andito ka pa? Hinahanap ka ni—"
"Alam ko, nagtago ako sa Cr"
Tss, hehehe para kang g*go promise" Sabi nito at pumikit ulit.
"Bakit na naman?"
"Bat mo tinaguan?"
"Ewan ko nga kung anong nangyayari sa'kin eh"
"Naninibago ka lang, kasi nasanay kang ikaw nag humahabol sa kanya, wag mo kasing iwasan, pano kayo magkakabalikan niyan?"
"Teka nga, parang dati lang ayaw mong magkabalikan kami, tapos ngayon parang ikaw pa nagtutulak sa'kin."
"Dahil akala ko noon, Hindi mo siya mahal, pero ngayon napatunayan mo naman sa'kin na mahal mo talaga siya, yun ang sa tingin ko lang, Ewan ko pa rin sa'yo."
"Talaga?"
"Hm hm, ginamit mo pa nga ako eh, tapos gumawa ka pa ng istupidong ideya"
Nagsalubong ang kilay ko 'saka tumayo. "Bahala ka na nga diyan!" Inis kong sabi 'saka ako pumunta sa pinto. Bat di ko mabuksan!?.
"Gurang! May kandado ba tung room na 'to!?"
"Lahat naman ng room meron, timang"
"Sh*t! Hindi ko mabuksan!"
"Buksan mo kasi"
"Hindi ko nga mabuksan diba!? na lock-an tayo"
"Huh!" Sigaw ni Gurang 'saka ito tumayo at lumapit sakin. Pilit niya ring binubuksan ang pinto ngunit hindi niya ito mabuksan.
Bumalik ako sa upuan ko at kumalma nalang, anong magagawa ng pagpanic ko?. "Hoy, bubuksan din yan mamaya, kumalma ka" mahinahong sabi ko sa kanya at parang nalugi ang mukha niyang bumalik sa upuan niya.
Ay hahaha! Tama!'
"Anika, narinig mo na yung kwento tungkol sa room na 'to?"
"Ano?"
"Nasunog daw ang room na to dati, tapos may isang estudyanteng na-trap at namatay"
"Ta-tapos?
"Kilala mo si Daniel? Yung kagrupo ko sa sayaw?"
"Hindi"
"Gumawa daw sila ng report dito dati, at hindi sila nakatulog pagkauwi nila"
"Bakit?"
"Nagparamdam sa kanila yung estudyanteng namatay, namatay yung ilaw at pati mga laptops nila"
Hindi naman ako nag iimbento, totoo ang kwento ko. Talagang malakas ang multo ng estudyanteng namatay dito dati, biglaan kasi ang pagkamatay.
Hinarap ko ang upuan ko sa kanya at ipinagpatuloy ang kwento. Gusto kong matawa nang malakas dahil sa itsura niya, iginagala niya sa paligid ang kanyang mata at malakas ang paglunok niya.
"Alam mo ba kung saan natagpuan ang bangkay niya?... Dito mismo sa likod natin" mahinang sabi ko at nanlaki ang mga mata niya.
Hindi naman ako takot sa multo kaya wala akong paki kung may namatay dito sa room na to dati. Mas takot pa nga ako sa mukha ni Gurang eh.
"Halos hindi daw siya makilala nun dahil sooobrang nasunog siya—."
*BLAG!*
"Aahh!" Sigaw ni Gurang nang biglang matumba ang isang upuan, nanlaki rin ang mata ko sa gulat. Tumabi sa'kin si Gurang at isinuksok niya sa'kin ang katawan niya. Tinakpan niya ang dalawang tainga niya at yumuko hahaha. "Tama na! Tama na! 'wag ka ng magkwento!"
"Tapang tapang, takot pala sa multo! Hahaha!!"
Inilayo niya ang katawan niya sa'kin at bumalik siya sa upuan niya.
"Sige na matulog ka na, para mawala 'yang takot mo"
"Dito ka lang ah" Sabi nito at lumapit ulit sa'kin.
"Shunga paano ako aalis eh nakulong tayo dito?"
"Basta!" Sabi nito at hinawakan niya ang braso ko at inihiga ang ulo sa table, 'saka ginawang unan ang dalawang braso. Hindi naman ako makagalaw dahil nakasabit ang braso ko sa braso niya, kaya wala akong nagawa kundi gayahin ang posisyon niya at natulog nalang din.
Nagising ako nang may marinig akong ingay kaya binangon ko ang ulo ko. Ganun parin ang posisyon namin ni Gurang. Napangiti ako nang makita siyang mahimbing ang tulog.
"Oh! Ba't kayo nandito?" Tanong ng janitor.
"Na lock-an po kami eh"
"Naku! Mga lokong bata talaga oh, sige na umuwi na kayo"
"Umuwi?" Tanong ko at tumingin ako sa relo ko.
"Uwian na hijo, sige na umuwi na kayo"
"Uy gurang" panggigising ko sa kanya.
"Hm?"
"Gising na, uwian na" sabi ko at idinilat niya ang mata niya 'saka ito kinusot.
"Tara na" aya ko 'saka ako tumayo.
"Ano, nagparamdam ba?" Natatawang tanong ng Janitor.
"Sshh.. 'wag po kayong maingay matatakutin po yung kasama ko, baka bangungutin" natatawang sagot ko.
"Parang kulang na kulang ka sa tulog ah" Sabi ko kay Gurang habang naglalakad kami papalabas ng campus.
"Hm hm, napuyat ako eh, kung ano kasi yung naiisip kong idea dino-drawing ko"
"Talagang gusto mong manalo ah"
"Oo naman, kahit imposible"
"Ang negative"
"Sus, kahit gustong gusto mo naman! willing ka bang maging alipin ko ah? Haha kawawa ka sa'kin!"
"Tss, Basta do your best!"
Gusto ko sana siyang ihatid sa pinagtatrabahuan niya kaso tumanggi siya kasi baka daw dalhin ko siya sa Pluto!? Napakaabnoy.