CHAPTER 5

2844 Words
-PRINCE- "Mommy, pwede ko na po bang gamitin si Bogart?'" tanong kay Mom. "Ok anak, be careful sa pag d-drive ah, wag mo nang uulitin yung ginawa mo para hindi magalit sa'yo ang Daddy mo!" "Yes! Thanks Mom!" masayang sabi ko sa kanya 'saka ko siya hinalikan sa pisngi. "Oh sige na baka malate ka, lunes na lunes pa man din!" "Ok mom! bye!" paalam ko sa kanila bago pumunta sa garage namin at sumakay sa kotse. "How are you Bogart? hehe" masayang sabi ko sa kotse 'saka ko ito pinaandar. Matapos kong maparada si Bogart sa parking lot ay dumiretso na ako sa loob ng campus. "Hi sir nam, good morning—oh?" takang sabi ko nang iharang niya ang kanyang stick sa dadaanan ko. "Late ka nang 10 seconds, pwesto." "Sir Naman! 10 seconds lang e" reklamo ko habang nagkakamot 'saka pumwesto at itinaas ang bag "badtrip" bulong ko. "Oh ayan na pala ang partner mo e" natatawang sabi ni Sir Nam at nakita ko si Gurang na pilit ang ngiti 'saka pumwesto malayo sa'kin. "Hoy dito ka!" Utos ko ngunit hindi niya ako pinansin. "Miss Turalba, tumabi ka nga dito kay Prince" sita sa kanya ni Sir Nam dahil may mga paparating na ring kagaya namin na late, walang nagawa si Gurang kun'di sumunod "hoy kayo diyan pwesto dito! Mag pa-late pa kayo para mag reunion tayo araw araw," natatawang sabi ni Sir nam sa mga paparating. "Haha!- aray!" Reklamo ko nang bigla akong batukan ni Gurang "problema mo!?" Galit na tanong ko at binaba ko ang bag ko ngunit hindi niya ako pinapansin "hoy!- aray! ano ba!?" Reklamo ko ulit ng ihampas niya sa'kin ang bag niya "nakakainis ka ah!" "Pambawi 'yan sa pagpapahiya mo sa'kin nung biyernes!" Biyernes? Biyernes?? "Huh?! Saan!? Hindi kita pinahiya ah!" "Sa jeep! Iskandaloso kang alien ka!" "Eh sinabi ko na kasing mag taxi tayo 'diba! Nairita ako!" "Eh bakit hindi nalang ikaw ang nag taxil!?" Sigaw nito at saglit akong hindi nakasagot dahil nag isip pa ako ng isasagot ko. Bakit nga ba ako sumama sa kanya?' "Ba-basta kasalanan mo kung bakit ka napahiya, wala akong kasalanan dun!" "Talagang magmamalinis ka pang alien ka!" "Hindi kita pinahiya! pinahiya mo 'yang sarili mo!!" "Alien!" "Gurang!" "Pangit!" "Wow parang ang ganda mo ah! Ew!" "Mas ew ka! Mukha kan' tubol!" "Quiet!" "Ano!?/Ano!?" "Si-sir nam" pilit na ngiting sabi ni Gurang kay Sir Nam matapos namin siyang masigawan nang sabay, bigla bigla kasing sumusulpot!. Quiet your face!' "SQUAT!" Matapos ang parusa namin ay salubong ang kilay kong pumasok sa room dahil umagang umaga ay pawisan na ako, dahil nabilad kami sa araw habang naka squat! Badtrip yun!. "Ano!" sigaw sa'kin ni Gurang nang magtama ang mga mata namin. "Ano din!? Oh ano!" maangas kong sabi at inirapan niya ako. Gurang! Mangkukulam! Sarap sakalin!' "Dun ka nga 'wag kang tumabi sa'kin!" Inis na sabi ko sa kanya. "Ikaw ang umalis! ako ang naunang pumwesto dito, tumabi ka lang!" "Uhmp—" usal ko at bigla akong napaisip. Oo nga 'no' "Pangit!" Pang aasar ko na lang dahil wala akong masabi. "Anika, gusto mong sumali ng poster making contest?" Biglang sulpot ni Victoria, kaklase namin. "Ayoko" tipid na sagot ni Gurang. "Huh? Pero wala tayong representative dito sa section natin" "Sus! 'yan! yang si Gurang! Naku! Matatalo lang 'yan!" pang aasar ko. "Umagang umaga nagbabangayan na kayo hehe" natatawang sabi ni Victoria "pag isipan mo muna Anika—" "Sige sasali ako!" Mabilis akong napatingin sa kanya dahil sa sinabi niya. "Huh? Ok hehe" msayang sabi ni Victoria saka siya nagulat sa notebook niya habang naglalakad paalis. "Ano namang idra-drawing mo dun!? Tae!? HAHAHAHA!" "Oo! Pag inutusan kaming idrawing yang mukha mo! HAHAHAHA!" "Bastos ka ah!" sigaw ko sa kanya saka ako tumayo at lumapit. "Ano!?" Maangas na sabi nito at tumayo rin. "Hoy, andiyan na si Ma'am!" Mabilis akong pumunta sa pwesto ko at umupo nang biglang sumigaw ang isa kong classmate. "Hindi pa tayo tapos." bulong ko kay Gurang at inirapan niya ako. ——— Lumabas kami ng room at lumipat sa ibang room para sa next subject. Mabilis kong hinanap si Gurang at nang makita siya— "Ay!" reklamo nito nang bigla kong hilain pababa ang bag niya kaya sumama rin pati katawan niya at napaupo siya sa lupa. "Hahaha!! Bleel!!" tawa ko 'saka ko siya binelatan at tumakbo. "Bw*set ka!" "Habulin mo'ko gurang hahaha!" "Pag nahuli kita! humanda ka sa'kin!" Napahinto ako sa pagtakbo nang makasalubong ko si Sandy. "Hi" Nag hi siya sakin!?' "Ah h—ar-aray aray" usal ko nang biglang may pumingot sa tainga ko. "Hi Bes, sabay tayo mag lunch mamaya ah, mauna na kami, tuturuan ko lang 'to ng leksyon" si GURANG!. "Bye Sandy, he he ar-aray ko" usal ko 'saka hinila ni Gurang ang tenga ko palayo kay Sandy. "Oh ano! edi nahuli kang Alien ka! Hahahaha! hmp!" sabi nito at pabigla niyang binitawan ang tainga ko. "Aray!!" Reklamo ko habang hinahaplos ang tenga ko "bakit naman sa harap pa ni Sandy mo ako piningot! Badtrip ka talaga eh!" "Buti nga sa'yo!" Sigaw nito 'saka tumalikod sa'kin at mabilis naglakad paalis. "Hayst! Sira ulo ka talagang babae ka!" Inis na Sabi ko mag isa. Kanina pa nagsasalita ang lecturer namin ngunit ni isa ay wala akong maintindihan dahil sa pag iisip ko. Paano ko magagawa ang plano kong pagselosin si Sandy gamit si Gurang kung lagi kaming nagbabangayan. Badtrip naman kasi eh. Napangiti ako nang maalala ang mukha niya kanina habang pingot pingot ako ni Gurang. Nakangiti nga siya pero hindi talaga ako kumbinsido dun!, Alam ko ang totoong ngiti ni Sandy at Hindi yun yung ngiti niya kanina. Malakas ang kutob kong nagseselos siya. Pag nagtuloy tuloy yun, maaamin niya rin sa'king mahal niya pa ako at pag nangyari yun, magkakabalikan na kami at hindi ko na siya pakakawalan!. Hindi naman siya ganun sa ibang babaeng nakakasama ko, parang wala lang sa kanya. Pero si Gurang— halatang nagseselos siya samin ni Gurang. Hindi man niya sabihin ay nababasa ko naman sa mga mata niya, kaya magagamit ko talaga si Gurang sa misyon kong makipagbalikan sa'kin si Sandy. Pero paano? paano ko gagawin yun nang hindi nahahalata ni Gurang na ginagamit ko siya?. Hayst!, Dapat hindi ko na siya awayin? Meron man si Sandy sa harap namin o wala!?. Eh naba-badtrip ako kay Gurang eh! kaya ko ba yun!?' Napatingin ako kay Gurang at nakita ko siyang nakikinig sa lecturer. Magpakabait ka kasi sakin Gurang' "Baka matunaw si Ms. Turalba, Prince!" Tumingin sa'kin si Gurang nang bigla akong sinita ni ma'am. "Aayyiiee!" kantyaw ng mga kaklase namin. "Si Ms. Turalba ba ang lecturer mo at sa kanya ka nakatitig?" Tanong sakin ni Ma'am na may halong panunukso. "Aayyilee!" Panunukso sa'kin ng mga class mates namin. Syet! Ano na prince!? isip isip ísip!. .. Tama! Let's start the show!!' "Let's start the show!" halla, mabilis akong napatakip ng bibig ko. "Huh!?" "Ano daw? Hahaha!" "Hahahaha!!" Syetl Anong nasabi ko!?' "Muntimang" seryosong sabi sa'kin ni Gurang. "Nag da-day dream ka ba prince?" Si Ma'am. "hi-hindi ma'am ah!" pagtatanggi ko "a-ang ganda kasi ni Anika kaya na-napatingin ako sa kanya" nakangiting sabi ko. EW!' Nakita kong nanlaki ang mga Mata ni Gurang at napanganga ito. "Aayyliee!!!!" "Naku naku!" "Yan tayo e!" "Aray!!" reklamo ko nang bigla akong batukan ni Gurang "grabe ka namang kiligin" "Kilig!? t*nga lang ang kikiligin sa'yo!" inis niyang sabi. "Pst! Ok class Quiet!" saway ni ma'am samin habang natatawa. Nang matapos ang klase ay mabilis na lumabas sa room si Gurang at hinabol ko naman ito. "uy" tawag ko sa kanya at kinalabit ko siya sa kamay "uy uy uy uy uy—." "Ano!?" Sigaw niya sa mukha ko at halos mabingi ako. "Sorry na" usal ko with matching paawa epek. "Layuan mo nga ako, wala ka ng ginawa kundi pahiyain ako!" Ow men that's harsh' "Eh totoo namang nagagandahan ako sa'yo e!" sigaw ko. "Tigilan mo nga ako! umayos ka mukha—" "Bes lunch na tayo" biglang sulpot ni Sandy. Yun ang purpose ng pagsisinungaling ko haha!. "uy! kanina ka pa diyan?" Painosente kong tanong kay Sandy. Nung dumating kasi siya ay nakatingin lang ako kay Gurang ngunit ramdam kong papalapit na siya sa'min. "Hi-hindi— Bes lunch na tayo" baling niya kay Gurang. "P-pwedeng sumabay?" Tanong ko. "Ayun, kaya naman pala sumisipsip eh!— HINDI!" sigaw sa'kin ni Gurang at hinila niya papalayo si Sandy, inambaan ko naman siya ng suntok. "Bw*set" inis na sabi ko habang kinakamot ang ulo. Nagselos kaya siya? Hihihihi' —ANIKA— "Mukhang mabait yung si Justin" pambabasag ko ng katahimikan. "Oo, mabait siya at matalino pa" nakangiti niyang sagot. "Crush mo? Aayyiee" panunukso ko kay Sandy. "Hehe, manahimik ka Bes" "Sus! kinikilig ka din e!" "Hindi ah!" Bumalik kami sa aming pagkain at napaisip naman ako tungkol sa mga galaw ni alien. Ang wierd niya, well matagal naman ng wierdo ang alien na yun. Pero yung mga pinagsasabi niya kanina ang hindi ko ma-take. Hindi ko alam kung pinagtitripan niya lang ako o hindi. Parang g*go talaga ang isang yun!. "Bes" "Hm?" Sagot ko habang ngumunguya. "Sa tingin mo, may gusto ba sa'yo si Prince—" "Huk!" "Oh tubig hehehe!" Bigla akong nabilaukan sa sinabi ni Sandy, kaya uminom ako ng tubig. "Kilabutan ka nga diyan sa pinagsasabi mo Bes! Pukol ko sa'yo 'tung bottle eh!" Inis na sabi ko. "Haha, 'to naman nagtatanong lang eh" "Wala 'no! Parang G*go 'to!" "Talaga? Eh bakit lapit siya ng lapit sa'yo?" Ok lang siya!?' "Madalas niya akong badtrip-in! 'diba nga nasabi ko sa'yong ako ang sinisisi niya dahil sa break up niyo!" "Pero sa tingin ko, parang may gusto siya say— aray!" Reklamo niya nang tuktukan ko siya ng bottle. "Baliw ka na, Halata namang gustong makipagbalikan sa'yo yung alien na yun e! Tapos sasabihin mong may gusto siya sa'kin! timang ka rin" inis na sabi ko. "Eh baka lang naman, base lang naman sa napapansin ko" "Bakit nagseselos ka?" Tanong ko. "Hi-hindi ah!" Ayokong sabihin sa kanya ang mga pinagsasasabi sa'kin ni alien na mahal niya pa si Sandy dahil ayokong umasa ang kaibigan ko. Hindi ako naniniwalang mahal o minahal ni alien ang kaibigan ko! Bakit?. Una! kaya lang naman naging sila ay pinagpustahan lang nila si Sandy na mapasagot ito. Ibig sabihin hindi totoo ang nararamdaman ni alien kay Sandy!. Sus! Gusto gusto Mahal Mahal! Mukha niya!. Pangalawa! Sino namang g*go ang makikipaghalikan sa ex niya habang in a relationship siya? Si alien yun dahil likas na g*go at manloloko ang taga pluto na yun!. Hindi naman sa hinuhusgahan ko si alien, pero parang ganun na nga. Sinaktan niya ang kaibigan ko!, Halos araw araw umiyak si Sandy dahil sa taga pluto na yun!. Matalik na kaibigan ko si Sandy kaya ayoko siyang nasasaktan. Para ko na siyang kapatid. "Umamin ka nga sandy" "Hm?" "Mahal mo pa ba si Lucas?" Tanong ko at natahimik pa ito saglit. "Uhm., paano ko ba malalaman kung hindi ko na siya Mahal?" "What? lbig sabihin— well oo nga naman 5 months pa lang naman ang nakalipas mula nung nag break kayo, nasasaktan ka pa rin ba?" "Ewan ko eh—" "Come on! Sinong niloko mo? alam mo yan! nasasaktan ka pa rin?" Tumango ito.. "Tsk tsk" singhal ko. "Pero hindi ko na siya Mahal" "Sus! Sabi nila hangga't nasasaktan ka pa ibig sabihin Mahal mo pa!" Jusko Naman!' Malakas ang kutob kong Mahal pa nga ni Sandy si alien. Kung sasabihin ko ba kay Alien yun ay magkakabalikan ulit sila? Pero pag nangyari yun, baka saktan niya ulit si Sandy. Pero malay mo naman, baka totoong Mahal ni alien itong si Sandy!? Pero paano pag hindi nga!? Konsensya ko pa kung masaktan ulit 'tung kaibigan ko!. Anong gagawin ko!? Ba't parang ako yung naiipit sa love story nila! 'Naknangg*go oh!. Pagkatapos naming kumain ng lunch ay bumalik na kami sa klase. "Bye Bes" paalam ko. "Sabay tayong uuwi later ah" Sabi nito at tumango naman ako. "Anika!" Biglang sulpot ni Alien. "Oh?" "Ba't ang tagal mo" Sabi nito at hinila Ang kamay ko papasok sa room. Nakita ni syandy yun!' Sa totoo lang hindi ko alam kung tutulungan ko silang magkabalikan o Hindi, sa tuwing nakikita ko si alien, parang hindi siya seryoso sa nararamdaman niya kay Sandy! Badtrip ba't ganun.. Bat parang ang laki ng responsibilidad ko sa kanila! Kainis!. "Uy mag usap tayo mamayang uwian" bulong ko kay alien. "Sure" nakangiti niyang sagot. "Ok ka lang?" Takang tanong ko. "Oo naman nandito ka na eh" "Halla, timang" iritang sabi ko saka ako umiwas sa kanya. Ano bang nangyayari sa alien na 'to?!' Hinintay naming makalabas ang mga kaklase namin at kami nalang ang natira sa room. "Anong pag uusapan natin?" Tanong ni Alien. "Nagmamadali ka?" sarkastikong tanong ko. "May sasabihin din kasi ako eh" "Ano naman yun?" Tanong ko. "Ikaw na muna ang mauna" nakangiting sabi niya. "Sige na! Ano ngang sasabihin mo!" "May gusto ako sayo Anika" Bahagyang akong napanganga habang tulaka sa kanya, naghihintay na mag sabi niya na joke lang iyon. "tsk, nung una akala ko kaya kita pinapansin dahil gusto ko lang na inisin ka, pero habang tumatagal— parang lagi na kitang gustong makita. Gusto ko lagi mo akong pinapansin kasi—." "Teka teka! Taympirs taympirs!!!" Pagpipigil ko sa kanya "ano ulit!!?" "May gusto ako sayo!— Sandy?" Nilingon ko ang pintuan at nakita ko si sandy. "B-bes" usal ko sa kanya. "A-ano bang pinagsasabi mo!?" Inis kong tanong kay alien. "Gusto nga kita, Hindi ka ba naniniwala?" "Hindi!!" "Eh yun yung totoo e— ano nga palang sasabihin mo?" Haayysst!!! Alien ka!!' "Pero ang sabi mo Mahal mo si Sa—" "Bes" pagpipigil sa'kin ni Sandy. "Sandy, nagsisinungaling lang siya, nanti-trip lang siya—" "Hindi ah! Totoong gusto kita" "Manahimik ka!" Sigaw ko kay Alien. "Ok lang na hindi mo ako magustuhan, Basta gusto kita! Period!" Mabilis na sabi nito 'saka umalis. "Bes, uwi na tayo" rinig kong sabi ni Sandy, napakalungkot ng tono nito. Lumapit ako sa kanya "'Wag kang maniwala sa kanya, hindi totoo yung mga sinabi niya" Sabi ko at ngumiti siya 'saka naunang naglakad. Mapapatay na kita alien!' Kakausapin ko sana siya tungkol kay Sandy ngunit naudlot dahil sa kaabnuyan niya!. Sa tingin niya maniniwala ako sa mga sinabi niya!? G*go ba siya?!. "Bes nantitrip lang yun maniwala ka sa'kin, Alam mo naman yun wala ng ginawa kundi pagtripan ako—" "Kaya siya nagkagusto sa'yo kasi halos araw araw nagkukulitan kayo" nakangiting sabi niya ngunit hindi ako kumbinsido sa ngiti niya. "'Wag mo sabihing naniniwala ka sa kanya na may gusto siya sa'kin?" "Hindi naman imposibleng mangyari yun eh, napapansin ko rin yun kaya nga tinanong ko rin sayo kung napapansin mo rin" "Ano ka ba—" "Bes it's ok, hehe wag moko intindihin, ex ko na siya" "Tss, hayaan mo, papatunayan ko sa'yong nagsisinungaling siya" "Nung pagbigay niya sayo ng jacket nung Friday sa mall, sa'yo niya lang yun ginawa, yung pagsama niya sa'yo pag uwi and then yung kanina, Bes parang totoong may gusto nga siya sa'yo" "Pero—" "Andiyan na yung driver ko, bye see you tomorrow" Hindi na ako nakasagot at hinatid ko na lang siya ng tingin hanggang sa makaalis sila. "Pst" Hindi ko nilingon ang sumitsit dahil kilala ko naman kung sino yun. "Hatid na kita!" Mabilis niyang sabi 'saka pumunta sa harap ko. Nandidiri na ako ah! "Layuan mo ako" seryosong sabi ko habang nakaturo ako sa mukha niya "oh!?" Usal ko nang hawakan niya ang kamay ko na nakaturo sakanya at 'saka siya ngumiti. "Gusto kita" Nakakainis na siya, baka 'di ko 'to matansya mabibira ko 'to. "Naniniwala ka na?— ihahatid na kita sa coffee shop" Sabi nito at hinila niya ang kamay ko saka kami naglakad. "Ayokong sumama sa'yo!" Sabi ko at kinuha ko ang kamay ko sa kanya saka tumakbo paalis Putik Naman oh!' Mabilis akong naglalakad sa kalsada na parang hinahabol ng kriminal. "Hoy nahihiya ka ba?" Napapikit ako sa inis. Nakasakay siya sa kotse niya at pinapaandar niya ito nang mabagal, habang dumadada. Diretso lang ang lakad ko at hindi ko siya nililingon. "Hoy 'wag kang mahiya, 'wag kang mailang sa'kin please" Sino namang hindi na lang sa mga pinagsasabi mo!?' "Sorry kung nabigla kita—" "Please!" Sigaw ko at nagpreno siya "Hindi na ako natutuwa! Layuan mo ako!" Sigaw ko at tumakbo ako, hindi naman na siya sumunod. Alam kong nasaktan si Sandy kanina sa mga narinig niya. Hindi naman ako timang para hindi yun mapansin. Pero itong si alien eh! Matatapos na sana ang paghihirap ni sandy kung Hindi umeksena itong si alien!. Badtrip talaga!. Kailangan ko 'tung ayusin bukas!. liwasan ko si alien!, Tama! liwasan ko siya!... Pero.. Paano ko mapapatunayan kay Sandy na hindi totoong may gusto sa'kin si alien?. Pero paano kung may gusto talaga itong si alien sakin!?.. Huh!? Timang ka Anika! Ang sama ni alien sa'kin tapos bigla niyang sasabihin may gusto siya sa'kin!? Hayst!! Bw*set!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD