-PRINCE-
"Sorry po!"
Nang makilala namin ang boses na yun ay mabilis kaming nagsitayuan at pumunta sa lugar na pinanggalingan ng ingay.
Maraming nagkalat na basag na pinggan at maraming pagkaing nasa sahig na nililinis ng mga waiter.
Nakita naman namin si Gurang na nakatayo at madumi ang palda, hindi naman ito gaano kadumi, namantsahan lang. Lumapit kami sa kanya.
"Anong ginawa mo?" tanong ko sa kanya.
"Nabangga ko" sagot nito.
"Ok lang kayo ma'am? tabi po kayo nang kaunti baka mabubog kayo" sabi nung waiter kay Anika na nagpupunas ng mga basag na pinggan sa sahig at biglang sumulpot ang isang babae.
"Tatanga-t*nga"
"Anong sabi mo?/Anong sabi mo?" sabay naming tanong ni Gurang sa babae nang marinig namin ang sinabi niya, mahina ang pagkakasabi niya ngunit dahil sa katahimikan at kalakihan ng bibig niya ay narinig namin!.
"Kailangan mong bayaran ito ma'am" sabi niya kay Gurang, napanganga ito. Ako naman ay kumunot ang noo dahil sa ugali ng babaeng sumulpot at sinabihang 't*nga' si Gurang.
"What the—" rinig kong singhal ni Justin.
"Asan ang manager niyo dito?" tanong ni Sandy.
"I'm the supervisor" maangas na sagot nung babae.
"Babayaran ko nalang—"
"'Wag" pagpuputol ni Gurang kay Justin "Saan ang manager?"
Ano bang ginagawa niya!?'
"Why ma'am?" Maangas na tanong nung supervisor habang natatawa pa ito.
"Gusto ko siyang makausap regarding diyan sa ugali mo." seryosong sabi ni Gurang.
Luh!?'
"Excuse me—"
"Siya ang manager namin" Sabi ng supervisor sa lalaking dumating.
"Hi sir" bati ni Anika sa manager at nakipagkamayan ito.
"Hello ma'am" sagot din ng manager.
"Bago lang ba 'to?" Tanong ni Gurang sa manager habang nakaturo sa babae.
"Y-yes ma'am"
Nagtataka naman ako sa nangyayari, dahil parang kung sino itong si Gurang kung makapagsalita!.
"Hmm.. kaya pala, you're fired" walang ganang.
"Huh?" Usal ko dahil sa gulat.
Nasisiraan na ba siya ng bait!?'
"Excuse me, how dare you to say that?" Natatawang sabi nung babae.
"And how dare you too, para pakitaan ako ng ganyang ugali? Sir Jef, introduce me to this woman" seryosong sabi ni Gurang kaya nanlaki ang mata ko at napanganga.
"Breessh hihihi" tawa ni Sandy.
"Ma'am Cynthia, she's Anika Turalba, the daughter of Mr. Roman and Misis Vina Turalba, the owners of this Restaurant."
"Ano?" tanong ko sa manager.
"Bingi ka?" tanong ni Sandy sa'kin.
"I'm sorry ma'am" mabilis na sabi nung Supervisor kay Anika.
"Hindi mo dapat sinasabi yun sa kahit na sinong customer, kahit mukha pa siyang mahirap o mayaman."
"I'm sorry, Ma'am."
"Ilang taon ka na bang nagtatrabaho dito?" tanong ni Gurang.
"2 months po akong naging crew—"
"Sinong nagpromote sa kanya?" tanong ni Gurang sa manager.
"Ako po ma'am, graduated po kasi siya nang 4 year course and—"
"Kaya napromoted agad?— may pinag aralan nga pero ang pangit naman ng attitude."
"T'm sorry ma'am" Sabi nung manager kay Gurang.
Totoo ba 'tung mga naririnig ko!?'
"ibigay mo sa kanya ang last salary niya—" sabi ni Gurang sa manager at ibinaling niya ang isang waiter na nagpupulot sa sahig. Siya yung waiter kanina na parang timang. Nag walk out naman ang babae.
"Anong pangalan niya?" Tanong ni Gurang sa manager.
"Cris po, kuya Cris tayo ka diyan" Sabi ng manager sa lalaki at para naman itong nahihiyang tumayo.
"Ilang taon ka nang nagtatrabaho dito?" Tanong ni Gurang sa lalaki.
"Da-dalawang taon ma'am" nahihiyang sagot nung waiter.
Nahihiya siguro siya dahil hindi niya alam na ang customer niya kanina ay owner pala hahaha!.
"Gusto mong maging supervisor?"
"Ma-maam?"
"Sagot"
"Oo naman po ma'am"
"ok, promote ka na"
"Yehey! Congrats kuya!" Masayang Sabi ni sandy sa waiter.
"Ta-talaga ma'am?" Maluha luhang sabi nung waiter.
"Congrats, apir!'" Sabi ni Gurang at nakipag apir sa waiter.
"Congrats kuya Cris" masaya namang Sabi nung manager sa waiter "teka paano nga pala 'to?" tanong ni Gurang habang nakaturo sa sahig na makalat.
"Ako na pong bahala ma'am, salamat po" masayang sabi nung waiter kanina na ngayon ay supervisor na.
"Oh sige, Sir Jef kayo nang bahala dito ah, Alis na kami" paalam ni Gurang.
"Makaasa kayo ma'am"
Pagkalabas namin ng restaurant ay tulala lang ako dahil sa mga nasaksihan ko.
Si Gurang isa palang anak mayaman!? hindi halata sa mukha niya! Lalo naman sa ayos niya!. Ganoon parin ang posisyon namin habang naglalakad magkasama sila Justin at Sandy na nauunang naglalakad. Badtrip
"Mayaman ka pala?" tanong ko kay Gurang.
"Hindi ako mayaman." pagtatanggi niya.
"Eh ano yung kanina? kayo pala ang may ari ng restaurant na yun e tapos nagpalibre ka pa sa'kin."
"Nakakabwiset lang e, Sino siya para sabihan ako ng t*nga? E hindi ko naman sinasadyang mabangga yung isang waiter, kaya ayun sumama ugali ko."
"Sa ayos mong yan, anak mayaman ka pala." hindi ko makapaniwalang sambit at bahagyang napailing.
"Kanina lang yun, ngayon hindi na, mahirap na ulit ako haha."
"Abnuy"
Habang naglilibot kami ay napatingin ako sa Glass door at nakita kong sobrang lakas ng ulan.
Napasulyap ako kay Gurang na iniihipan ang kanyang palad. Nilabas ko sa bag ang jacket ko 'saka ko binigay sa kanya.
"Ano 'yan?"
"Jacket"
"Anong gagawin ko diyan?"
Timang'
"Ano bang ginagawa sa jacket?"
"Sinusuot"
"Oh edi suotin mo" inis kong sabi at inabot niya naman ito.
"Sweet naman" nakangiting sabi nito habang sinusuot ang jacket.
"Anong sweet!? Kadiri ka, akin na nga!" Inis kong sabi at lumayo siya.
"Wala ng bawian!"
"Sasagot ka pa e!"
"Halika" Sabi nito at hinila ako papalapit kila Sandy. "Justin"
"Hm?" Sagot ni justin, hinawakan ni Gurang ang braso niya at nauna silang naglakad.
"Oh?" Natatawang usal ni Sandy habang nakatingin sa kanila.
Very good gurang! Ganyan nga!'
"Hehe" kunwareng tawa ko saka lumapit kay Sandy at sabay kaming naglakad.
"Baliw talaga 'tung si Anika" natatawang sabi ni Sandy.
"Kaya nga e, hehe"
"Ikaw nagbigay sa kanya ng jacket niya?"
"Ah oo, nilalamig e 'saka nilalagnat pa."
"Wow, ang sweet ah"
"Hi-hindi sweet 'yon, ma-mabait lang talaga ako hehe"
"Never mo yan nagawa sa'kin noon"
Bahagyang nanlaki ang mata ko dahil sa isinagot niya. "Uhm.. ku-kung bibigyan mo ako ng second chance, higit pa riyan ang gagawin ko sa'yo."
Yun oh! Whoh!'
"I'm sorry prince, pero wala na e, wala na akong feelings sa'yo, tanggapin mo nalang na hindi na tayo pwede, but if you want pwede naman tayong maging magkaibigan."
Nanlumo naman ako sa mga sinabI niya. Nakaramdam ako ng lungkot. Ang malas talaga nitong si Anika! kung hindi ka sana sumama sa Justin na yan edi sana hindi ako nalulungkot ngayon! Hayst.
"Makakahanap ka pa dyan ng mas better sa'kin."
"Ikaw lang ang mas better para sa'kin!"
"Mga hoy! Tara sa timezone!" Biglang sulpot ni Gurang habang papalapit samin kaya sinamaan ko siya ng tingin "luh? Bakit?"
"Wala" sagot ko at naglakad nang mabilis para malampasan ko sila.
Habang naglalakad ay parang ang bigat bigat ng dibdib ko. Pwede niya naman ako bigyan ng second chance eh! deserve ko yun!, Dahil ba diyan sa Justin na 'yan!?.
Pumasok silang tatlo sa timezone, ako naman ay naiwan sa labas at umupo sa isang bench. Nawalan ako bigla ng gana. Lalo akong nainis ng biglang lumabas si Gurang at papalapit lto sakin.
"Nag usap kayo? tanong niya.
"Wala ka na dun"
"Tsk, tsk, broken hearted nga" Sabi nito at umupo sa tabi ko.
"Gusto mo talagang magkabalikan kayo?"
"Bakit? May maitutulong ka ba?"
"Oo"
"Tutulungan mo ba ako?"
"Hindi"
Tarantado'
"Hindi mo siya mahal."
"Mahal ko nga siya!" pagpupumilit ko.
"Tss, edi mamuhay ka diyan sa paniniwala mo, pasabi na lang sa kanila mauna na akong umalis."
"Huh? ang lakas ng ulan!"
"Titila din 'yan"
"Kung ganun sasama na ako sa'yo" sabi ko at tumayo.
"Huh? Bakit?"
"Ayoko silang kasama ma o-out of place lang ako"
"Sige mauna ka na, magpapaalam lang ako sa kanila" Sabi niya sa naglakad papasok ng timezone.
Suminghal ako at nauna nag naglakad paalis. Nang makalayo ay huminto ako nang makitang malakas parin ang ulan.
Halos limang buwan palang ang nakakalipas mula nung magbreak kami ah, bakit ang bilis niya namang maka move on?. Samantalang ako ay nagluluksa pa rin at umaasang magkabalikan kami, Nakakabadtrip.
"'San na ba yung jacket ko?" Usal ko habang kinakalkal ang bag ko.
Yung Jacket ko na kay Gurang!'
Ginala ko ang paningin ko habang naglalakad upang hanapin si Anika dahil nasa kanya ang Jacket ko. Baka nasa timezone pa 'yon.
"Uy.. Sandy nasa'n si Anika?" Tanong ko nang makita ko si Sandy.
"Nagpaalam na siya kanina e, uuwi na daw siya."
"Bat mo pinayagan? Ang lakas ng ulan oh!"
"Ah, sorry"
Shet, anong nasabi ko!?'
"Ah, kasi nasa kanya yung jacket ko kaya hinahanap ko siya'" pagpapaliwanag ko.
"Baka nakaalis na 'yon" si Justin.
"Sige, maiwan ko na kayo" paalam ko at hindi ko na hinintay ang sagot nila dahil mabilis na akong naglakad palayo. Magsama kayo!'
Nakaalis na kaya 'yon?'
"Woi!"
"Mommy!" usal ko dahil sa gulat. Kumunot ang noo ko at nilingon kung sino ang nanggulat sa'kin. "Ano ba!?" sigaw ko.
"Kanina pa kita hinahanap, oh ito jacket mo" usal niya habang hinuhubad ang jacket.
So naghahanapan pala kami!?.
Natama ang paningin ko sa paparating na sina Sandy at Justin.
"'Wag na, suotin mo muna," pagpipigil ko sa kanya. "Baka mahawa pa ako e"
"Oh? Sure ka alien?"
"Oo nga gurang"
"Bes! buti naman nagkita na kayo!" biglang sulpot ni Sandy kaya nilakihan ko siya ng mata. "Hinahanap ka ni Prince kanina!" pero hindi umipek, ang daldal!
"Ows? Hanap mo'ko?"
"S-syempre nasayo yung jacket ko" sagot ko.
"Ah, oh.. Ito na nga oh ibinigay ko na sayo—"
"Wag na nga! sa'yo muna baka mahawa pa ako" pagtatanggi ko.
Natama ang paningin ko kay Sandy at nakita ko siyang nakangiti ngunit parang.. parang kumbinsido sa ngiting yun, parang iba e.
"Si-sigurado ba kayong gusto niyo nang umuwi? Malakas 'yang ulan oh'" usal nito.
"Sorry Bes kailangan ko na talagang umalis, may trabaho pa ako e."
"Trabaho? Tanong ko.
"Oo"
"Pero nilalagnat ka 'diba?"
"Kaya nga Anika, 'wag ka muna mag work ngayon" pagsasang ayon ni Sandy.
"Nag absent ako kahapon, kaya hindi ako pwedeng mag absent ngayon."
"Kakausapin ko boss mo" mabilis kong sabi at napatingin silang tatlo sa'kin, napatingin ako kay Sandy.
I knew it! Nagseselos siya.
"Really?" Tanong niya sa'kin.
"Huh? Haha! Parang ikaw 'ata ang nilalagnat sa'tin ah" namamanghang sabi sa'kin ni Anika at ngumiti naman ako sa kanya.
"Pambawi lang let's go? Nakangiting sabi ko at inakbayan ko siya 'saka kami tumalikod sa dalawa.
"B-bes bye" pahabol ni Anika sa kanila habang nilalayo ko siya.
Nang makarating kami sa exit ay tinanggal ni Anika ang kamay ko sa pagkakaakbay sa kanya. Tumitig Ito habang salubong ang dalawang kilay.
"Anong nakain mo?"
"Lasagna" sagot ko.
"Huh?, Ba't ang bait mo ngayon ah!? Siguro may pinaplano ka 'no!?"
"Luh? Judgmental ka ah, sabi ko nga kanina 'diba? Bumabawi lang"
Magagamit kita gurang para bumalik sa'kin si Sandy! Bwahahaha!'
"Ows? Hindi e, may pinaplano kang kat*rantaduhan eh!"
"Paulit ulit ka! sabing bumabawi lang e!, Tara na nga!" Inis kong sabi.
"Ayun oh Jeep!" Biglang sabi nito 'saka tumakbo, hinabol ko siya at hinila.
"Ayoko diyan! Mag taxi nalang tayo!"
"Huh? Mas mura pag Jeep!"
"Ayoko nga! Mag taxi nalang tayo, ililibre naman kita eh!"
"Ang Arte mo! Piling gwapo ka!"
T*rantado!
Tumakbo siya at pumasok sa Jeep kaya wala na akong nagawa kundi sumunod na lang sa kanya.
Ang init! Ang sikip!'
Eksakto kaming napwesto sa gitna kaya sobrang naiirita ako.
"Paabot po ng bayad"
"Huh!?" Inis kong sabi sa babaeng nag aabot sa'kin ng barya.
"A-akin na ate" biglang sulpot ni gurang at kinuha niya ang baryang inaabot sakin ng babae.
"kuya bayad daw po" Sabi nito 'saka tumingin sakin "abnuy ka talaga" bulong niya sa'kin.
"Sabi ko naman sayong mag taxi nalang tayo e,"
"Ba't ka kasi sumama sa'kin? Dapat ikaw na lang yung nag taxi." mariin niyang sabi kaya napaisip ako.
Oo nga 'no!!'
—ANIKA—
Matapos kong makapagpaalam kila Sandy at Justin ay lumabas na ako ng timezone. G*gung alien yun, hindi man lang ako hinintay. Habang naglalakad ay may nadaanan akong isang malaking salamin sa isang bilihan ng damit kaya napatingin ako sa sarili ko.
"'Tung jacket pala" ni alien usal ko at naglakad ako para hanapin si alien.
Nakauwi na kaya yun?'
Alien. Alien. Alien. Alien. Alien.. Yun!
"Woi!"
"Mommy!"
Hahaha! Mommy daw oh!'
"Ano ba!!?" Sigaw niya.
"Kanina pa kita hinahanap, oh ito jacket mo" usal ko habang hinuhubad ang jacket niya at nagpipigil ng tawa.
"'Wag na, suotin mo muna baka mahawa pa ako eh"
"Oh? Sure ka alien?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
"Oo nga gurang"
"Bes! Buti naman nagkita na kayo!" Nilingon ko ang biglang nag ingay at nakita ko si Sandy kasama si Justin "hinahanap ka ni prince kanina!"
"Ows? Hanap moko?" Tanong ko kay alien.
"S-syempre nasayo yung jacket ko" sagot niya.
"Ah, oh.. Ito na nga oh ibinigay ko na sayo—"
"Wag na nga! Sa'yo muna baka mahawa pa ako."
Ang Arte!? Alien!.
"Si-sigurado ba kayong gusto niyo nang umuwi? Malakas 'yang ulan oh" si Sandy.
"Sorry Bes kailangan ko na talagang umalis, may trabaho pa ako e" paliwanag ko.
"Trabaho?"
"Oo"
"Pero nilalagnat ka 'diba?" Si alien.
Worried!? G*go di mo bagay!'
"Kaya nga Anika, 'wag ka muna mag work ngayon" pagsasang ayon ni Sandy.
"Nag absent ako kahapon, kaya hindi ako pwedeng mag absent ngayon"
"Kakausapin ko boss mo"
Luh? Si alien ba 'to?
"Really?" Parang hindi makapaniwalang tanong ni Sandy kay alien.
"Huh? Haha! Parang ikaw 'ata ang nilalagnat satin ah" namamanghang Sabi ko kay alien.
"Pambawi lang let's go?" Nakangiting sabi niya at inakbayan niya ako 'saka kami tumalikod sa dalawa.
"B-bes bye" pahabol ko kay Sandy at Justin ngumiti naman sila.
Nang makarating kami sa exit ay inalis ko ang kamay ni alien sa pag kakaakbay sa akin 'saka ako tumingin sa kanya.
"Anong nakain mo?"
"Lasagna" sagot niya.
"Huh?, Ba't ang bait mo ngayon ah!? Siguro may pinaplano ka 'no!?"
"Luh? Judgmental ka ah, Sabi ko nga kanina 'diba? Bumabawi lang."
Tama ba 'tung mga naririnig ko?'
"Ows? hindi eh, may pinaplano kang katarantaduhan e!"
"Paulit ulit ka! sabing bumabawi lang e!, Tara na nga!" Inis niyang sagot.
"Ayun oh Jeep!" Sabi ko ng may makita akong Jeep kaya tumakbo ako papalapit dito ngunit bigla niya akong hinila papalayo.
"Ayoko diyan! Mag taxi na lang tayo!"
"Huh? Mas mura pag Jeep!"
"Ayoko nga! Mag taxi nalang tayo, ililibre naman kita e"
"Ang Arte mo! Piling gwapo ka!"
Ang arte! Hindi naman cute!'
Tumakbo papasok ng Jeep at sumunod naman siya. T*nga yan eh!.
"Paabot po ng bayad"
"Huh!?"
Nilingon ko si alien ng bigla itong mag ingay.
"A-akin na ate" nahihiyang sabi ko at inabot ko ang bayad ng babae "kuya bayad daw po" pag aabot ko sa bayad ng babae saka ako tumingin kay alien "abnuy ka talaga" bulong ko.
"Sabi ko naman sayong mag taxi nalang tayo eh"
"Bat ka kasi sumama sakin? Dapat ikaw nalang yung nag taxi" mariin kong bulong, gusto ko siyang pingutin ngayon din. Nakakahiya siyang kasama.
Dumukot ako ng pera sa bag ko 'saka ko inabot sa driver.
"Kuya bayad po dalawa" Sabi ko at pagkaabot ko ay tumingin ako kay alien "ikaw, umuwi ka na, ako naman pupunta akong coffee shop, at 'wag mong sasabihin yun kay Sandy ah."
"Ok" mabilis na sagot nito at napataas ako ng dalawang kilay.
Anak ng! Parang kanina lang sabi niya ipapaalam niya ako sa boss ko pero ngayon hindi na!? Limited edition lang pala ang pagiging mabait ng alien na to!.
"Malapit na yung village namin dito" bulong niya.
"Edi mag 'para' ka kung nandun na tayo"
"Ayoko, ikaw ang mag sabi"
Ginawa pa akong utusan!?
"Anong ako?, Bahay mo yun eh, edi ikaw ang mag sabi, bahala ka diyan"
"ikaw na, 'yan na oh malapit na"
"Ayan na oh, sabihin mo na."
"Hindi mo ako utusan"
"Para!!!!"
Halos mabingi ako sa sigaw niya, at mabilis namang nagpreno ang driver.
"Hubad!" Sigaw nito sa'kin.
Napanganga ako sabay ng panlalaki ng mga mata ko, sira ulo talaga siya!. "Huh!?"
"Yang jacket ko!"
K*ngina mo! Nakakahiya ka!!'
Pilit akong nakangiti habang hinuhubad ang jacket at ng mahubad ay pabigla kong inihagis sa mukha niya!.
"Ouch!'" Reklamo nito 'saka bumaba ng Jeep.
Bumuntong hininga ako at pilit na ngumiti sa mga nakatingin saakin. Nakakahiya! Lupa lamunin mo ako!'
"Hija boyfriend mo ba yun?" Tanong sa'kin ng matandang babae.
"Ah, naku Hindi po, kaaway ko po yun" pilit na ngiti kong sagot.
"Kaya pala, parang ang sama ng ugali tsk tsk!"
"Kaya nga eh, anak mayaman siguro!" Dagdag naman ng babaeng nag aabot sa kanya ng bayad kanina. "Sinigawan pa ako, napakabastos"
"Hehe" pilit kong tawa.
Naku kung alam niyo lang kung gaano kasama ang ugali ng taga plutong yun!.