-ANIKA-
Maaga akong pumasok sa school at naabutan kong mag isa si Alien hindi ko lto pinansin,umupo nalang ako sa upuan ko at Nagbukas ng chewing gum. Nakatingin lang ako sa blackboard at mula sa gilid ay napapansin ko siyang pasulyap sulyap sa akin ngunit hindi ko pinahalata sa kanyang napapansin ko siya. Pinapalobo ko ang chewing gum na nasa bibig ko.
Napansin ko siyang tumayo at pumunta sa pinto na parang tang*ng salubong ang kilay habang nakatungo. Baka iniisip niya kung paano siya makakarating sa planeta niya.
Maya maya pa ay nagsidatingan na rin ang mga iba ko pang kaklase pati na rin ang lecturer kaya nagsimula na ang klase.
Pagkatapos ng dalawang subject ay pumunta ako sa locker upang magpalit ng p.e uniform at dumiretso sa cr.
Dumaan ako sa isang building matapos magpalit at napahinto sa isang bulletin board. Napapikit ako sa inis 'saka bumuntong hininga. Inis kong tinanggal doon ang picture ko na kinuhanan kahapon!.
Pinunit ko 'yon at tinapon sa basurahan at naglakad papuntang ground.
"'Diba siya yung mukhang t*nga kahapon? Hehehe."
"Haha! Hindi ko pa rin makalimutan yung mukha niya."
"Transferee ata yung tumulong sa kanya e."
Mabilis nalang akong naglakad para hindi na ako makarinig ng mga bubuyog.
Pagpunta ko sa ground ay nag uumpisa na silang nag e-estreching, Kaya mabilis akong tumakbo papalapit ng biglang may tumama sa ulo ko.
Nahilo ako dun ah!'
"Halla!'"
"Ikaw kasi e!"
"Bakit ako!?"
"She's bleeding!"
"Miss, sorry ako yung nakatama sayo ng bola, I'm sorry tara dadalhin kita sa clinic," sabi nung isang babae at nag thumbs up ako sa kanya at naglakad habang nagpapa-gewang gewang.
Natatakot ako pag nakakakita ng dugo dahil ayoko sa dugo, ayokong ayoko sa dugo!. Pumunta ako sa cr at hinugasan ang dugo sa ilong ko habang nandidiri.
Pagkatapos nun ay bumalik ako sa ground.
"'Sorry sir natamaan po kasi ako ng bola—"
"Alam ko, kaya maupo ka nalang diyan miss Turalba, it's ok" pagpuputol niya sa'kin at tumango nalang ako 'saka umupo sa hagdan habang pinapanuod ang mga kaklase ko.
May nakita akong bola sa aking tabi kaya kinuha ko ito at nilaro habang nakaupo.
"Buti nga sayo!"
Inangat ko ang ulo ko sa biglang nagsalita, at nakita ko si Alien na nakangisi.
"Alam mo ba kung anong tawag dun? Karma yun!" nilapit niya ang mukha niya sakin "KARMA" pagdididiin niya.
"Matagal na akong kinakarma, yun ay pag nakikita kita." walang gana kong sagot.
"Bakit mo ako pinahiya sa harap ni Sandy kahapon ah! Nakakabw*set ka!"
"Buti nga kay Sandy ka lang napahiya e! — e ako! Napahiya ako sa harap ng maraming tao dahil dun sa katarant*duhan mo!" galit kong sabi 'saka ako tumayo "ikaw ang nakakabw*set!! Papansin ka! Kung sa tingin mo ay babalikan ka pa ni sandy— manigas ka! Asa ka!" Nakangising sabi ko sa kanya 'saka ako tumalikod.
———
"Tita sorry po hindi po ako makakapasok sa trabaho ngayon" sabi ko kay tita sa kabilang linya habang naglalakad.
"Bakit?"
"Nahihilo po ako e."
"It's ok kung hindi mo kaya, may sakit ka ba?"
"Wala naman tita, nahihilo lang talaga, bukas nalang po ako papasok."
"Sige, mag take ka ng medicine ok?"
"Opo tita, wag na kayong mag alala, kaya ko sarili ko"
"Ok sige, bye"
"Bye po" paalam ko sa kanila ko pinatay ang linya at nilagay sa bag ang cellphone ko.
Habang naglalakad ay papikit pikit ako dahil sobra akong nahihilo, ang lakas ng impact sakin nung bola!. Nakahawak ako sa likod ng ulo ko, at parang gusto ko nang mahiga.
"Wow! K*ng ina! I love my life!" Napamura ako ng biglang umulan ng malakas.
Dahil wala akong payong ay wala na akong nagawa kun'di maglakad na lang na parang walang pakialam sa patak ng ulan. Waterproof ang tela ng bag ko kaya hindi ako nag alala sa mga gamit ko, Isa pa— isang binder notebook lang naman ang laman.
"No way" usal ko ng biglang kumidlat kaya binilisan ko ang lakad ko.
Nag sunod sunod ang paglakas ng kulog at kidlat.
"Ahh!!" sigaw ko sa gulat at mas binilisan ko pa ang lakad, tinakpan ko ang tainga ko gamit ang mga kamay ko. TAKOT AKO SA KIDLAT.
"Sira ulo kang bata ka! bat ka nagpaulan!?" salubong sakin ni Aling Sonya.
"Nasa daan na ako nung umulan e," sagot ko naman 'saka ako pumasok sa kwarto ko pagkatapos kong maligo at magpalit ay pabagsak akong humiga sa kama at pumikit.
———
Pagkagising ko ay sobrang bigat ng pakiramdam ko tinanghali na din ako ng gising kaya binilisan kong kumilos.
Ngayon pa ako nilagnat!? Ngayong may quiz kamil!. Pagkarating ko sa school ay nginitian ko si Sir Nam, 'saka ako pumwesto, itinaas ko ang bag ko. Late ako e.
"Ang malas ko talaga!"
Tumabi sa'kin si alien nang ito'y dumating, at itinaas niya ang kanyang bag. Hindi kami nag iimikan.
Naibaba ko ang bag ko nang bigla akong mahilo at ma-out of balance ngunit natulungan ko naman ang sarili ko kaya hindi ako natumba.
"oh kaya pa Miss Turalba?" Sabi sakin ni Sir Nam at nag thumbs up naman ako sa kanya. Itinaas ko ulit ang bag ko at pumikit.
"Lampa" rinig kong Sabi ni alien.
—PRINCE—
Nag dadasal ba siya?'
"Miss Turalba ba't ang putla mo? may sakit ka ba?" Tanong sakanya ni Sir Nam.
"Lagnat laki lang, Sir hehe."
"Sige na pumasok ka na"
"Talaga sir? Thank you po" sagot nito 'saka siya naglakad at napahinto bigla kaya taka akong tinignan siya.
Ano bang nangyayari sa kanya?'
Humawak siya sa bakal ng gate.
"Hoy alalayan mo yun" mahinang sabi sakin ni Sir Nam.
"Hmp, ayoko Sir dito nalang ako!"
"Oh sige 30 minutes ka diyan"
"Sir, ang daya! Bakit naman?"
"Dahil sinuway mo ako!"
"Ito na nga sir oh, hindi na mabiro" pilit na ngiti kong sabi at nilapitan ko si Gurang.
"Hoy" tawag ko sa kanya ngunit hindi siya sumagot at naglakad lang, pumunta ako sa likod niya.
Napahinto ako nang bigla siyang humarap sa'kin at laking gulat ko nang makita ko ang itsura niya!.
Ang putla niya at may lumalabas na dugo sa ilong niya!?.
"Oh oh!" usal ko nang pumikit ito at natumba, nasalo ko siya at niyugyog ko ang ulo niya.
"Hijo, buhatin mo dalhin natin sa clinic" sabi ng teacher kaya wala akong nagawa kun'di sumunod nalang.
Ang init'
Binuhat ko siya at ipinunta sa clinic.
Matapos siyang icheck-up ay nalaman naming inaapoy siya ng lagnat, pinabantay siya sa'kin habang siya ay tulog.
Hayst! Badtrip! Puros kamalasan talaga 'bigay sa'kin ng gurang na 'to!.
"Kuya"
Napatingin ako sa kanya nang bigla itong magsalita habang tulog!?.
"Gurang" inis na sabi ko 'saka ulit ako umupo.
"Kuya" usal niya ulit habang nakataas ang dalawang kamay niya at ibinaba niya rin Ito. Tumayo ako at umupo sa tabi ng kama niya.
"Kuya" usal niya ulit. Hinipo ko ang noo niya at pwede na akong mapaso dahil sa init nito.
"Hoy" tawag ko sa kanya at tinapik ang braso niya, unti unti niyang iminulat ang mga mata niya at 'saka Ito tumingin sa'kin.
"Anong—" usal nito at pumikit ulit 'saka bumuntong hininga.
"Hinimatay ka kanina— oh oy!" usal ko nang bigla itong bumangon.
"May quiz tayo 'diba?, Tara na" sabi nito at kinuha niya ang bag niya.
"Pero— k-kaya mo?" tanong ko. Inaapoy siya ng lagnat!, E paano kung himatayin ulit!?.
"Tara na, daming kuda" sabi niya 'saka lumabas ng kwarto at sumunod naman ako. Wala ang nurse sa upuan niya kaya nag dire-diretso kami palabas ng clinic.
"Hoy! Inaapoy ka ng lagnat! Baka himatayin ka na naman— oh oh! 'yan na nga ba ang sinasabi ko e!" Inis kong sabi ng muntik siyang matumba.
"Hindi ako mahihimatay" sabi niya at napahinto siya sa paglalakad kaya huminto rin ako.
"Bakit?"
Hindi niya ako sinagot at nakatitig lang siya sa isang direksyon, kaya tinignan ko rin Ito. Nakita ko ang isang babaeng na parang may edad 35-40, naglalakad ito habang palinga linga sa paligid.
"Naku naman" usal ni gurang na parang naiinis, napabuntong hininga pa ito at mabilis na naglakad kaya hinabol ko siya.
"Sino yun?" tanong ko.
"Paki mo?"
"Gago, nag tatanong ako nang maayos!"
"Sumasagot din ako nang maayos"
"Maayos ba yun!?"
"Muka kang t*nga"
"Bakit na naman?"
"Wala lang"
"Ang sama mo talaga! Matapos kitang saluhin nung mahimatay ka kanina, sasabihan mo ako ngayon ng t*nga!"
"Sinabi ko bang saluhin mo ako."
"G*go ka talaga, ewan ko sa'yo" Inis na sabi ko at binilisan ko ang lakad ko para malampasan ko siya.
Habang naglalakad ay pinapakiramdaman ko siya, baka mamatay e. Nang hindi ko na marinig ang kaluskos ng sapatos niya ay humarap ako sa likod ko at nakita ko siyang nakahinto lang habang nakatingin sa isang direksyon. Nang tignan ko kung anong tinitignan niya ay ibinalik ko sa kanya ang tingin.
Magkamukha sila?'
Nagtititigan si gurang at yung babaeng nakita namin kanina.
Anong meron?'
Nagulat ako nang bigla akong tinignan ni Gurang, 'saka ito naglakad hanggang sa malampasan ako.
Sinulyapan ko ulit ang babaeng katitigan niya at naglakad na rin ito paalis.
Amo niya?'
Paglabas ko ng room namin ay eksaktong dumaan sa harap ko si Sandy. Tadhana tawag dun.
"Sandy" tawag ko sa kanya habang nakangiti at huminto naman ito.
"Nandiyan pa ba si Anika?"
"Ah oo— oo"
"Bes!"
Napaka epal talaga ng Gurang na 'to.
"Uy Bes! Sabay na tayong mag lunch" nakangiting sabi sa kanya ni Sandy.
"Sige ba, tara" mabilis na sagot ni gurang 'saka siya lumapit kay Sandy.
"W-wait!" Pigil ko sa kanila "Pwedeng makisabay?"
"Hindi" mabilis na sagot ni Anika at sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Ok lang sa'kin— bes, isabay na natin siya." nagsitalunan naman Ang mga laman laman ko sa saya dahil sa sagot ni sandy "Kung mapa-papayag mo si Anika, pwede ka ng sumabay samin"
Aaish!! Gurang makisama ka please!'
"Anika, sige na, makikisabay lang naman eh"
"Tapos gagawan mo na naman ako ng kalokohan!"
"Hindi! Promise!—"
"Sus! Wag na wag na! Tabi diyan" sabi nito at naglakad sila ngunit pinigilan ko sila "Biro lang, sige na sumabay ka na, pambawi."
Malawak ang ngiti kong tumabi kay Sandy.
"Kaso sa mall kami mag lulunch eh ok lang ba yun sa'yo—?"
"Mall!?" Pagpuputol ni Anika kay Sandy "Dito nalang Sandy, wala akong pera"
"Ah-"
"Sa mall na! Libre kita" mabilis kong sabi kay Anika at tumango naman ito habang nakangisi. Para mas matagal kong kasama si Sandy! naku exciting!.
"May isa pa palang sasabay sa'tin—"
"Huh!? Sino?" Tanong ko.
"Yan na pala siya— Justin tara na"
At gumuho ang aking inaasam na pangarap.
"Hi Justin!" bati sa kanya ni gurang.
"Hello" sagot naman nito at tumabi kay gurang.
Bigla naman akong nainis nang umalis sa tabi ko si Sandy at lumipat sa tabi nung Justin daw.
Tumingin sa akin si Gurang habang nakangisi "Anu na? Sasama ka pa?" mahinang tanong niya.
"Oo"
——
"Sa'n tayo kakain?" Tanong nung Justin.
"San gusto mo Anika?" Tanong ni sandy kay gurang.
"Kayong bahala, ililibre lang naman ako e."
"Bes pasama, cr tayo."
"Tara— hintayin niyo kami diyan ah!" Sabi ni gurang saka sila pumasok sa CR.
"Type mo ba si Sandy?" maangas kong tanong kay Justin.
"What do you think?" nakangiting sagot niya.
"Pre, kay Anika ka na lang, sa'kin na si Sandy."
"Bakit? Boyfriend ka ba niya?"
Sasagot sana ako bigla nang maalala kong hindi pala niya ako boyfriend, kaya nanahimik na lang ako
"See, hindi siya sa'yo"
"Aba! Sakit mo makapagsalita ah!" sita ko sa kanya.
"Ikaw tatanungin ko ngayon, sa tingin mo, may gusto sa'kin si Sandy?" nakangiting tanong niya.
Oo, aish! Badtrip!'
Hindi nalang ako sumagot at maya maya pa ay dumating na ang dalawa.
"Anika, ok ka lang?" tanong nung Justin kay gurang.
"Sabi ko nga sa kanya na mag liptint siya e, kaso ayaw niya, ang putla ng lips niya" naiiritang sagot ni Sandy.
"Ayoko! Kakain Tayo eh!"
Nilalagnat nga pala 'to'
Tumabi si Sandy kay Justin at hinawakan niya ito sa braso at naunang naglakad. Si Gurang naman
ay malawak ang ngiti habang nakatingin sa dalawa.
"Anong nakakangiti?" Iritang tanong ko sakanya at nag umpisa kaming maglakad.
"Aminin mo nga sakin, minahal mo ba talaga yang kaibigan ko?" Taka naman akong tumingin sa kanya.
"O-oo bakit?"
"Bat mo gin*go?"
Aba! Prangka ang g*go!'
"Oh bat dika makasagot? " tanong niya ulit.
"Teka nga! Nag iisip pa e!" reklamo ko.
"Nag-iisip? Hayst! Sabi na e!"
"Ano na naman!?"
"Maniwala ka sa'kin, hindi mo siya minahal! Nakokonsenya ka lang kaya gusto mong bumawi at yun yung dahilan kaya gusto mong magkabalikan kayo."
Natahimik ako at napaisip, Tama ba ang sinabi ni gurang?, Ah Basta! ang alam ko lang gusto kong magkabalikan kami! yun lang.
"Ginugulo mo utak ko" inis kong sabi kay Gurang.
"Matagal ng magulo 'yang utak mo! ako pa sinisi mo ah! Hambalusin Kita diyan e!"
"Sige nga! Kung hindi ko siya mahal, bakit gustong gusto kong makipagbalikan sa kanya!?"
"Paulit ulit ka! Nasabi ko na nga kanina e!" salubong na kilay niyang sabi.
"AAAAHHHHHHH!!!"
Nagsigawan ang mga tao nang biglang mawalan ng ilaw.
Ang o-oa!'
"Ang init mo!" Iritang sabi ko kay gurang ng maramdaman kong niyakap niya ang braso ko. "Bitawan mo nga ako!" iriitang sabi ko.
"Hmp! Bwiset ka!" sagot nito at binitawan niya ang braso ko.
Bumalik ang ilaw at lumiwanag ulit.
Nang makapasok na kami sa restaurant ay dumiretso kami sa table at lumapit ang isang Waiter, ibinigay ang menu.
"Carbonara tsaka ice cream" sabi ni Gurang.
"No!" suway ko
"Huh?"
"Timang ka? Nilalagnat ka tapos kakain ka ng ice cream?"
"Para lumabas ang init sa katawan ko."
"Nilalagnat ka Bes?" Nag aalalang tanong ni Sandy kay Gurang.
"Oo, nahima—"
"Hmp!"
"Aray!" usal ko nang bigla akong sikuin ni Gurang.
"Oo may lagnat ako, pero pagaling naman na ako e" nakangiting sagot ni Gurang.
Liar!'
"Sure ka ah," sabi ni Sandy at nag thumbs up naman si Gurang.
"Carbonara na nga lang" inis na sabi ni Gurang sa waiter "tapos tubig"
"Maraming tubig" dagdag ko.
"Maraming tubig" pagsasang ayon ni Sandy at tinawanan naman siya ni Gurang.
"One lasagna and two lemon juice" order ko.
"Carbonara na lang din sa'kin tapos apple juice" order nung Justin.
"Same, ganun din sa akin kuya" sabat ni Sandy.
"Three Carbonara, two apple juice, two lemon Juice—."
"Nadale mo! apir Tayo diyan!"
"Pst" suway ko kay Gurang dahil nakakahiya siya!.
Nakipag apir sa kanya ang waiter, saka ito umalis.
"Nakakahiya ka" bulong ko sa kanya.
"Hahaha! Ang cute mo talaga Bes!" natatawang sabi ni sandy.
"Loko ka" natatawa ring sabi ni Justin.
Ako naman ay kunot noong nakatingin lang sa kanila, pano ba naman kasi hugis bilog itong table at si Justin ang katabi ko sa kanan, sa kaliwa naman ay si Gurang!. Hindi ko tuloy katabi si Sandy! Kainis!. Pero at least katapat ko siya.
"Here's your pagkain ma'am and sir! Enjoy the meal, enjoy the life" masayang sabi ng waiter.
Ano daw?'
"Kengkoy ka kuya ah, apir tayo diyan!" masayang sabi ni Gurang at nakipag apir ulit siya sa lalaki.
"Oo naman ma'am para makahawa ako ng Good vibes!" masaya namang sabi ng waiter.
"Tama yan, magaling" sagot ni Gurang.
"Kung may order pa po kayo, just shout 'waiter' and I'll be there!" Sabi pa nung waiter 'saka umalis.
"Mukha siyang timang" natatawang sabi ni Gurang kaya nagtawanan din kami.
"Hm" usal ko at iniabot ang isang lemon juice kay Gurang.
"Oh?"
"Ayaw mo?" maangas kong tanong.
"Gusto"
"Guys goodnews!" Napatingin kaming lahat kay Sandy habang nakatingin ito sa screen ng phone niya "Cancel na daw ang klase dahil sa lakas ng ulan!" masayang sabi nito.
"Tsk!" Inis akong tumingin kay gurang bigla itong pumalakpak kaya ibinaba ko ang dalawang kamay niya "Nakakahiya ka" iritang sabi ko sa kanya.
"Ba't siya mahihiya eh sa kanila naman— amp" natigil sa pagsasalita si Sandy ng subuan siya ni Gurang.
"Sarap bes?"
"hm.., saharap hihi" nakangiting sagot ni sandy habang ngumunguya.
"Ang cute niyo hehe" biglang sabat ni Justin.
"Pagkatapos nito uuwi na ba tayo?" tanong ko.
"Dito muna, tapos mamasyal muna tayo dito, ang lakas kaya ng ulan sa labas" sagot ni sandy kaya ngumiti ako at tumango.
"Teka lang ah, maghuhugas lang ako ng kamay" paalam ni Gurang 'saka ito tumayo at umalis.
*Shring*
*Tiing*
Nanliit ang mata ko dahil sa ingay, sa tingin ko tunog yun ng mga plato't kutsara.