1//

2247 Words
Chapter one MARGO’S POV’S Nasa isang misyon kami nila Aries, Luigi, Kimbie at Ginger, may hinahabol kaming isang lalake na iniutos sa amin para huliin. Myembro kami ng Remo Squad, ang kilalang bayarang organisasyon, binabayaran kami depende sa iuutos sa amin, mas mahirap na misyon, mas malaki ang bayad. Walang may alam kung sino ang mga myembro ng Remo Squad dahil kapag nasa misyon kami, lagi namin sinusuot ang black face mask namin at ang signature jacket namin na may tatak ng penname namin. Hindi maaring malaman ng mga kliyenten namin ang tunay naming pagkatao. Kaming lima nina Aries, Luigi, Kimbie at Ginger, ang may pinakamataas na posisyon sa organisasyon na iyon. Si Aries si Uno, si Luigi si Dos, ako si Tres, si Ginger si Kwatro at si Kimbie si Singko, yan ang mga ginagamit naming pangalan kapag nasa misyon kami, at kaming lima ang mas kilala sa lahat ng myembro ng Remo Squad dahil na rin sa mga malalaking misyon na nahahawakan namin Ang nag iisang leader at bumuo lang naman ng organisasyon na iyan ay ang teacher ko, or let say, tatay tatayan ko na si Conan Remo, George Smith ang pakilala niya sa ibang tao, kaming mga myembro ng Remo Squad lamang ang nakakaalam sa tunay niyang pangalan. Ako nga pala si Maria Georgina Smith, o mas kilala bilang Margo, sa aming lima na magkakaibigan, ako lang ang pinalaki ni teacher Conan, ang iba kong kasamahan kagaya nila Aries, Luigi, Ginger at Kimbie, mga napulot lang yan ni teacher kung saan yan Si Aries, sya ang parang kuya naming magkakaibigan, lagi niya akong inaalalayan sa bawat misyon na mapuntahan namin. Si Luigi, sya naman ang astig na babae na nakilala ko, para ko na rin syang ate, masungit always mabait minsan, ganyan ang kanyang ugali Habang sina Ginger at Kimbie? Magkapatid yan, pareho silang kikay, mas panganay lamang si Ginger ng dalawang taon kay Kimbie “Hoy Tres ano ba!” “Yeah ito na” may tig iisa kaming earphone para makakonekta at makapag usap sa isat isa May hinahabol nga pala kaming tao, ang bilis ng sinasakyang kotse, pero wala yan sa bilis ng motor naming lima Malaki laking kita to kaya hindi ko pwedeng palampasin “Hoy Tres iba na hinahabol mo!” “What! Nasaan na?” “Lumiko ka!” Takte! Pareho kase ng kulay yung kotse na sinasakyan nung target namin at itong nasa harapan ko “Tres!” sigaw ni Uno sa akin Ito nanaman si Aries, umaalalay palagi sa akin kapag naliligaw ako ng landas sa misyon namin, lalo kapag lutang ako, napakahirap naman kase minsan doctor kaming lima sa umaga, at sa gabi, ganito misyon namin. Kaya hindi ko maiwasan, mawala sa sarili kapag nasa misyon ako. Pero bakit ang iba kong kasama napakaalerto parin kapag nasa misyon, parepareho lang naman kami ng ginagawa. Malalagot nanaman ako nito kay Cher, kay teacher Conan I mean, cher ang tawag ko sa kanya. “Bilisan mo Tres” ayan na si Cher nag sasalita na sa earphone ko Mas lalo kong binilisan ang patakbo sa motor ko, hanggang sa naabutan ko na nga ang target namin, alalay lang silang apat sa akin, misyon ko talaga to. Pinaputukan ko ng baril ang gulong ng kotseng sinasakyan ng target namin, agad agad naman napahinto ito. Napahinto ako at nilapitan ang target namin “Tres, huliin lang, hwag patayin” sabi sa akin ni Uno “Alam ko” nanginginig yung target namin nang makita ako, wala akong pakealam sayo, mas mahalaga pera ko, napakarami kong utang. Inilabas ko sya sa kotse at tsaka tinalian, huliin lang daw, edi huliin, hinigpitan ko ang pagkakatali niya at pinaupo ko sya sa gilid ng kanyang kotse “Dyan ka lang” wala naman magagawa to talagang dyan lang sya, nakatali na ng napakarami “ Mission accomplished” sabi ko “Umalis na kayo dyan” utos naman ni cher sa kabilang linya, nasa hide out namin sya, at binabantayan kami sa bawat misyon namin, nakakausap niya kami gamit ang earphone na ginagamit namin sa misyon “Opo!” Naunang nakauwi sina Ginger, Kimbie at Luigi, habang kami ni Aries, nandito sa may tulay umiinom ng beer “Salamat pala” “Nakailan kana, muntik nanaman mafailed misyon mo” “Eh ang daming pasyente kanina sa ospital, kaya napagod ako, tapos ganito may misyon kaagad ako, dapat ikaw na lang naglead, alalay na lang sana ako” “Diba kailangan mo ng pera? Kaya ayan, ikaw nanaman ginawang namuno sa misyon ni master” “Lagot nanaman ako kay cher, iuwian ko kaya sya ng babae?” “Napakarami na niyang babae dadagdagan mo nanaman?” sabagay, totoo ang sinabi ni Aries, napakababaero ng matandang hukluban na yun, dyan lang sya sumasaya, sa babae alak at misyon. Wala naman akong takas kay cher, uuwi at uuwi parin ako sa hideout namin, hindi ako makakaligtas sa sermon niya. Tatakpan ko na lang tenga ko mamaya. Pagdating namin ni Aries, nabutan namin sic her na umiinom ng alak,ito nanaman sya lasing nanaman, ganyan yan kapag nakakatapos ng misyon “Oh, bakit ngayon lang kayo,lashing na ako ang tagal niyo dumating, teka teka Margo” lumapit sya sa akin at tsaka ako inakbayan “ Napakagaling ng anak ko, manang mana ka talaga sa akin haha” “Umalis ka nga dyan” tinulak ko sya, okay lang gawin ko yun kapag lasing sya, pero lumalapit parin sya sa akin para pagtripan Hanggang sa naghahabulan na kaming dalawa dito sa hide out namin, naiirita ako kay teacher kapag nalalasing sya, mas okay na normal na lang sya at manenermon kesa ganitong lasing ang clingy ng matandang hukluban na to ***** JAO’S POV’S Makakarinig nanaman ako ng sermon ng reyna, este ni mama, s**t lang napakasumbungera ni Gwen walang pakisama sa mga pinsan niya, hanapan ko na kaya ng boyfriend to ng hindi kami pakealaman. “Sinabi ko na diba na walang lalabas ng walang bantay!” sigaw ng reyna sa amin, nasa office niya kami nina Lorkan, Kino at Dean. Kami ang Sebastian Clan, kilalang kilala kaming apat sa buong South Empire, isama niyo na rin pala ang nag iisang babaeng pinsan namin na si Gwendolyn, parang laging nasa menaupausal stage ang kasungitan. “Sino nanaman ang may pakana ng pagtakas niyo?” hindi kami umiimik sa tanong ni mama, nakakatakot talaga sya, para syang dragon kung magalit, sa kanya lang ako takot, pero sa iba, wala akong pake “Walang aamin? O babawasan ko allowance mo Jao?” “Ma!” kainis, nakakasakal na minsan, para akong bata na gusto ay laging nakakulong dito sa imperyo, nasa wastong gulang na ako, at lalake ako, mababakla ako kapag nandito lang ako sa loob ng imperyo, hindi ko maeenjoy ang buhay ko kapag ganito “Alam ko ikaw pasimuno nito, idadamay mo pa mga pinsan mo” “Fine its my fault” kahit sina Lorkan naman talaga ang pasimuno, ako nalang sasalo ng lahat, ganito naman palagi, kase nakakaawa sila baka kung ano pang parusa gawin sa kanila ni mama kapag sila ang umamin. Dahil ako ang anak ng reyna na si Justine Sebastian at ang pumanaw na hari na si Raegan Jin Adezer, hindi naman ako napaparusahan ng malala, kaya ako na lang palagi ang aako. “You never failed to disappoint me Jao, paano kapag napahamak ka lalo, tignan mo mga sugat mo, paano kung—“ “Ma, Im not a kid anymore, I can handle myself, I can protect myself” “Ikaw ang susunod na tagapagmana Jao, nag iisa lang kitang anak, kaya iniingatan kita hindi mo ba naiintindihan yun?” “Naiintindihan” kahit naiinis na ako kakaintindi, puro na ang sila ang iniintindi, how about me?tsk. Ang daming sinasabi ni mama kung ano ano, nawalan ako ng gana making, tinignan ko sila Lorkan, Kino at Dean, palihim na nagtatawanan. Mga ungas! Matapos ang sermon nagsilabas na kaming apat, hindi na nila napigilan ang matawa at mang asar “Hahaha baby boy” “Jao, kulang na lang tsupon” “Shut up” naiirita ako. “Thanks bro, pasensya na rin wala kaming magawa, wala kase kaming laban sa mama mo, nag enjoy ka naman diba kagabi? “ tanong ni Lorkan Pumunta kaming bar kagabi, pumuslit kami, totoo, nag enjoy ako, kase wala namang ganyan sa imperyo, nasa labas lang lahat ng kaligayahan ko, kase dito sa loob ng imperyo, nakakasakal, nakakabagot at para akong robot, walang kalayaan. “Hayaan niyo na” “Ayan na si Gwendaldal” -Kino “Hoy wala ka talagang pakisama, hindi mo talaga mahal mga pinsan mo”- Lorkan “So what? Mali naman talaga ginawa niyong apat, ayoko mawala tiwala sa akin ni tita Justine” “Hanapan niyo ng jowa to para dun magfocus” pang aasar ko “Oo nga noh, NBSB kase hahaha” gumatong pa si Lorkan “Tatanda kang dalaga niyan, mag enjoy ka naman Gwen”-Kino “Kaya nga, sama ka kaya sa amin, marami kaming irereto”-Dean “In your face! Dun nga kayo, dinidisiplina lang kayo, kase wala kayo nun” umalis na sya, may hawak nanaman syang libro, yun talaga ang boyfriend niya puro libro “Ganyan ba talaga NBSB?” tanong ni Lorkan “Ewan, baka tinotopak lang talaga” totoo naman topakin yan, nahawa kay mama “Hayaan niyo na lang yan, dyan sya masaya” si Gwen lang talaga ang kakaiba sa aming magpipinsan, nag iisa kaseng babae, hindi niya trip mga ginagawa naming apat. “Oh ano na, kelan ulit next takas?” nag aya nanaman si Lorkan “Kakatapos lang ng sermon kay Jao dadagdagan mo nanaman hahaha” “Ako nanaman ang alay kapag nahuli tayo” lagi namang ako “Ngayon lang tayo nahuli, dahil kay Gwen” “Kailangan muna natin magpalipas ng ilang araw bago ulit gumala, mahirap na, baka mamaya itakwil na ako ni mama” “Hindi ka itatakwil ni tita, lab na lab ka kaya nila baby boy hahaha” “Shut up!” Pupuntahan ko nga pala ang medical team ng imperyo, dito ako nakaassign na magbantay, sa kanila ko na lang ibubunton lahat ng inis ko. Kasama ko parin sina Lorkan, Kino at Dean, para kaming telletubbies laging magkakasama. Naabutan ko ang medical team namin na natataranta dahil sa napakaraming ginagamot ngayon dito. “Anong nangyare?” tanong ko “Naambush po sila” sagot sa akin ng natatarantang doctor, kakaunti lang sila, ang iba sumuko na sa amin, dahil na rin kapag pinapagalitan ako ni mama, sila pinagbubuntunan ko ng galit. “Professional ba talaga mga pinalit na medics dito? bakit parang hindi nila alam mga ginagawa nila?” lahat kami nakasubaybay sa mga galaw nila, mga tatlong doctor ang nandito, pero kulang parin. May mga nurses din kami, hindi nga lang maayos ng mga doctor ang mga trabaho nila, kapag nandito kami mas domodoble ang taranta nila “Enough!” nahihilo na ako kakalakad nila kakatakbo, halos mahulog na mga ginagamit nila sa taranta “ Lahat kayo!” sigaw ko “ Papalitan” Nakakainis sila makita, para silang tanga, mukang mga hindi professional kung kumilos, nakakailang palit na kami ng medical team pero wala parin akong makita na maayos ang trabaho. “Wala pa silang ilang lingo tinanggal mo nanaman” inakbayan ako ni Lorkan, sya nalang kasama kong naglakad, yung dalawa nambola na ng mga nurse sa medical team “Hindi ko gusto trabaho nila” “Talaga ba? O napagbuntunan mo lang talaga sila hahaha” “Whatever” Pumunta ako sa labas naglakad lakad, kainis na buhay to, gusto ko lumabas pero kailangan pa akong bantayan. Kailangan ko pa tumakas para lang makuha ko kalayaan ko. Nakakainggit ang ibang tao na nakakalabas kahit walang bantay, yung walang inaalalang maaagrabyado. Kase ako? Isang mali ko lang, napakarami ng madadamay, at ako lang ang nag iisang dahilan, lalo na kapag nalaman ni mama. Ako lang ang ganito, kaya lagi akong inaasar ng mga lokong pinsan ko. Baby boy? Tsk, hindi ko alam, napakagahaman ni mama sa kapangyarihan, pwede naman ibang tao na lang isunod niyang tagapagmana, ayoko naman ng ganung buhay, ayoko ng nakakasakal na buhay. Isipin ko daw muna ang imperyo ko, ang nasasakupan ko bago ang sarili ko, yan ang laging sinasabi ni mama sa akin. Pero nakakapagod na, maski kasiyahan ko hindi ko na alam kung ano, mga gusto kong gawin wala na, kaya ayoko na, suko na ako sa pagiging ganito. “Balita ko aalis si tita” “Kelan? Hindi ko alam yan ah” “Ewan, narinig ko lang si Gwen kanina, pinag uusapan nila yan, alam na this beybe” Ang bait naman ng pagkakaton sa akin, sana matagal tagal mawawala si mama, sana hindi na bumalik, after 100 years na lang bago sya bumalik, dun n asana sya tumira sa pupuntahan niya “Aba pangiti ngiti si baby boy, hahaha natutuwa ka, walang dragon, pero may little dragon naman si Gwen” “Tsk mabilis lang lusutan yan” “Makakagala tayo niyan ng walang hadlang, itali na lang natin si Gwen o kaya bigyan natin ng napakaraming lalake para hindi makapalag hahaha” Marami na akong naiisip na gawin kung sakaling matuloy nga ang pag alis ng reyna, pero teka, uunahin ko pa pala munang maghanap ng medical team. Kainis! Ako pa kase nakatoka dun.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD