2//

2328 Words
Chapter two MARGO’S POV’S Nakaduty kami ngayon lima dito sa ospital ni cher Conan, sa umaga dito kami, doctor kaming lima dito, kahit papaano ay nakapagtapos ako ng pag aaral ko dahil kay cher. Kaya malaki ang utang na loob ko kay cher, hindi ako makatanggi minsan sa mga misyon na inuutos niya sa akin, kahit minsan ay pinagtritripan na alng ako ng matandang yun “Miss Margo, pinapatawag po kayo sa room 20” Dumiretso kaagad ako sa room na sinabi sa akin, mukang nagtotopak nanamn si lola, tropa kami ng pasyente kong yun. “Sabi kong si Margo lang ang gagawa niyan!” “Madam, wala pa po si miss Margo” “Kahit na, Hintayin niyo sya! Sya ang gusto kong maginject niyan!” “Madam please huminahon po kayo” Rinig ko sa labas ang reklamo ng mga nurse sa pasyenteng yun, ako talaga ang gustong gusto ng mga pasyente dito, lalo kapag matanda, sabi ko nga, tropa ko mga pasyente ko dito. “Hello lola! Im back!” ngiti niya kaagad ang nakita ko, yung mga nurse na nakapalibot sa kanya, halos manghina ng makita ako Mukang kanina pa nila, pinipigilan ang sumpong ng lolang to “ Aba, ayan na sya” tuwang tuwa nioyang sinabi habang palapit ako sa kanya Seventy three years old na si lola, kaya alam niyo na kapag matanda, minsan padecline na ang utak, mahabang pasensya ang kailangan. “Bakit ba ang ingay niyo, kulang pa ba yung mga binigay kong textmate sayo?” Sinenyasan niya ako para lumapit sa kanya, inilapit ko naman agad yung tenga ko sa sasabihin niya sa akin. “f**k boy naman binigay mo saken” Narinig ng mg nurse yung bulong ni lola, sinenyasan ko sila na umalis na, kase mukang wala ng topak si lola, ako na bahala dito. Sumunod naman agad yung mga nurse at isinara na nila yung pinto. “Hahanapan ulit kita ng boylet lola, pero kailangan muna kitang injectionan nito” “Hay, ayan nanaman, kung hindi lang dahil sayo hindi ako magpapagamot” “Lola, matagal tagal ka pa, tuturuan mo pa ako magzumba diba?” Nililibang ko sya habang tinuturukan, hindi naman niya iyon napapansin, I mean, yung sakit, hindi niya nararamdaman kapag nagkwekwento ako sa kanya. Binigay ko number ni cher Conan sa kanya hahaha, talaga f**k boy yun, este hinayufuck palang matandang manyakis haha Nagkwentuhan kami ni lola hanggang sa mapagod sya, nakatulog ang matanda dahil sa gamot na tinurok ko sa kanya. Ganito naman palagi ang gawain ko, bibisitahin ko mga pasyente ko, ayaw nila sa ibang doctor sa akin gusto. Kaso hindi naman pwedeng sakin lahat ng pasyente dito, ano ako pakabayani? No way, kaya siguro ako napapagod palagi kakadaldal sa mga pasyente ko araw araw. Lutang tuloy ako minsan kapag may misyon kami sa gabi. Umuwi ako ng maaga, doon naman talaga ako nakatira sa secret hideout namin, kasama ko doon yung lima kong kaibigan plus si tandang ermitanyo mahilig. “Nandito na si Maria Georgina!” ayan nanaman si cher, mantritrip nanaman sa akin, sinusundan nanaman niya ako, ganyan palagi yan sa akin, lambing daw niya yan “Pagod ako ano ba” umupo ako saglit bago pumunta sa kwarto “Ang sipag talaga ni Margo” asar ba yan o compliment? Pero kapag si Luigi na nagsalita malabong compliment yan “Kaya ka nalolosyang girl, sabi sayo, gayahin mo kami ni Kimbie” wala akong panahon maginarte kagaya nila Ginger at Kimbie na ngayon ay todo make up kahit kakauwi lang din. “Reyna ka talaga ng mga jologs Margo” aray naman, sanay na ako sa ganyang tawag ni Aries “Ako nanaman talaga nakita niyong lima, at ikaw!” turo ko kay cher Conan “Pag alis ko hanggang pag uwi lasing ka, pwede bang lagyan ng tape bibig nito para hindi na uminom?” “This is my comfort food, plus babae hahahaha” kahit papaano may pakealam parin ako kay cher, lumaki na ako naging doctor, hindi parin sya tumitigil kakainom. “Hay bahala ka, magpapahinga na ako” antok na antok na ako, hindi ako makakaen minsan ng gabihan dahil sa pagod at antok ko Nagpalit na ako, my favourite uniform, pajama and shirt hahaha, ganito lang ako kasimple kaya jologs tawag sa akin ng mga kasama ko. Nag aayos ako, depende sa pupuntahan at misyon namin. Pero kapag ganitong nasa bahay lang lagi akong nakapajama, kase tulog is life for me hahaha. [After an hour] “Hoy jologs gising may misyon tayo asap!” “Huy! Ano ba gising na!” “Kulang pa antok pa” hinang hina pa ako wala ako sa sarili “Master ayaw gumising” narinig ko boses ni Aries, nakapikit pa ako bakit ba, boyfriend ko kama ko, ayoko mahiwalay sa kanya Sila na muna sumama sa misyon nay an ayoko munang— *Bang**bang**bang* “Ang sakit sa tenga!” Napaupo ako kaagad at nakita ko sic her na may hawak na dalawang kawali, at sina Aries at Luigi nasa pinto ng kwarto ko at nagpipigil ng tawa “Mukang ikaw pa ang lasing ah kesa sakin” “Ano ba cher, 10 pm palang, sila na muna sa misyon” “Ayoko, gusto ko ikaw gumawa ng misyon na to, at ikaw ang maglead” “Na ah, I don’t!” humiga ulit ako, ilang oras palang kasarapan palang ng tulog ko tang ina! *Bang**bang**bang* Wala na talaga akong magagawa, patawarin mo ko kama ko, iiwan nanaman kita. Dahan dahan akong tumayo at tsaka pumunta sa living room para makita ang misyon na sinasabi nila. “Alright! Ito ang misyon, Aries and Margo, kayong dalawa na bahala dito” “Nasaan si Kimbie at Ginger?” ang daya, bakit yung dalawa mukang gumala “Nakipagdate” sagot ni Luigi “What? Habang ako bawal matulog? Lugi ah!” “Manahimik ka dyan papaliwanag ko na to” “Cher naman eh” “Ang misyon na ito ay tatawagin nating, finding d**k hahahaha” Nagtinginan kaming tatlo nila Luigi at Aries, hindi ko alam kung anong klaseng misyon yan, binigyan pa talaga ng title. “d**k ang pangalan ng hahanapin niyo, kailangan niyo syang huliin ngayon at ilagay sa kotse na nakapark malapit sa bar na kinaroroonan niya ngayon, ibibigay ko ang plate number ng kotse at tsaka niyo sya ilagay doon, and thats it” paliwanag ni cher Conan “Ang daya talaga, dapat sila Kimbie at Ginger dito” “Manlalake kana kase, magjowa ka ng may maidahilan ka” pang aasar ni Luigi sa akin, sya nga wala pang boyfriend, ang angas kaseng babae nito. “Luigi, dito ka sa monitor, at akoy matutulog” ito ang madaya, sya dapat dito sa monitor eh, para masubaybayan niya kami sa misyon, pero kanina pa umiinom yan malamang antok na talaga tong matandang to “ By the way Margo, ingat ka kay d**k, nangangagat yun hahahaha” ako talaga trip na palagi Kami lang ni Aries ang gagawa ng misyon, bilisan na para makatulog pa ako, malaki laki ang offer, at wala din naman akong choice Inayos na namin ni Aries lahat ng gagamitin namin sa misyon, bar ang pupuntahan namin, may nakaready ng isusuot namin, sa tingin ko damit ni Kimbie to, ang iksi masyado. “Ready na ako” “Tara” Umalis na kaming dalawa ni Aries, nakaangkas ako sa kanya ngayon, sa totoo lang lutang pa ako, wala nanaman ako sa sarili nito. Nabitin sa tulog Nakawig ako, ganun din si Aries, hindi kami pwedeng magblack mask at jacket doon, marerecognize kami na myembro ng Remo Squad Nakablack tube at palda ako na maiksi, kinapalan ko make up ko para hindi makilala. Malapit lang ang bar na misyonn namin, madali lang kaming nakapasok ni Aries, hindi naman nila pansin ang earphone na suot namin ni Aries “Tres, Uno, nakaitim ang target, nakaupo sa pangalawang table malapit sa pinto” minomonitor kami ni Luigi, hinanap ko agad tinutukoy niya, yun siguro? Nakaitim sabi pangalawang table Inobserbahan muna namin sya ni Aries, umupo kami malayo sa table nila, nagchachat kami ni Aries kung ano ang plano kaya agad na namin itong ginawa Parami ng parami na ang tao dito sa bar, at gusto ko na ulit humiga kaya kailangan ko na mahuli yang d**k na yan Naghiwalay kami ni Aries, iniwan niya ako dito sa table para sundan ang galaw nung d**k,ayan na paalis na sya, may kasama syang babae, mukang papunta silang second floor, may mga rooms sa itaas ng bar na to, papunta siguro sila doon “Uno, paalis na” “Bantayan mo mabuti Tres” “Oo na” Nakipagsiksikan ako sa maraming taong nagsasayawan, kainis hindi ko na sila makita, ang hirap nilang mahagilap Ayun nakita ko na ulit Sinundan ko sya hanggang sa makarating silang dalawa ng katable niya sa isang kwarto dito sa second floor “Nasa room 215 sya” “Magbihis kana Tres” Total alam na namin room number niya, si Aries naman ang magbabantay sa kanya ngayon, nagmadali akong nagpalit ng damit, an gaming pinakamamahal na signature jacket at black mask, tanda ng Squad namin to. Inilagay ko yung hood ng jacket ko, wala namang pakealam ang mga tao dito sa bar, halos lahat nakahigh na at lasing. Ako ang nakatokang magbukas ng pinto ng room nung d**k, habang si Aries, nasa malayo, back up ko. Kahit nakalock yung pinto kayang kaya kong buksan yan, walang hindi kaya ang Remo Squad. “Aaahh!” narinig kong sigaw nung babae nang mabuksan ko ang kwarto nila Tinutukan ko sila ng baril para matakot, nakahubad na ang babaeng kasama niya, habang tong si d**k nakabrief, nagtakip ng unan sa harap at inaabot niya yung shorts niya Ano nahiya kayo? Tsk “Sumama ka sa akin” utos k okay Dick “And who the hell are you?” “Aaah! Tulong tulong!” sigaw nung babae, pinaputukan ko ng baril sa bintana para matakot yung babae “Mag ingay ka pa, tatama na sayo to” banta ko Napatakip ng bibig yung babae habang nanginginig, yung d**k ang bilis nakashorts na agad, dahan dahan akong lumapit at isinara yung pinto. Nasa gilid ng kama yung babae habang nakatayo, yung d**k naman nakorner ko sa may pader, medyo magkalapit na kaming dalawa ngayon “Sino ka ba?” “Sumama ka sa akin kung ayaw mong masaktan” “Tang ina, bakit ako sasama sayo? Anong kailangan mo sa akin!” “Basta sumama ka! Tama na satsat!” “Hindi ako sasama” “Wala na akong magagawa” kinasa ko ulit ang baril ko “ Ikaw si d**k diba? Sumunod ka na lang kung aya wmong masaktan” “What? d**k? Whos d**k?” “Wag mo kong linlangin, lumang style na yan” “Gago! Hindi ako ang tinutukoy mo” “Manahimik ka, sumama ka na lang” “f**k are you insane? Im not d**k okay?” Palusot pa to, ganyan style nila para hindi sila mahuli, maraming beses na ako nakaencounter ng ganyan, hindi na uubra mga style na yan Dahan dahan akong lumapit sa kanya, kayang kaya ko tong huliin, at mapasunod, pero ang hindi ko inaasahan ay palaban din sya Hinawakan niya ang kamay ko at tsaka ako inikot, nabitiwan ko ang baril ko at tsaka niya sinipa ang baril ko palayo sa akin “Hindi mo ko kilala, hindi ako ang hinahanap mo” “Manahimik ka!” sanay na ako sa ganyang self defense, nalabanan ko sya. Nakawala ako sa pagkakahawak niya, ngayon naman ay hinaharangan niya lahat ng suntok ko sa kanya, magaling to ah, marunong makipaglaban Kailangan kitang makuha, kulang na ako sa oras, matutulog pa ako Magaling sya makipaglaban, natanggal niya ang hood ng jacket ko sa ulo ko, buti na lang naka mask ako, hindi naman niya ako makikilala. At hindi naman niya ako kilala Tinignan ko relo ko, kulang na kulang na talaga ako sa oras, kailangan ko pa magpahinga ng mahaba, may trabaho pa ako bukas Sumugod nanaman sya, naharangan ko mga galaw niya, pero natanggal niya yung pagkakatali ng buhok ko, kainis! Tinanggal ko ang jacket ko, itatali ko na talaga to gamit ang jacket ko. Lumapit ako sa kanya para mahuli na sya, pero wala, palaban ang loko, ayaw patalo, magaling din gumalaw to. Nahawakan niya ang jacket ko, pareho na kami ngayong nakahawak sa jacket ko, at bigla niyang hinila ng malakas ito, kaya napalapit ako ng husto sa kanya, parang biglang nagslow mo ang lahat ng makalapit ako sa kanya Nagkatitigan kami sa mata, mukang tinatandaan niya ang mga mata ko, sobrang titig niya, ako naman nabigla, dahil niyakap niya ako, ako ngayon ang hinuli niya. Mga ilang segundo niya akong tinitigan, hindi ako nakagalaw kaagad dahil nakayakap sya sa akin, takte ano ba tong pakiramdam na to. “Tres! Nasaan kana! Hello! Tres!”teka? parang lumabo bigla boses ni Luigi sa kabilang linya, mukang kanina pa nila ako kinokontak, kaya pala hindi ko na sila marinig sa kabilang linya. Natauhan ako at kumawala ako sa pagkakayakap nitong tukmol na to, pero ayaw parin niyang bitiwan tong pinakamamahal kong jacket “Tres! Si Uno to, patakbo na si d**k sa labas nasaan kana! Nagkakagulo na dito sa baba” “Ha? Nandyan si d**k?” eh sino tong nasa harapan ko? “Halika na! Bilisan mo!” Nataranta ako, hinihila ko tong jacket ko, pero ayaw bitiwan,matatagalan ako kapag nakipag agawan pa ako sa jacket ko, hays kainis! Aya wniya bitiwan “Tres! Makakawala na si d**k!” sigaw ni Aries sa kabialng linya, mukang hinahabol niya si d**k, kainis mission failed ba to, patay ako nito. Maling tao ang hinuhuli ko, potek, binitiwan ko na jacket ko at tsaka tumakbo palabas, babawiin ko yang jacket ko soon, humanda ka sa akin, inubos mo oras ko.        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD