13- Bringin out the Plans

1403 Words
"Storm, what are you doing?" Pasigaw na pagbulong ni Rain habang pilit na inaalis ang kamay ni Storm mula sa hit anito ngunit dahil sa katigasan ng ulo ng binata ay hindi ito sumusunod sa sinasabi ni Rain sa kaniya. Unang pagpasok ng sasakyan sa labas ng mansion ng mga Dela Vega ay tinanggal din kaagad ni Storm ang paghawak kay Rain at kaagad na inayos ang polo nito at umasta na parang wala lang may nangyari. Sa agaran na pagbaba ng dalawa mula sa sasakyan, nakaabang lamang si Lolo Elmer sa labas ng mansion at may malaking ngiti ito sa mukha niya habang hinihintay niyang lumapit ang dalawa sa kaniya. Pagkarating nila Rain at ni Storm sa entrance ng mansion ay agad din nilang niyakap ang matanda, "I am glad you two are here again, pumasok na muna kayo sa loob kasi kailangan ko pang kausapin ang driver natin," ang sinabi naman ni Lolo Elmer, sumunod din kaagad ang personal bodyguard nito. "No, Lo. Just go inside mamaya na 'yan, ako nang bahalang kumausap mamaya kay Uncle Jov. Is Dustin here?" Saad naman ni Storm. Wala na ring may nagawa pa si Lolo Elmer at sumunod na lamang sa sinabi ng apo niya dahil labis din naman niya itong namiss. Pagpasok nila sa loob ng mansion ay dumiretso agad ang magpamilya sa kusina, si Rain naman ay kasama ni Storm na pumasok habang nakapulupot ang kamay nito sa baywang ng dalaga, alam ni Storm ang ginagawa niya ngunit hindi naman maiwasan ni Rain na kabahan lalong-lalo na kapag nariyan si Lolo Elmer at kaharap nila ito. Sa tuwing pupunta rin ng mansion ay hindi maiwasan ni Rain na hindi mag panic dahil sa pagpapaggap nila ulit ni Storm, marami ang tumatakbo ngayon sa isip ni Rain; lalo na ang magiging reaksyon ng pamilya niya kapag nalaman nilang kasal siya sa anak ng mga Dele Vega, mga bagay din na iniintindi niya ay ang trabaho niyang iyon na hindi niya alam kung sisimulan ba niya ito o hindi kaya tatapusin niya ba talaga ang project na binigay sa kaniya. Hindi rin alam ni Rain kung tam aba talaga ang ginagawa niya ngayon sa buhay niya, Maganda naman sa paningin na asawa siya ng isa sa pinakamayaman na tao sa buong bansa ngunit hindi niya alam kung magiging Maganda rin ito kahit na kasinungalingan lahat ang id niya sa mga ito. Habang tahimik lamang si Rain na kumakain ay doon din kaagad pumasok si Emily, "Kuya Storm!" Masayang pagbati ng bata kay Storm dahilan upang mapatigil naman ang binata sa kinakain nito. "Hi, Emily. Kamusta ka rito? Sorry ha I wasn't here yesterday, your kuya is busy e but tonight dito kami matutulog ng ate mo Rain so we could spend more time with you, pero may work pa naman ang kuya bukas kaya hindi kami magtatagal dito," ani Storm. Sa pag-usap ni Storm at ng kapatid nito, napunta naman ang paningin ni Emily kay Rain na nakangiti lang din sa kaniya, napakurot ang noo ni Emily pero mabilis din io nag iba ng mood at nginitian din si Rain, "Hello, this is really the first time na nag usap tayo, ate Rain. Dito ka rin ba matutulog mamaya?" patanong ni Emily kasabay nang paglapit nito kay Rain. Napangiti na lamang si Rain dahil hindi rin naman niya inasahan na lalapit ang bata sa kaniya. "Oo naman, dito ako matutulog kasama ang kuya mo Storm pero siguro hindi rin ako magtatagal dito kasi aalis din ako bukas para magtrabaho." "Well, if you want you can visit us here anytime you want para naman may kasama ako rito, si Lolo kasi eh laging tulog and busy din yung mga ate maids ko here so wala akong kalaro, I want you to visit here often since you are now my kuya's wife," napatawa na lamang si Lolo Elmer sa sinabi ng apo nito. "Emily's right, Rain. 'Wag kang mahiya na magbisita rito palagi, we are only ones here kaya masyadong lonely 'yung bahay. Sa future rin sana I am hoping na bigyan niyo kami ni Storm ng mga apo at kung marami eh mas maganda rin iyon," Storm came on halt after hearing what his grandfather have just said. "What do you mean, Lo? Busy pa ako sa work kaya wala akong time na mag alaga sa mga bata at besides, busy din sa work si Rain and if we give the job to the maids eh hindi 'ko yun gusto na lumaki yung mga bata na hindi ako ang nag aalaga. We will just... look kung pwede na pero sa ngayon 'wag na muna 'yan, Lo," saad naman ni Storm. "If that's what you want pero let's ask Rain kung gusto niya rin ng anak, you should see other's perspective too, Storm. Hindi mo alam, ayaw mo magkaanak pero gusto pal ani Rain, so from now on 'wag na 'wag mong kalimutan na nandiyan din si Rain ang asawa mo para magdesisyon and don't just jump into things na hindi kinakausp ang asawa mo about it." "Okay lang po, Lolo Elmer. Tama naman po si Storm, busy naman po kaming dalawa sa work kaya sigurado ako na hindi naming maaalagaan 'yung bata kapag mangyari 'yon, siguro sa future oo pero sa ngayon hindi pa talaga naming masisigurado lahat ng 'yan," mahinahong pagsabi ni Rain. Nagpatuloy ang dinner nila na nag uusap lamang sila Lolo Elmer at si Storm tungkol sa kompanya habang si Rain naman ay kausap lang din si Emily. Pagkatapos ng hapunan nila ay tumambay na lang muna sila Emily at si Rain sa kwarto ng bata habang sinasamahan naman ni Rain na maglaro ito. "When did you met my brother, ate Rain? I am really happy nga ngayon kasi matagal na yung pagsama niyo, it's a good sign nga eh." "What do you mean, Emily? Hindi ba mabuti ang kuya mo before?" "He's good, ate. Pero he doesn't like girls eh we really thought na he is gay since he doesn't entertain those girls around him pero now that you are here, I just home you take a goor care of our brother," saad naman ni Emily. Napangiti naman si Rain sa sinabi ni Emily sa kaniya dahil kahit maliit pa lamang ito ay naiintindihan na niya ang sitwasyon ng kuya niya pero mas nacurious ito sa dahilan kung bakit sa ganoong istados ni Storm sa buhay ay hindi ito nagkababae. "Matanong ko lang Emily, si kuya mo Storm, may naging ex na ba 'to, like seryosong karelasyon. Sorry kung natanong ko sayo ha, I just want to know more about your kuya Storm eh." "Don't worry ate Rain, if may need ka na malaman about kay kuya eh sa akin mo lang itanong since I know a lot about him pero tung iba nga lang eh hindi ko alam kung ano." Tanging napatawa na lamang ang nagawa ni Rain dahil sa kacutehan ni Emily, sa sitwasyon ngayon ay hindi naman mapigilan ni Rain na mapaisip tungkol sa project at reports niyang gagawin. "Anong pinag uusapan niyong dalawa, may I join in?" biglang sumulpot si Storm sa loob ng room na agad din naman ito nilapitan ni Emily. "Ate Rain and I were just talking about you, kuya since hindi ka masyadong loveable eh. May I know nga kung sino 'yung girl na nagkagusto sayo dati kuya?" Patanong ni Emily sa nakakatandang kapatid niyang ito. Dahil sa tanong ng bata ay agad din na napatingin si Storm kay Rain na tahimik lang din na nakaupo sa kama habang pinapanood siya nito. "All right since you've asked, sasabihin ko sa inyo ng ate mo Rain pero first mahiga ka muna sa kama, okay?" ani Storm. Ipinatong ni Storm ang kapatid nito sa kama niya at nandoon din naman si Rain upang tulungan ang binata na maipahiga si Emily sa kama nito. "That was before, nameet mo na siya pero I don't really know what happened to us kasi hindi ko naman siya kinilaa nang lubos," saad ni Storm. "And why is that, Kuya?" "I don't really know, is just that wala talaga akong gana na mag mahal, maiintindihan mo 'yan kapag malaki ka na, Emily." Ayaw sabihin ni Storm tungkol sa past niyang iyon lalong lalo na dahil may isang bagay ito na tinatago mula pagkabata niya na ayaw niyang malaman ng ibang tao lalo na ngayon na nandito na rin si Rain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD