bc

Ang Asawa Kong Bilyonaryo (R-18)

book_age18+
399
FOLLOW
2.0K
READ
billionaire
arranged marriage
CEO
comedy
sweet
bxg
city
secrets
virgin
wife
like
intro-logo
Blurb

Fake wife of a Billionaire?

Hindi alam ni Rain ang kaniyang mararamdaman pagkatapos humingi ng pabor ang kaniyang kaibigan para magpanggap bilang asawa ng isang poging bilyonaryo na masungit. Ngunit nang malaman nito na konektado sa kaniyang trabaho ang pakikipagkita sa lalaki, kaagad siyang pumayag.

Maraming mga desisyon at pagkakamali siyang nagawa ngunit huli na niya iyon nakita nang unti-unti niya makilala si Storm Dela Vega, CEO ng Landmayers Corporation na naging instant husband niya dahil sa isang kontrata. Maaayos pa kaya ni Rain ang kaniyang gulong ginawa? Mapapatawad pa kaya siya ni Storm kapag nalaman nito na gusto niyang sirain ang kanilang pamilya?

chap-preview
Free preview
1- Who’s That Handsome Guy?
NAPASINGHAL si Rain nang pumasok sa kanilang opisina ang temporary head writer ng kompanya. Isang linggo pa lang simula nang mamatay ang kanilang head writer kaya lahat sila ay hindi pa ganoon ka sanay sa pumalit dito. “Where are the articles to be published today!?” asik na pahayag nito sa lahat ng nasa loob. Tarantang napatayo si Rain habang bitbit ang isang maliit na flashdrive at kaagad na ibinigay ito sa lalaki. “Sir Allan, pasensiya na po at katatapos ko lang proofread at—” “No excuses!” Marahas na inagaw sa kaniya ng lalaki ang flashdrive sabay taas ng kanang kilay nito. “I really hate late submissions, stupid!” “Y-yes, Sir, sorry po ulit…” nakayukong tugon nit Rain sa kaniya. Nang makalabas na ang lalaki sa opisina nila, bumalik na siya sa kinauupuan nito at inayos ang kaniyang mga gamit upang makapaghanda na sa pag-out sa trabaho. Magtatatlong-taon na si Rain na nagtatrabaho bilang isang regular writer sa Doux Editorial, isang Media Publishing Company. Sa ilang taon niyang pagtratrabaho, ngayon lang siya nahirapan dahil sa kanilang bagong head writer na ubod ng ikli ang pasensiya at napakasungit rin ng ugali. Papasok na siya ng elevator nang mayroong humarang na lalaki sa kaniyang harapan. Napatingala ito at nagulat nang makita ang Promotions Manager ng kanilang kompanya. “S-sir Chris…” “Miss Rain Vergara, right?” “Y-yes po, Sir, ako nga po,” tugon nito. “Bakit ho?” Isang malaking karangalan para kay Rain ang mapansin ng isa sa may pinakamataas na posisyon sa kanilang kompaniya. “Do you have something to do today? Can you please stop by the office for I have something to show to you?” Walang ano-ano ay napatango na kaagad ito dahil nararamdaman niyang isa itong malaking good news. “Wala naman po, Sir! Sige po!” Pumasok na sila sa opisina ng manager at mayroon itong mga dokumento na iniabot kay Rain habang naka-upo ito tapat ng kaniyang desk. “I have found various recommendations from Miss Abby just right now, Miss Vergara. I found out that you are one of the excellent writers and I am now giving you the chance of being promoted.” “Po?” Hindi halos mag-sink in sa utak nito ang narinig tungkol sa promotion. Wala na kasing hinangad si Rain sa buhay kung hindi ang tumaas ang kaniyang posisyon sa trabaho upan lumaki ang sahod nito at mabilis na mabayaran ang utang ng kaniyang pamilya. “I said, I’m giving you the chance of being promoted into a head writer,” usal pa sa kaniya ng manager sabay bigay ng isang malaking family picture. “I want you to write an article about this family. All you need to do is to find proof that the youngest heir of the Dela Vega family is an illegitimate daughter.” Napamasid na si Rain sa litrato at maya-maya pa ay may namuo nang mga ngiti sa labi niya. “Easy job, Sir! How much time do I have left? Kailan po ang deadline nito?” “You have three months to accomplish everything, Miss Vergara!” Abot langit ang mga ngiti ni Rain habang naglalakad sa hallway palabas ng kanilang kompanya. Para sa kaniya, sisiw lang ang ibinigay na trabaho dahil eksperto na ito sa mga kuwento na kailangan nilang ilabas sa publiko araw-araw. “Rain! Rain!” Isang pamilyar na boses ang kaniyang narinig dahil para mapatigil ito sa paglalakad. Napadungaw na siya sa bandang highway at nagulat nang makita ang kaisa-isa nitong kaibigan. “Grace?” bulong nito at dali-daling lumapit sa sasakiyan ng kaibigan. “Finally, perfect ang timing ko!” “Ano’ng ginagawa mo rito?” pagtatakang tanong sa kaniya ni Rain. Ngumisi lang ang kaniyang kaibigan sabay hatak sa kaniya. “Just get in the car, don’t worry, nagpaalam na ako sa mom mo.” Pasado alas-singko y media ng hapon nang makarating sila Rain sa condo ni Grace. Walang siyang kaalam-alam sa trip ng kaniyang kaibigan pero sumunod na lang din ito. “Ano na naman ‘to, Grace, ha?” tanong ni Rain nang makapasok silang dalawa sa elevator ng condominium na pagmamay-ari rin nila Grace. “Let’s talk about that when we get inside, Rain, okay?” Napabuntong-hininga na lang si Rain dahil wala naman siyang magagawa sa pakana ng kaniyang kaibigan. Gulat na napasulyap si Rain sa tatlong tao na nasa tapat ng pinto ng condo ni Grace. Pamilyar ang mga mukha nito sa kaniya at maya-maya pa ay napagtanto niyang ito pala ang hair and make up stylist ng kaibigan nito. “Now tell me, ano’ng nangyayari?” giit na tanong ni Rain dito. “Uh, Rain, ano kasi, I have something to ask you sana…” pahayag ni Grace sa kaniya. “It’s actually a favor.” “Ano’ng klaseng favor ba ‘yan, Grace?” Wala pang hiniling si Grace na hindi tinupad ni Rain kaya naman mataas ang tiwala nito sa kaibigan. Napahinga muna nang malalim si Grace bago nagsalita. “I’ll get straight to the point, ganito kasi, dad wants me to attend a date and you know I’m allergic to any men. So, I’ll be asking you for a favor to disguise as me tapos makipagkita sa guy…” “Ano!?” Sa isip ni Rain, gagawin niya ang lahat ng hinihiling sa kaniya ni Grace maliban lang sa makipag-date sa mga lalaki. “Please! Ikaw lang talaga ang maaasahan ko rito, Rain. Sige na!” pamimilit sa kaniya ni Grace sabay dampot ng isang maliit na puting envelop galing sa designer bag nito. Tumayo nang wala sa oras si Rain sabay sulyap sa mga stylists ng kaibigan na nasa couch lang naka-upo. “Kaya pala ang dami mong kasama rito. Sorry, I will say no for now, Grace. Ang pangit-pangit ko pagkatapos—” “Here’s the guy!” Ipinakita na ni Grace ang litrato ng makaka-date nito kay Rain habang si Rain naman ay unti-unting nanlaki ang mga mata sabay kuha ng litrato sa kamay ng kaibigan. “Wait a second…isn’t this, sige, tinatanggap ko na ang offer mo!” “Oh my gosh! Really?!” “Yup,” nakangiting tugon sa kaniya ni Rain. Ang nasa litrato kasi na ibinigay sa kaniya ni Grace, ito rin ang isa sa anak ng mga Dela Vega na kailangan niyang kunan ng ebidensiya tungkol sa illegitimate child sa pamilya. Naisip ni Rain na sa pamamagitan ng date na iyon, mas mabilis nitong makukuha ang impormasyon para sa article at mapapabilis pa ang kaniyang promotion bilang head writer. “So, when is the date?” tanong niya sa kaibigan habang pinagmamasdan pa rin ang litrato ng lalaki. “The date is…tonight, Rain. Seven in the evening at the Chef’s Table.” Hindi makapaniwala si Rain na agaran pala itong favor na hinihingi sa kaniya ng kaibigan pero kailangan niyang mapalapit sa pamilya kaya kahit anong mangyayari ay gagawin pa rin niya ito. Tinulungan na si Rain ng mga stylists ni Grace sa kaniyang hair and make up. Para mas lalong kapani-paniwala, nilagyan nila si Rain ng hazel-brown na wavy wig at sobrang kapal na make up para na rin sa safety niya kung sakaling makita man ito ng ibang tao without a disguise. “That’s the perfect disguise, Rain!” pagpuri ni Grace pagkatapos makita ang final look ng kaibigan. Nahihiyang napatingin si Rain sa salamin habang suot-suot ang ilang libong dolyar na damit at sapatos. “Ready na ako, Grace.” “Thank you talaga, Rain, I awe you a lot. Basta ganito lang ang gawin mo, make a bad impression to make him rejected you, your job is done after that.” “Ako na ang bahala, Grace,” nakangiting pahayag sa kaniya ni Rain. Mahigit sampung-minuto ang byahe nila Rain at ni Grace bago ito makarating sa Chef’s Table. Tanging restaurant na nakatanggap ng dalawang Michelin Stars sa bansa. “You can do it, Rain!” usal sa kaniya ni Grace bago ito tuluyang makababa. Naglakad na ito papasok ng restaurant habang dala-dala ang VIP card na ibinigay sa kaniya ni Grace. Tumungo na rin kaagad si Rain sa lugar kung saan magaganap ang pagkikita nila ng lalaki habang kumakabog ang dibdib nito. “Kaya mo ‘to, Rain…para sa pamilya mo…” paulit-ulit niyang bulong sa sarili habang naglalakad. Tumigil ito sa paglalakad nang makarating siya sa isang silid na punong-puno ng mga pula at puting rosas na mayroong mga scented candles sa gilid. Tumambad sa kaniya ang isang napakatangkad at ubod ng poging lalaki habang pinagmamasdan nito ang paligid. Kahit na alam ni Rain na tanging sa mga fictional men lang siya nagkakagusto ay hindi niya maipagkakaila na ubod ng guwapo ang lalaking nasa harapan niya ngayon. “It’s nice to finally meet you, Miss Acquesta,” bati sa kaniya ng lalaking may sobrang lalim at husky na boses.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

His Obsession

read
104.8K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
31.2K
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
104.3K
bc

HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook