ABOT langit ang kaba na nararamdam ni Rain habang kumakain silang dalawa ng lalaki. Hindi pa niya naitatanong ang totoong pangalan nito at hindi rin niya alam kung ano ang sasabihin.
"You're not aware about my name, Miss Acquesta, are you?" tanong ng lalaki kay Rain habang sila ay kumakain.
Bahagya naman siyang napatigil sa pagkain sabay iling dito. "H-hindi po, Sir—I mean, n-no, I don't have any idea about your name."
Bigla niyang naalala na dapat pala intimidating ang kaniyang aura kapag kaharap na niya ang lalaki para makakuha ng impression. Pero naisip rin ni Rain na kapag tinanggap siya ng lalaki, mas mapapabilis ang pagkuha niya ng impormasyon tungkol sa kaniyang pamilya.
"I'm Storm Dela Vega, the current CEO of Landmayers Corporation and the eldest heir of the Dela Vega family. I graduated with a double degree in Harvard University four years ago," pakilala ng lalaki sabay inom ng wine elegantly. "How about you? Would you mind telling me about yourself?"
Dahil sa bilis ng mga pangyayari, hindi alam ni Rain kung paano niya itatawid ang date na ito ngayong gabi. Pero inisip niya na lang na magpakatotoo sa sarili kahit na nagpapanggap lang siya para hindi na ito mahirapan.
Tutal, hindi naman kilala ng lalaki ang kaniyang kaibigan na si Grace.
“Uh, first of all, mahilig po ako sa pusa at sa mga comedy movies,” tanging tugon ni Rain sa lalaki.
Hindi inakala ni Storm na ganoon ang isasagot ni Rain kaya naman ay aksidente itong napangiti sa dahilan na si Rain lang ang babaeng sumagot sa kaniya ng kakaiba sa lahat ng kaniyang mga naka-date.
Napahinga na lang nang malalim si Storm at bahagyang inayos ang kaniyang neck tie. “What about your status in life? Work? Achievements?”
“Alam mo Mr. Dela Vega, hindi naman kasi basehan ang estado mo sa buhay para makahanap ng boyfriend o asawa. Sabi nga nila, just be yourself and someone will love you the way you are,” paliwanag ni Rain sa kaniya.
Storm faintly smirked. “But you know what, Miss Acquesta, love is not enough in the business world. You need power, wealth, and fame in order to prosper and continue living the life you wanted.”
Hindi sumang-ayon si kaniya si Storm pero the guy started to think that the girl in front of him is different from the girls he dated.
“Wala ‘yang pera at power mo kapag ang asawa mo ay hindi ka naman suportado,” pangangatwiran ni Rain. “Ika nga nila, ang pinaka-importanteng desisyon mong gagawin sa buhay mo ay ang pagpili ng lifetime partner.”
Akala mo magpapatalo ako sa mga elitistang katulad mo?
Storm was astounded. Wala pang isang babae ang hindi sumang-ayon sa mga sinabi niya maliban kay Rain. Hindi niya na lang ito pinansin at ipinagpatuloy na ang kanilang pagkain hanggang sa matapos na ang mga ito.
Tumayo na si Rain at binitbit ang kaniyang bag sabay ngiti sa lalaki. “I guess we’re done here, Mr. Dela Vega. Hindi nagkakatugma ang mga prinsipyo natin sa buhay kaya alam mo naman siguro ang ibig sabihin niyan.”
Kahit na gustong mapalapit ni Rain sa pamilya nila Storm, hindi niya nagustuhan ang pagiging elitista ng lalaki. Maghahanap na lang siya ng ibang paraan keysa makasama ang lalaking magkalayo naman ang prinsipyo nila sa buhay.
“You know what, Miss Acquesta…” Bahagya na rin napatayo ang lalaki sabay abot ng kamay ni Rain. “I like you. Will you marry me?”
“Ano!?”
Tila umigting ang tainga ni Rain nang marinig ang mga katagang iyon. Dali-dali niyang itinaas ang kaniyang mga kamay at napa-iling. “Hindi pa ba klaro sa ‘yo ang lahat, Mr. Storm Dela Vega? We’re not the same. Iba ang paniniwala mo at iba rin naman ang sa akin.”
Storm didn’t flinch and sat on the chair. “I’ve been talking with various girls everyday, Miss Acquesta, and you were the only one to break that bland conversation. Don’t worry, I’ve got a plan. Do you mind hearing it?”
“A-ano’ng plan na ‘yan?”
“Pretend to be my wife for few months until I could convince my grandfather to stop bothering me in entering the fatherhood stage,” paliwanag sa kaniya ni Storm. “Don’t worry, since after that, we’ll never gonna see each other again. You’re not my type.”
Napataas ang kilay ni Rain habang pinag-iisipan kung papayag ba siya sa deal nilang dalawa ni Storm. “You’re not also my type, don’t worry.”
“I need your answer, Miss Acquesta, are you in?”
“Deal!”
Umalis na rin kaagad doon si Rain sa Chef’s Table para umuwi sa kanilang bahay. Pero bago iyon, dumaan muna ito sa isang public restroom para alisin ang kaniyang wig at make up.
Nakatira ang pamilya ni Rain sa squatter’s area dahil sa hirap ng buhay. Pagkatapos mabaon sa utang ang kaniyang ama dulot ng isang pyramiding scam, mas lalong humirap ang kanilang buhay. At ang tanging paraan ni Rain na makaahon, kailangan niyang ma-promote sa trabaho upang lumaki ang kaniyang sahod.
Sobrang hirap para kay Rain ang pinagdadaanan ng mga magulang niya ngayon. Mayroon kasi silang shoe shop dati pero dahil sa nangyari, napilitan itong magsara hanggang sa sahod na lang ni Rain ang kanilang maaasahan.
Pagod na nang makarating siya sa kanilang bahay kaya naman hindi na ito nakapagbihis ng kaniyang damit at nakatulog na lang. Naaawa na rin ang kaniyang mga magulang sa kaniya kaya kahit papaano ay nagbebenta na lang ito ng mga nagagawa nilang sapatos sa kanilang bahay.
“Ate? Ate?”
Iminulat ni Rain ang kaniyang mga maya nang maramdaman niya ang pagtawag ng kaniyang kapatid na si George. “Maya na, George, inaantok pa ako…”
“Nasa labas si Ate Grace, Ate.”
“Ha?!” Tarantang napabangon ng wala sa oras si Rain at napahinga nang malalim. “Sabihin mo sa kaniya na lalabas na ako.”
Tumungo na si Rain sa kanilang maliit na CR para maligo dahil nga hindi ito nakapagbihis kagabi bago matulog. Makalipas ang ilang minuto ay lumabas na rin ito at nadatnan niya si Grace na naka-upo sa kanilang kawayan na upuan.
“Ang aga mo naman,” aniya sa kaibigan sabay lapit sa ina nitong nagluluto. “Nay, ako na riyan.”
“Ako na rito, Rain. Kausapin mo na lang muna riyan ang kaibigan mo at kanina pa naghihintay sa ‘yo.”
Wala nang nagawa si Rain kung hindi ang umupo kasama ni Grace sa kanilang maliit na sala. “Bakit ka nandito, Grace?” tanong nito.
“I just can’t believe about what you texted last night. Was it really true? You made a deal with Storm Dela Vega?”
“Oo nga, hayaan mo ako na ang bahala, Grace,” tugon ni Rain sa kaniya. “Wala kang dapat ipag-alala.”
Grace raised her right brow and started smiling at her. “For what reason? Do you like him?” she teased.
“Hindi, ‘no! Alam mo namang isa lang ang gusto ko.”
“Ay oo nga pala, ang Mr. Dream Guy mo na sinasabi mong sumagip sa ‘yo noong mga bata pa kayo sa isang wildfire,” natatawang pahayag pa ni Grace sa kaniya sabay tingin sa braso nitong may burnt scar.
Pagkatapos mag-usap ng dalawa ay umalis na rin si Grace dahil marami pa itong trabaho. Wala nang nagawa ang kaniyang kaibigan sa naging desisyon ni Rain at hindi niya naman ito mapipigilan.
Day-off ngayon ni Rain sa trabaho kaya tumulong na lang siya sa paggawa ng sapatos ng kaniyang mga magulang buong maghapon.
“George, paabot nga ng rubber at ano’ng oras na,” ani Rain sa kapatid habang ginagawa ang base ng sapatos.
Pasado alas-singko na kasi ng hapon at kailangan pa niyang magluto para sa kanilang hapunan.
“Ito Ate,” sagot ng kapatid sabay sulyap sa cellphone ni Rain na tumutunog. “Ate, may tumatawag sa inyo.”
“Baka si Grace ‘yan. Pakiabot nga.”
Nang ibinigay ni George ang cellphone ni Rain sa kaniya ay nagtaka ito kung bakit may tumatawag unregistered number sa cellphone nito. Nagdadalawang isip si Rain kung sasagutin niya ang tawag pero naisip niya rin na baka importante ang tawag na iyon.
“Hello, this is Rai—”
“Miss Acquesta, I want you to meet me at the company tomorrow. I’ll be sending something to you, send me your location.”
“Teka—” Hindi na nakapagsalita si Rain dahil kaagad ding pinatay ang tawag. Pero hindi siya puwedeng magkamali, isa lang ang lalaking narinig niya na kay ganoong boses.
Paano niya nakuha ang cellphone number ko? Ano na naman ang pakana ng Storm Dela Vega na ‘yon?