3- The Rich Man’s Family

1426 Words
MAY TUMIGIL na isang itim na Rolls-Royce Boat Tail sa tapat ng isang napakalaking mansiyon sa Imperial Residences—lugar ng mga mayayaman at makapangyarihang tao sa bansa. Bumaba si Storm habang may dala-dalang pulang gift box sa kaniyang kamay at naglakad na papasok. "Good evening, Young Master!" bati sa kaniya ng mga butlers at maids nang makapasok ito sa kanilang bahay. "Good evening," malamig na tugon nito. Makikitang malamig at walang emosyon ang mukha ni Storm sa mga nakakasalamuha nito, ngunit sa kabila ng kaniyang walang-emosyong mukha, mayroon naman itong mabuting puso lalo na sa kaniyang kapatid na si Emily. "Kuya Storm!" Napasulyap si Storm sa kinaroroonan ng taong tumawag sa kaniya. Napangiti kaagad ito nang makita ang kapatid na naka-upo sa wheelchair habang kumakaway. "How are you, litte fella?" nakangiting tanong ni Storm sa kapatid. Nahulog si Emily sa hagdan noong ito ay limang taon pa lamang. Naapektuhan ang kaniyang dalawa paa dahilan para hindi na ito makalakad. Tanging kay Emily lang lumalambot si Storm at sa kapatid nitong lalaki. Kahit na sa ama nito ay malamig din ang kaniyang pakikitungo dulot ng pagkamatay ng kaniyang ina ilang taon na ang nakakalipas. "I'm fine, Kuya," sagot ng kaniyang kapatid sabay sulyap sa dala ng kaniyang kuya na box. "Did you get something for me, again?" “Of course, do you want to know what is it?” Napataas ng kamay si Emily nang wala sa oras dahil sa labis na galak. “Yes, Kuya! Open it please!” Itinapat na ni Storm ang pulang gift box sa harapan ni Emily para buksan ito. Marahan niyang inalis ang ribbon hanggang tumambad sa kanilang dalawa ang isang napaka-cute na cat stuffed toy. “Kuya, I love it! It’s so cute!” masayang wika ni Emily sabay kuha ng stuffed toy sa kaniyang kuya. “I’m glad you liked it, Emily.” “Spoiling the spoiled brat again, Bro?” Lumingon ang dalawa nang mayroong nagsalita galing sa likuran nila. Natawa na lang si Emily sabay taas ng kilay nito sa nagsalita. “You’re just jealous, Kuya Dustin. Kuya Storm loves me more than you.” Emily teased him. “And I’m warning you, stop calling me a spoiled brat. Thank you for this pala, Kuya Storm.” “You’re welcome, Emily,” tugon sa kaniya ni Storm. Nakababatang kapatid ni Storm si Dustin na kasalukuyan Vice President ng kompaniya. Kwela at makulit talaga ang ugali ni Dustin na kabaliktaran ng kaniyang kapatid kaya naman mas marami itong kaibigan at babaeng napa-iyak na. “Where’s dad, Dustin?” walang ganang tanong sa kaniya ni Storm. “He’s at his office right now and he told me not to disturb him.” Nilampasan lang siya ni Storm at naglakad na paalis. “That’s just his warning for you, Dust,” anito bago tuluyang umalis ng living room. Pumasok na si Storm sa loob ng opisina ng kaniyang ama para ito ay kausapin. Si Gabriel Dela Vega ang pangalan ng kaniyang ama na kasalukuyang Chairman ng Landmayers Corporation pagkatapos bumaba sa puwesto ang lolo ni Storm. “Dad, do you have a moment?” malamig na bungad ni Storm. Kung wala lang sana itong importanteng sasabihin sa ama ay dumiretso na sana ito sa kaniyang silid upang makapagpahinga na rin. Bahagyang nagulat ang kaniyang ama kaya ito ay napatigil kaagad sa kaniyang ginagawa. “Storm, ikaw pala. Of course, what do want to tell me?” Sa isip ng ama ni Storm ay nagagalak ito dahil minsan lang talaga siya pansinin ng kaniyang panganay na anak. “I have someone to marry. So, stop bugging me about it,” deritsong pahayag ni Storm sa ama. Ang kaniyang lolo at ama ang palaging pumipilit sa kaniya sa mga ganitong bahay. At ngayon na may nahanap na itong magpanggap bilang asawa niya, paniguradong titigil na ang mga ito. Hindi makapaniwala ang kaniyang ama kaya ito ay tumayo na sabay tapik ng balikat ni Storm. “That’s a good news, son. Who’s the lucky girl?” “I’ll bring her in tomorrow. Tell the old guy about it.” “What about Hilary? She’s been madly in love with you for years already and her family wants you to be their son-in-law. “You know how I feel about that girl, dad,” anito at tuluyan na ring umalis sa opisina ng kaniyang ama at pumunta na rin sa kaniyang kuwarto. Simula noong namatay ang ina ni Storm, hindi na muli itong ngumiti pa hanggang sa dumating si Emily na anak sa labas ng kaniyang ama pagkatapos nitong maipagamot dahil sa pagkahulog sa hagdan. Dahil doon, nanumbalik ang mga ngiti sa labi ni Storm at hindi man niya buong kadugo ang bata, nakikita niya ang kaniyang ina roon kahit na anak ito ng kaniyang ama sa ibang babae. Binuksan ni Storm ang maliit na cabinet sa gilid ng kaniyang kama. Inilabas niya mula roon ang isang lumang wood-box at kinuha ang dalawang kuwintas. Ang isa ay pagmamay-ari ng kaniyang ina habang ang isa naman ay galing sa babaeng una niyang minahal na kalaunan ay umalis din hanggang sa hindi na niya alam kung saan ito hahanapin. Dahil masyadong magulo ang buhay nila Storm noong bata pa ito, hindi siya nakakalabas sa kanilang mansiyon kaya hindi na niya nakilala ang babaeng palagi niyang nakikita sa labas ng kanilang bahay araw-araw nitong pinagmamasdan hanggang sa unti-unti na niya itong nagugustuhan. Napahinga na lang nang malalim si Storm habang pinagmamasdan ang mga kuwintas na iyon. “What a shame…” bulong nito sa sarili. The next morning, Storm woke up around five in the morning to prepare for work. Usually, nagpapahanda lang ito ng cereals o kaya naman ay isang piraso ng prutas, pero ngayon, he asked for a full-meal. “Bro, himala! Ilang taon din yata kitang hindi nakitang kumain ng rice sa breakfast,” pang-aasar ni Dustin kay Storm habang ito ay tahimik na kumakain. There was a deafening silence. Hindi pinansin ni Storm ang kapatid dahil abala ito sa pagbabasa ng balita sa kaniyang iPad. “Sungit. Ay Manang, gusto ko rin ng kinakain ni Bro, get me something like that,” saad ni Dustin sabay upo sa harapan ni Storm. “Dad told me that you have someone to marry already, Bro. Who’s the unlucky girl?” Doon lang napatigil si Storm sa pagkain at sinamaan ng tingin ang kapatid. “None of your business.” Tumayo na si Storm at nag-ayos at nilisan na rin ang dining area. “Bro, Hilary’s going home in few months!” pahabol na sigaw sa kaniya ng kapatid. Narinig iyon ni Storm ngunit hindi niya na lang ito pinansin at tuluyan nang umalis. Kahit na napakalamig ng pakikitungo ni Storm kay Dustin ay alam nitong mahal pa rin siya ng kaniyang kuya. Nang-aasar lang talaga ito para bumalik muli ang mga ngiti na matagal na niyang hindi nakita. Maaga pang umalis si Storm papunta sa kompaniya para ipagpatuloy ang kaniyang trabaho. Pero bago ang lahat, ipinatawag niya muna ang kaniyang sekretarya upang bumili ng magarbong dress para kay Rain. Alam niyang kontrata lang ang lahat sa kanilang relasyon ngayon ngunit hindi niya mapigilang isipin ang babae pagkatapos ng pagkikita nila. Sa kabilang dako, ibinigay ni Rain ang address ng kaibigang si Grace upang hindi ito mahuli at ipinadala na roon ni Storm ang biniling dress at sapatos para kay Rain. “Sir, you have a dinner meeting with the top—” “Cancel all my schedules starting right now, Gemma,” utos ni Storm sabay tayo galing sa kaniyang desk. “I have something important to do tonight.” “Yes, Sir!” Lumabas na si Storm sa kaniyang opisina para hintayin sa labas si Rain. Ipapakilala niya ngayon i Rain sa kaniyang pamilya bilang asawa nito upang wala na silang masabi. He will fake documents to testify and tell his family that they got married in secret. Storm went outside the company to wait for Rain. Lahat ng mga staff sa kompaniya ay nagulat dahil ngayon lang nila nakita ang kanilang boss na bumaba at maghintay sa labas. He has a short-temper at ilang minuto na siyang naghihintay pero hindi pa rin dumadating ang babae. He was about to leave when he saw someone talking to a security guard nearby. It was Rain. Nakita niyang tinulungan ni Rain ang isang security guard at ibinigay rito ang pagkaing bitbit ng babae. Unconsciously, hindi napansin ni Storm na bahagya na pala itong nakangiti habang patuloy na pinagmamasdan ang babae. “Stupid…” he whispered.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD