4- Meeting the Family

1453 Words
NAPATIGIL si Rain sa paglalakad nang makita si Storm na nakatayo sa tapat ng building ng Landmayers Corporation habang abala ito sa kaniyang cellphone. Maraming mga empleyado ng kompaniya ang nakatitig sa kaniya ngunit parang wala lang itong nakita. “Did you just wait for me?” pang-aasar na saad ni Rain sabay lapit na rin kay Storm. Storm halted, looking directly into Rain’s eyes while giving her a sturdy look. “I’m waiting for my coffee to arrive, Miss Acquesta. Don’t dream too much,” pagsisinungaling pa ni Storm. He might caught red-handed kapag inamin nitong hinintay niya talaga ang babae. It wasn’t that Storm is getting interested, it’s just, ayaw niya lang ng naghihintay nang matagal kaya siya na mismo ang bumaba sa building para salubungin ang babae. He definitely hates wasting his time. He can’t also let his pride get crumpled. When they got inside the building, halos lahat ng mga staff, mapababae man o lalaki, nakatingin sa kanilang dalawa ni Rain. Wearing sophisticated and elegant designer dress would make Rain definitely stand out among the rest. And the fact that they were aware that their boss isn’t fond of having girls at his side have made them jumped into a conclusion na espesyal ang babaeng kasama kanilang boss ngayon. Ngunit sa kabilang banda, nakapagdesisyon na si Rain. She risked so much for this pretentious act kaya naman, lulubusin na niya ito. Gagawin niya ang lahat para mapalapit kay Storm hanggang sa makuha niya ang kaniyang kailangan at makagawa ng article for the promotion. “Stop walking too close to me or they’ll think we’re a couple,” paalala ni Storm kay Rain habang naglalakad silang dalawa sa lobby. Hindi nagpatinag si Rain sa warning ni Storm at mas lalo pa itong lumapit sa lalaki. “Mas okay nga ‘yon, Storm. Mas lalong kapani-paniwala.” Storm didn’t say a word and continued walking. Nang makarating sila sa opisina ni Storm ay kaagad na pinatawag nito ang kaniyang sekretaryang si Winston, his cousin. “Sign the contract and we’ll proceed to the family dinner tonight,” utos ni Storm kay Rain habang sila ay naka-upo sa couch nito. Inumpisahan nang basahin ni Rain ang nasa loob ng kontrata. “Okay, sige, deal!” Tatlong buwan siyang magpapanggap bilang pekeng asawa ni Storm hanggang sa makumbinsi nito ang kaniyang ama at lolo na huwah nang ituloy ang pag-aasawa. Pagkatapos, Storm and Rain will break up at ipakita sa lahat ang kanilang annulment papers para matapos na ang pagpapanggap. Viola! Tapos ang problema. Ang tanging hindi alam ni Storm ay ang totoong intensiyon ni Rain sa kanilang pamilya. Pasado alas singko ng hapon, mayroong package at dumating sa opisina ni Storm. Iyon pala ay pina-order niya ang kaniyang sekretarya ng susuotin ni Rain pagkatapos makita ang suot ng dalaga. “Wear this, my family is a semi-conservative and my grandfather would definitely reject you when he sees what you’re wearing,” malamig na saad ni Storm sabay abot ng malaking box kay Rain. Hindi na lang nagreklamo si Rain dahil ang kaniyang suot ay above the knee dress. Isinuot na niya ang ibinigay ni Storm at marahang inayos lang ang kaniyang damit sabay alis na rin nila. Habang nasa byahe silang dalawa, panay ang pagdungaw ni Rain sa labas. Namamangha ito sa mga nalalaking bahay sa loob ng exclusive subdivision na ngayon lang niya nakita nang malapitan. “Storm,” tawag nito sabay sulyap kay Storm. “Magkano ba isang bahay sa subdivision na ‘to?” “Approximately, two million US dollars as the cheapest up to a hundred-million dollar villa,” deritsahang tugon ni Storm without even looking at her. Biglang nanlaki ang mga mata ni Rain dahil akala niya ay mga sampung milyong piso hanggang isang-daang milyon lang ang mga bahay. “Grabe, kahit mabuhay man siguro ako sa ilang multiverse, hindi ako makakatira sa ganito kalaking bahay,” aniya sabay titig sa lalaki. “Storm, magkano ba bahay n’yo?” “The most expensive house you can see in this area.” “Yabang! Grabe ang hangin! Kayo talaga may pinakamahal na bahay rito? Hindi ako naniniwala—” “Don’t ask me further questions if you think that I’m lying, Miss Acquesta,” pagputol ni Storm sa pagsasalita ni Rain sabay harap dito. “I could buy this entire land if I want to. We’re here, let’s move.” Tahimik na bumaba si Rain sa sasakyan nila Storm dahil paniguradong babarahin lang siya ng lalaki. Nang mapatingin ito sa harap ng mansiyon ng mga Dela Vega, bahagya itong napahawak sa kaniyang dibdib. “Grabe, sa laki ng bahay n’yo, daig n’yo pa ang palasyo ni Cinderella,” natatawang saad nito. Storm gave her a short grin. “Bro! You’re finally home!” bungad sa kanila ni Dustin at napatigil ito nang makita si Rain. “Whoa! Is she my sister-in-law?” “U-uh, h-hello—” Biglang kinaladkad ni Storm si Rain dahilan para hindi na ito nakasagot sa kapatid niya. Nakarating na sila sa napakalaking living room ng mansiyon at sinalubong ng hindi mabilang na butlers at maids. “Welcome home, Young Master! Good evening, Young Lady!” bati nila sa dalawang pumasok. Sa isip ni Rain, para siyang nasa isang fairytale land habang pinapalibutan ng mga butlers at maids na nakasuot ng kombinasiyon ng puti at itim na uniform. “The Master and your father are waiting in the dining area, Young Master,” saad pa ng isa sa mga maids nila. Hindi mawari ni Rain ang kaniyang nararamdaman. Maliban kasi sa isang mayaman at makapangyarihang pamilya ang haharapin nito, puro pa kasinungalingan ang dala niya. Maraming doubts si Rain sa ma pangyayari pero mas matimbang pa rin ang kaniyang hangarin na ma-promote sa kaniyang trabaho. Tumambad sa kanila ang ginto na long table habang mayroong mga naglalakihang mga chandeliers sa taas nito. Hindi lang typical na mayaman ang pamilya ng mga Dela Vega kung hindi sobrang yaman. Mukhang naiintindihan na ni Rain kung bakit gustong-gustong patumbahin ng kompaniyang pinagtatrabahuhan niya itong pamilya Dela Vega dahil sa labis na yaman nito. “Bonjour!” bati ng isang babaeng nasa mid-50’s na ang edad. “Good evening!” Kaagad na lumapit si Storm sa matandang nasa gitna at tumungo na rin sa ilang mga taong naka-upo sa mesa. Sumunod na rin ang kapatid ni Storm na si Dustin papunta sa dining area. Hindi alam ni Rain ang kaniyang gagawin kaya naman nanigas na lang ito sa kaniyang kinatatayuan. Nakagalaw lamang si Rain nang siyang marahang hinatak ni Storm at hinawakan sa beywang nito. “I would like you all to meet Grace Acquesta…my wife.” Everyone was astounded after hearing Storm’s announcement. Everyone in the room knows how the guy hates having a relationship and now, may asawa na ito? “Preposterous! I mean—I’m sorry, Grace, Hija,” saad ng babae at tumayo na ito. “I am Lumina, Storm’s aunt.” Rain was too stunned to speak. “H-hello po…” Ang nakangiti lamang sa kanilang lahat ay ang lolo ni Storm na naka-upo sa gitnang bahagi ng mesa. “Have a seat, Grace, apo,” anito. The two of them settled down and they started eating. Iba’t-ibang handa ang nasa mesa na gusto sanang lantakan ni Grace pero nahihiya na lang siya kapag nakikita ang mga kasama nito na sopistikada pa sa kay Queen Elizabeth kung kumain. “Storm, how come that you’ve never told us about your marriage with, Grace?” tanong sa kaniya ng kaniyang ama. Marahang napatingin si Storm kay Rain na halos hindi ito makasagot. Mabuti na lang dahil kaagad din naman itong napansin ni Rain at napatigil na ito sa pagkain sabay harap sa pamilya ni Storm. “Uh, s-si Storm po kasi ay gusto niya po ng privacy for the both of us. And actually, it was also my idea not to tell anyone until everything’s fine,” paliwanag ni Rain sa kanila. “That’s true, Hija. Let’s just celebrate the newly weds tonight!” usal pa ng lolo ni Storm sabay taas ng wine glass. “For the prosperity of Storm and Grace’s future family. Cheers!” “Cheers!” “So, Bro, kailan n’yo naman balak magkaroon ng panganay?” Dustin interrupted. “U-uh…” “Hello, Grandpa! Hello, Daddy!” There was sa small, cute voice echoed in the whole dining area and everyone gazed upon the small little girl on the wheelchair. Napatigil si Rain nang makita ang bata. It was Emily Dela Vega, the youngest heir of the Dela Vega family at iyon ang tanging kailangan ni Rain para matapos niya ang kaniyang trabaho at para ma-promote ito bilang head writer.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD