PAGKATAPOS nang pagkatapos ng kanilang hapunan ay dumiretso agad ang buong pamilya sa living room ng mansyon, kasama naman ni Rain ang auntie ni Storm na si Lumina sa salas habang hinihintay nilang matapos ang pag-uusap ni Storm kasama ang lolo't ama nito.
"Grace, I've known Storm for so long and I didn't even expect him that much to marry thia fast. I guess you're really such a lucky girl, so tell me, how about having grandkids after maybe... more months," bati naman ni Lumina na ikinagulat naman ni Rain.
Tiyak niyang mamimilit talaga ang pamilya ni Storm na bigyan sila ng apo ngunit hindi niya alam kung ano ang maisasagot dito dahil hindi naman talaga totoo na nagmamahalan sila para bigyan nila ng apo ang mga ito. Ang tanging nagawa na lamang ni Rain ay matawa.
She has to make sure that everything goes well today or else baka magsungit na naman si Storm sa kaniya.
Pagkatapos mag-usap ng mga mag-ama sa kabilang side ng room ay agad namang lumapit si Storm sa tabi ni Rain sabay nang pag-upo niya sa tabi nito sa sofa.
"What are y'all talking about?" He asked.
"Grace and I are just discussing about you two having grandkids sooner or later. Alam mo naman ang lolo mo noong nakaraan pa niya gusto magka-apo. You are the only one who could give him kasi naman si Dustin eh hindi naman yan nagsiseryoso sa mga babae niya," Aunt Lumina spoke.
"Don't worry about, Tita. We are having some adjustment sa relationship namin and besides I have some few things to fix sa company but maybe... soon," saad naman ni Storm dahilan upang mapatingin kaagad si Rain sa kaniya.
"I'm glad you have plans for it, Storm. But I have to know Grace more since she will be commiting a big relationship to this family," ang saad naman ng ama ni Storm, si Gabriel Dela Vega.
Ramdam ni Rain at makikita talaga niya sa aura ng pamilya ni Storm ang pagiging strikto at pagiging conservative ng mga ito kaya naman kailangan niya rin masigurado na tama ang kaniyang inaasta at mga kinikilos upang masigurado niyang magugustuhan siya ng pamilya ni Storm.
Ang Lolo naman ni Storm ay lumipat din sa kanila nang bahagya, “Now, let’s welcome Grace into this family with open arms and I hope this will expand more in the future, aren’t this the most precious thing we can have as of today? I am glad that Storm decided to settle down for the better,” ang sabi naman ni Lolo.
Ang tanging nagagawa na lamang ni Rain ay ang making sa pinag-uusapan nila at sinisiguradong may ngiti pa rin na naka dikit sa kaniyang mukha habang kaharap niya ang mga ito. Sa kalagitnaan naman ng kasiyahan sa salas ay biglaan naman naramdaman ni Rain ang dahan-dahang pag-hawak ni Storm sa kaniyang bewang. Agad napatingin ang dalaga sa lalaki at binigyan ito ng masamang pagtingin.
“Bitawan mo ‘ko,” bulong naman ni Rain sa kaniya. She tried to threaten the guy pero kahit ilang beses niyang pagsabihan ito ay hindi pa rin sumusunod ang lalaki sa kaniya.
“Uhm… excuse me po, sorry po sa abala pero saan po ako pwedeng magbanyo?” Pagpapaalam naman ni Rain sa kanilang lahat, napangiti naman ang lolo ni Storm sa ginawa ni Rain at agad na tumawag ng maid.
“Minnie, dalhin mo si Rain sa-“
“No, Lo. I’ll be the one to accompany her, she’s my wife and I also live in this house,” saad naman ni Storm. Napatawa na lang din ang pamilya niya sa kanila ni Rain.
Nagpapasalamat naman si Rain nang umalis bago siya kinaladkad papalayo ni Storm. Nang makaabot sila sa entrance ng banyo malapit sa kusina ay agad naman napabitaw si Rain at lumayo mula sa lalaki, “Bakit mo yun ginawa?” Nagpapanic na saad ni Rain.
“The what? Holding your waist? Isn’t that what married couples do? It should be like that and I don’t want any complains about it coming from you again,” Storm spoke.
“No, this is not good and yes we are married but everything of it is fa-“
Hindi naman napatapos ni Rain ang kaniyang sasabihin nang mabilisan naming tinakpan ni Storm ang kaniyang bibig, “What were you thinking? Baka may makarinig sayo rito, I don’t want to ruin everything I have been sorting out kaya please cooperate with me,” ani Storm. Napansin din naman kaagad ni Rain ang pagiging seryoso ni Storm kaya sumang-ayon na lang din naman ang dalaga rito.
“I’ll wait for you here,” biglaang nagsalita si Storm.
“Huh?”
“I thought you’re going to… sa banyo akala ko may gagawin ka ‘don like girl stuff.”
Mabilis naman nakuha ni Rain ang mga sinabi ni Storm ngunit hindi naman talaga siya pupunta ng banyo, ang laka niya sana kanina ay kumalma muna at mag-isip ng plano matapos siyang hawakan ni Storm sa bewang kanina. Alam niyang masama ang ginawa ni Storm ngunit dahil kailangan din naman nilang magpanggap sa harap ng pamilya ni Storm ay mas mabuti pang siya na lang din ang mag iinitiate na lumapit pa nang lubos kay Storm. Kailangan niya rin naman na kunin kaagad ang loob ni Storm upang sa pagdating ng panahon na magiging mas malapit at mas may tiwala si Storm sa kaniya ay magiging madali ang pag lapit niya sa pinakabatang anak ng mga Dela Vega.
Pagkatapos ng mga nangyari sa mansion ay agad din naman pinagpaalam ni Storm na aalis na sila ni Rain dahil may kailangan pa rin naman silang aayusin sa ngayon, ang totoo nyan ay kailangan talaga nilang pag-usapan ang sa pagpapanggap nila upang hindi sila mabuking nang mabilisan.
“Come back again soon, Grace. I want to spend some time with you too and probably to meet your family too,” saad naman ni Lolo at napangiting kinakabahan na lang din si Rain.
Kailangan talaga iyon masigurado ni Rain na gumana ang pinaplano ni Storm upang maitama rin niya at masisimulan na niyang maisulat ang article na pinapagawa sa kaniya.
Kasalukuyan naman sila ni Storm sa loob ng Rolls Royce nito, hindi rin alam ni Rain kung saan na naman siya dadalhin ng lalaki ngunit nang mapansin niya ang text ni Grace sa kaniya ay napakuha siya ng tingin kay Storm at agad na ibinalik ang mga mata sa screen ng cellphone niya.
“How’s everything? Nameet mo na ba yung family niya?” saad sa message ni Grace.
“Stop using your phone, I have some things to discuss with you,” ani Storm. Napatigil din naman kaagad si Rain sa paghawak sa cellphone nito.
“Alright, first thing today is that we should act more natural. What I mean is that we shouldn’t be awkward when it comes to skin ship especially when I hold your waist, it is part of the contract and you signed it so you don’t have the rights to complain,” saad ni Storm.
“Pero hindi naman natin kailangan na magdikit if wala ang family mo diba syempre kung nandyan lang sila pero hindi na natin kailangan mag panggap if hindi naman natin sila kaharap.”
“Still, we never know. Lolo might send someone to spy on us or kahit si Dad so we should be prepared sa kahit ano man. Let’s stop na, the second thing is dapat alam ko yung whereabouts mo. I want to know your schedule and everything you do pero hindi na rin kailangan pa yung mga personal informations mo, I will be giving you a new phone so that no one can trace you except for me, you got it?”
Hindi naman makapaniwala si Rain sa lahat ng mga sinasabi ni Storm sa kaniya.
“Grabe naman ‘to, mga mayayaman talaga. Pero teka ba’t mo naman ako itatrace, sabi mo hindi ka mag iinvade ng personal space ko, bakit ganon,” pag reklamo ni Rain.
“Don’t worry, it’s not all the time that I have to track you down. Gagawin ko lang naman yan to make sure you’re safe, hindi ko gusto na napapahawak ka so Lolo won’t think that I am an irresponsible husband to you.”
“Ay wow, plastic mo rin eh.”
Napapoker face na lang din si Storm sa sinabi ni Rain sa kaniya, “You’re right kasi we’re pretending lang din naman but remember this always, I have the rights to own you.”
Hindi rin naman masama ang mga deal ni Storm sa kaniya, tanggap din naman lahat ni Rain dahil wala rin naming may makakasama sa mga plano ni Storm sa plano niyang gumawa ng article, minsan ay nararamdaman niyang umaakyat ang guilt sa mga ugat niya ngunit kailangan din naman niyang gawin yun.”
“Last one, starting tonight sa condo ko tayo matutulog.”
“Huh?!”