6- Your Soup is the Best!

1112 Words
“Tonight, you and I together. We are going to live in my condo just near the city but if you want more space and a secluded area then we can move to my villa so that everything will turn naturally for the both of us. But I usually stay in my condo because no one knows I live there except for my friends,” Storm spoke. “Teka lang ha, biglaan naman yata ‘to pero kailangan ba talaga na tumira tayo sa iisang bahay? Kasi naman alam mo naman na… teka lang hindi ko talaga kayo ‘to, Storm. Ano ba yang mga plano mo hindi kita kaya,” napatawa na lang din si Storm sa nabanggit ni Rain sa kaniya. “This is final, I’ll bring you to the condo right now and if you have some few things to bring then I’ll have my men to carry it all out for you.” “Ay wait lang may pamilya akong uuwian-“ “Then let’s go there together, let me meet them.” “Ay sus ‘wag na pala, sige na nga sabay na lang tayo pumunta sa school- ay este sa condo mo.” Sa hinaharap na iyon ay agad naman na nagpadala ng mensahe si Rain sa pamilya niya na may kailangan pa siyang tatapusin sa trabaho kaya hindi siya makakauwi ngayong gabi ngunit ang totoo ay kailangan niya na pag-isipan kung paano niya ito sasabihin sa pamilya niya ang pinasukan niyang ganap sa buhay. Agad din ni Rain na pinaalam kay Grace ang mga balak ni Storm sa kanilang pinagkasunduan na kontrata. Sa dami ng mga sinabi ni Storm sa kaniya kanina ay ang tatlong rule lamang ang natatandaan ni Rain lalong-lalo na ang pagtira nilang dalawa sa condo ni Storm. Naging tahimik din naman ang kanilang byahe papuntang condo at nang makarating sila sa harap ng naglalakihang gusali ay napamangha naman kaagad si Rain sa kaniyang mga nakikita. Matatas na building ang nasa paligid na halata namang mga mayayaman ang mga nag-aari, mahigit ilang palapag ang gusali na pinasukan nila dalawang, mga nag gagandang kotse na nakapark sa parking lot at ilang mga tao na naglalakad sa paligid na makikita sa pananamit nila ang yaman nilang hawak. Nang makalabas sila ng sasakyan ay hindi naman nag aksaya ng oras si Storm at agad na kinuha ang kamay ni Rain upang ipulupot naman sa kaniyang kamay, nagulat din ang dalaga sa inasta ni Storm, “Make sure to stick your skin on me so that everyone in this building know you’re mine,” saad naman ni Storm. Ang dalawa ay nag simula nang maglakad papasok ng building. Ilang staff ay mabilis na napansin at nakilala si Storm ngunit dahil napagsabihan na silang ‘wag na ‘wag itong pag usapan ay binaniwala na lang din nila ito, ang ilan naman ay hindi maiwasan na panoorin ang gwapong si Storm lalo na dahil may kasama itong hindi kilalang babae. “Bilisan mo maglakad, sinasadya mo bang maglakad nang sobrang bakal. Hay nako naman eh ang haba-haba kaya ng paa mo,” ang ani naman ni Rain. “Let me be, and besides I don’t care. All I want is them to see who I am with para naman bukas, possible na this will be headline sa news,” mayabang na saad ni Storm. Pagdating naman nila ng unit ni Storm ay napagdesisyonan ni Rain na kapalan ang mukha at agad na dumiretso sa kusina upang magluto. “You cook? Never knew you could cook.” “Syempre ngayon lang tayo nagkakilala eh edi hindi mo alam na nagluluto pala ako. Actually, first time ko magluto sa bahay ng ibang tao kaya naman masyadong off ‘to pero kilala naman kita at safe ka naman na tao diba, maaaahan kita diba. Hindi ka naman siguro mamamatay tao diba,” batid ni Rain at sabay na kinuha ang cooking pan ni Storm na nasa ilalim ng sink. Nang humirap siya sa binate ay hindi naman niya inaasahan na wala na pala itong damit. “Bastos, ba’t wala kang damit dyan. Kalalaking tao tapos ganito,” pilit na pinigilan ni Rain ang pamumula at kaagad na tinapunan ng basahan si Storm. Napatawa na lamang din si Storm bago ito umalis ng kusina. “Admit it, I look sexy!” Sigaw ni Storm galing labas. “Ewan ko sayo, immature ka!” Nang makabalik si Storm ng kusina ay napansin din naman ng binate na walang niluluto si Rain at tanging cellphone niya lamang ang hawak nito, “Why aren’t you cooking?” Tanong ni Storm dito. “Napasok sa isip ko nab aka busog ka na kasi diba nag dinner tayo sa mansion niyo.” “Oh, is that so. All right, suit yourself,” pasungit na saad ni Storm at sabay na nilisan ang kusina. “Ba’t biglang nagsungit yun? Kasi hindi ako nagluto?” Lumipas ang gabi ng dalawa na hindi nagpapansinan dahil na lang din sa paglayo na inasta ni Storm sa dalaga. Ang nangyari ay hindi naman inaasahan ni Rain dahil ng gabing iyon ay may unan na at kumot sa labas ng pinto ng kwarto ni Storm. Sumunod na araw, nalipasan ng umagahan si Rain nang magising ito, napansin din niyang hindi pa nakakaalis si Storm dahil nasa coffee table pa rin naman ang suitcase nito na dinadala niya sa trabaho. Napatingin ang dalaga sa orasan at nakitang malapit nang magtanghalian kaya nagtaka ito kung bakit hindi pa nakakaalis si Storm. Bumangon kaagad si Rain mula sa pagkakahiga niya at dumiretso ng kusina, laging gulat niya dahil may nakahanda ng pagkain doon sa mesa na halatang kakaluto lamang dahil mainit init pa ito. "Niluto ba 'to ni Storm? Marunong siya magluto?" Tanong ni Storm sa kaniyang sarili. Tinikman din naman kaagad ni Rain ang sabaw ng sinigang na manok na niluto ni Storm. Nalalasagan ng dalaga ang lutong luto at sariwang pagkakaluto na ani mo'y lutong bahay talaga. "What are you doing?" Agad na napalayo si Rain sa mesa nang marinig niya ang boses ni Storm. "Ay sorry, Storm. Nacurious ako sa pagkain, ang sarap mo pala magluto eh noh, approve siya para sa akin sobrang sarap talaga." "Stop being so fake, nakalimutan ko lagyan ng asin yan." "Hoy, pero totoo ang sarap kaya. Kahit walang asin eh parang may lasa naman siya, anong nilagay mo?" "Just... some seasonings. Enought of this and start to eat it, I won't be staying here long since I still have some thing to do sa company," ani Storm. Iyon din naman na kaagad napansin ni Rain na naka casual suit na pala ang binata bago umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD