PARANG SUNDALO sa tuwid na nakaupo si Karina sa sofa na kinauupuan niya habang nasa harapan niya ang magulang ni ToV na nakatingin sa kaniya. May malawak na ngiti ang nakapaskil sa labi ng kuya nito habang nakatingin sa kaniya na bahagyang ikinakuyom ni Karina sa dalawang kamay niya sa kaba na napansin ni ToV na nakaupos sa tabi niya. “Stop staring at her, kinakabahan siya sa mga titig niyo.”suway na sita ni ToV sa mga magulang at kapatid niya na ikinangiti ng ina niya kay Karina. “Pasensya na hija, naiilang ka ba sa amin?”mabining tanong ng ina ni ToV na agad ikinailing ni Karina. “Hi-hindi po!”agad na sagot ni Karina na ikinangiti ni Zandro. “She’s lying, she’s tense right now, and her fist was closed because of nervousness.”ani na puna ni Zandro kay Karina na poker face na ikinaling

