SA HARAPAN ng firm ni ToV ay kababa lang nila ng kotse ni Karina at pinagbuksan niya ito ng pintuan, at dahil nasa firm sila ay magkasabay lang silang naglakad na parang normal na abogado at kliyente lang. Gusto man ipakilala ni ToV si Karina sa mg employee niya ay pinigilan niya ang kaniyang sarili dahil maaring makaabot kay Vernon ang relasyon nila ni Karina sakaling malaman ng ibang tao ang ugnayan nilang dalawa. Pagkasakay nila sa elevator ay sila lang dalawa kaya agad hinawakan ni ToV ang kamay ni Karina at hinalikan ang likuran ng kamay nito, na siya namang ikinangiti ni Karina. Mabilis lang silang nagbitaw ng kamay ng magbukas ang elevator at may mga nagsipasukan sa loob na binati si ToV na tinanguan lang nito. Marami-rami din ang kasama nilang pumasok sa elevator kaya ilang inche

