NASA BIYAHE na sina Karina at ToV para puntahan ang lunch date na ipinahanda ni ToV at walang kaalam-alam si Karina sa hinahanda niya na iniisip nito ay simple lang. Bago sila nagtungo sa korte para sa unang hearing nila ay naitawag na ni ToV ang pinapaayos niyang lunch date nilang dalawa, alam niyang magiging mabigat ang unang hearing nila lalo pa at alam niyang magiging kumplikado ang unang paghaharap nila ni Vernon para kay Karina kaya gusto niyang pagaanin ang kalooban ni Karina lalo pa at nasa plano niya ang lahat ng nangyari, lalo na ang pagtanggi ni Olga sa korte. *FLASHBACK* “Gusto ko si Vernon, siya lang ang lalaking pinagkatiwalaan ko ng sarili ko. Alam kong ginagamit niya lang ako, at ayoko ng ginagamit ako. Kung hindi ako madadawit sa kaso ni Vernon, makikipagtulungan ako. Ka

