MATAPOS ang ginawa ni ToV sa presinto at ang pagtawag niya kay Karina ay nasa way na siya papunta naman sa isang taong kakailanganin ni ToV sa hearing na mangyayari bukas. Huminga na siya ng tulong kay YoRi upang hanapin ang kailangan niya na ilang oras lang din ay naibigay na nito sa kaniya. Bagamat namimisteyusohan siya sa kaibigan, pagdating sa ganitong hanapan, masasabi niyang napapabilib siya ni YoRi. Noon pa man ay napapahanga na siya nito pagdating sa paghahanap sa mga bagay o tao na kailangan nila, sa lahat ng mga naging laban nila malaki ang naiambag ni YoRi sa samhan nila. Magdi-dilim na rin ng makarating si ToV sa lugar na binigay ni YoRi sa kaniya, agad niyang itinigil ang kotse niya sa tapat ng isang beer house kung saan niya makikita ang taong kailangan niya. Lumabas na siya

