“I knew it, sabi na dito ko makikita ang grupong hinahanap ko eh. Tagal ko kayong hinanap dito lang pala ang tambayan niyo. Pwede pa bang sumali sa grupo niyo? Blue Percy Ynarez nga pala, ready to be part of Phantom Dx Gang!”malawak na ngiting pahayag nito na mga nakakunot ng noo at salubong ang kilay nina Paxton na nakatangin sa hindi nila kilalang lalaki na basta-basta pumasok sa hide-out nila. Malawak ang binibigay na ngiti ni Blue na naka headphone na nakasukbit sa leeg nito habang sina Paxton ay hindi inasahan ang biglang pagpasok nito at gustong maging parte ng Phantom Dx Gang. Hindi nila alam kung paano nito nalaman ang hide out nila o paano nito nalaman ang tungkol sa grupo nila na hindi naman masyadong kilala pa sa labas ng underground Society. “Mukhang nagkamali ka yata ng pina

