“If this is your way to save your fvcking self, then so be it. I will try to fvcking live and win this just to come closer with you, Vernon Hayes, and make your life living in hell.” Ibinaling na ni ToV ang kaniyang walang emosyong tingin kay Caius na ramdam niya ang kakaibang presensya nito tulad ng una nila itong makita, mapanganib. Huminga siya ng malalim at inihanda ang kaniyang sarili sa anumang maaring pag-sugod na gawin ni Caius na hindi niya ma-predict kung susugod ba ito sa kaniya o kailangan niya itong unahan. Naalala ni ToV kung paanong muntik nang makalaban ni Lu ang isa sa mga kasamang cartier nito na si Killdren pero hinarangan lang ni YoRi, natatandaan din niya na nasabi ni YoRi noon kay Lu na maaring mamatay ito sa magiging laban nila kaya naglalaro sa isipan ni ToV sa mga

