MATAPOS ANG MATANGUMPAY na hearing na ginawa ni ToV upang mapatunayan sa korte ang pagiging inosente ni Mrs. Quintinn na nagawa naman nya ay matapos magpasalamat ang ginang sa tulong ni ToV, upang malinis ang sarili nito sa pagkakapatay ng asawa nito, ay nagpasya sina ToV na i-celebrate nila ang kanilang pagkapanalo, kaya deretso silang nagtungo sa isang restaurant kasama si Karina at ang rookie na abogado na kasama nila. Sa isang expensive restaurant ang pinili ni Kaiser na makakainan nila at wala namang nagawa si ToV dahil kasama naman nito si Karina. “Pakabusog tayo ngayong araw, at dahil nagpakitang gilas na naman si atty. Valenzuela sa korte, mukhang treat mo ‘to ah.”ngising ani ni Kaiser ng makapwesto na sila sa isa sa mga cabin ng Japanese cuisine restaurant, na ikinapoker face na

