MATAPOS ANG ILANG araw na dumaan kina ToV at Karina ay dumating na muli ang araw ng ikalawang hearing ng annulment case ni Karina. Abo’t-abot na kaba ang nararamdaman ni Karina sa mga oras na ‘yun, hindi niya alam kung anong gagawin niya lalo pa at sa mga lumipas na araw simula ng kunin ni Vernon si Paolo bilang panakot sa kaniya, ay wala siyang naging balita sa kalagayan ng kaniyang kaibigan. Nag-aalala na siya para kay Paolo pero hindi niya magawang sabihin kina Therice ang nangyari dahil ayaw niyang mag-aalala ang mga ito. Mas lalo pa siyang kinakabahan sa gagawin niya para lang maligtas si Paolo, alam niyang ikakagulat ‘yun ng lahat pero walang ibang nasa isip si Karina kundi mabawi si Paolo sa kamay ni Vernon kaya gagawin nito ang gusto nito, kahit alam niyang maapektuhan ang pagka a

