PAGKARATING na pagkarating ni ToV sa Underground Society ay agad niyang ideneretso ang kaniyang sasakyan patungo sa eastbound, kung nasaan ang kailangan niyang tao na magpapalinaw sa lahat ng gumugulo sa isipan niya dahil sa lahat ng nalaman niya. Nang makarating na siya sa gate ng eastbound ay agad siyang bumaba sa kotse niya at naglakad papunta sa gate ng may dalawang nagbabantay sa gate ang humarang sa kaniya. “You’re not an easternian.”sambit ng isa sa nagbabantay sa gate na seryosong ikinatitig n ToV sa mga ito. “Dalhin niyo ako sa emperor niyo, kailangan ko siyang makausap.”pahayag ni ToV na sabay ikinalingon ng dalawang bantay sa isa’t-isa bago binalik ang tingin kay ToV. “Hindi makakapasok ang sinuman na hindi taga eastbound, makakapasok ka lang kung may pahintulot ka ni emperor

