AGAD NA IPINARADA ni ToV ang kaniyang kotse sa tapat ng bahay ni Taz at bumaba na roon upang makausap ang kanilang lider, wala siyang pasabi dito na darating siya pero alam niyang haharapin siya nito. Malakas ang kutob ni ToV na may kilala si Taz sa doctor na humawak sa kalagayan ng ama ni Karina dahil alam niyang kilala ito ni Mount kaya alam niyang kilala din ito ni Taz. Agad na naglakad si ToV papunta sa pintuan ng bahay ni Taz at nagdoorbell doon, miya-miya pa ay nagbukas na ang pintuan at si Gail ang tumambad sa harapan ni ToV na bahagyang nagulat ng makita siya. “ToV?” “Hello Gail! Alam kong nagulat ka sa pagpunta ko dito, gusto ko lang makausap si boss Taz.”ngiting ani ni ToV kay Gail. “Pasok ka.”aya nito na ikinapasok na ni ToV sa loob. “May usapan ba kayo ng Phantoms na magk

