MAAGANG nagtungo sina ToV sa ospital na pinagdalhan noon ni Vernon sa ama ni Karina, dahil sa iniwang pahayag na may katanungan ni YoRi sa kanilang dalawa, at para malaman ang totoong nangyari sa ama ni Karina ay pinuntahan na nila ang ospital upang makakuha ng pwede nilang malaman sa nangyari. Nang makarating sila sa ospital ay agad silang nagtungo sa information desk upang magtanong, dahil aaminin ni Karina na wala siyang alam sa mga nangyari sa kaniyang ama sa ospital dahil ibinalita nalang sa kaniya ni Vernon na patay na ito, kaya hindi niya maiwasang isipin na may kinalaman ito sa nangyari. “Excuse me.”bati ni ToV sa isag nurse staff na naka assign sa information desk na bahagyang napatulala kay ToV na napansin ni Karina. “Pwede ba akong magtanong, if that’s okay?”tanong ni ToV sa

