MATAPOS ang buong araw na pag-celebrate nina ToV sa kaarawan ni Paxton ay inabot na sila ng dilim sap ag-uwi nila kaya nagderetso sila sa bahay ni Taz para doon mag overnight ang kanilang mga asawa at anak, at upang mapag-usapan ang problema ni ToV regarding sa ginawa ni Vernon upang takutin si Karina at paurungin sa annulment case nito. Sa malawak na garden nagka-ayaan sina Paxton na gawin ang pag-uusap nila, si Travis na ang kumuha ng ilang inumin sa ref nila Taz na natatawang tinanggap nalang nito ang mga mura ni Taz. Nagkaniya-kaniya na din sila ng upo, at hindi na ipinasama ni ToV si Karina sa mapag-uusapan nila dahil alam niyang napagod din ‘yun sa biyahe. “Ignacio, cheer up, makikipag-usap ka ba sa amin na mula pagdating natin sa baler hanggang pag-uwi ngayon ay nakasambakol ‘yan

