MALAKAS NA SIGAW ang pumuno sa buong bahay na pagmamay-ari ng ama ni Karina, habang naririnig din ang pagkakabasag ng mga vase na meron sa sala dahil sag alit na nararamdaman ni Vernon dahil sa nangyari sa Korte. Alam niyang papanigan na ng korte ang claim ni Karina kaya makukuha na nito ang annulment sa kasal nilang dalawa. Hindi niya matanggap na naisahan siya ni ToV, hindi niya lubos maisip na makakalusot ang dalawa matapos niyang malaman na may ugnayan ang dalawa dahilan ng mas lalong galit na nararamdaman ni Vernon. “Damn it! Ahhhhh! Akin lang dapat si Karina! Ako lang dapat ang nagmamay-ari sa kaniya?!”gigil na galit na pahayag ni Vernon ikinadampot niya sa isang mini vase na nasa center table at malakas itong binato sa may T.V dahilan ng pagkabasag at pagkasira nito. “Ginawa ko la

