MY DEVIL BROTHER
"MY DEVIL BROTHER"
lumikha:carmeladawnpineda
Read at your own risk *^^*medyo spg po ito..pkibasa din po ang iba ko pang ongoing series, thanks.
please do votes and comments*^^*
thanks..
ulit*^^*
Prolouge
Nakatulala lang ako ngayon dito sa kuwarto ko habang hinihintay dumating ang mga taong kukupkop sa akin ..
hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na sa edad kong sampung taon ay wala na akong mga magulang ..na sa murang edad ko ay purong sakit na ang nararamdaman ko dahil sa pangulila sa mga mahal ko sa buhay..na sana ay hindi nararamdaman ng isang batang katulad ko .na sa halip na naglalaro ako kasama ng mga batang kaedad ko ay eto ako at mag isa habang nagmukmok at nagdadalamhati..
nabalik lang ako sa sarili ko ng marinig ko na ang katok sa pintuan ng kwarto ko at ang boses ng yaya ko ..
"tok!"
"tok!"
"tok!"
"missy labas ka na dyan at nandito na ang susundo sayo!!"
"missy iha!ok ka lang ba dyan ???"
wika ng yaya ko..bakas din ang pag aalala sa boses nito ..
"ok lang po ako ya wait lang po at lalabas na rin po ako.."magalang ko namang sagot , na dati ay hindi ko ginagawa sa kanya dahil sa pagkamaldita ko..
"o sige hintayin ka na lang namin sa labas..."
ng makaalis na si yaya saka biglang nangilid ang mga luha sa mata ko.. lumuluha kong tiningnan ang buong kuwarto ko at ang masayang larawan ng mga magulang ko ..
sobrang mamimiss ko kasi ito lalo na at hindi ko alam kung makakabalik pa ba ako rito ..
"Daddy mommy aalis na po ako ingat kayo dyan ah. sana mabait po yung kaibigan nyo na kukupkop sa akin mahal na mahal ko po kayo huwag po kayo mag alala magiging good girl na po akowika ko habang umiiyak
matapos kong ayusin ang sarili ko,nag paalam na ako sa kanilang larawan .bumaba na rin ako at nakita ko ang mag asawa na mataman na nakatitig sa akin .parehas silang nakangiti na tila sinasabi ng mga ngiti na yun na magiging maayos din ang lahat.ng malapit na ako sa kanila , bigla na lang akong niyakap ng babae ng sobrang higpit ..
"hello missy ^^,ako nga pala si mommy bel at ito naman ang daddy mo si daddy lex,kami na ang bago mong mga magulang at tsaka magkakaroon ka na din ng kuya si kuya drake mo, mamaya pagdating natin sa bahay , ipapakilala kita sa kanya ,ok^^,"masayang wika ng babaeng kukupkop sa akin.kitang kita ko ang sinseridad sa mga ngiting iyon na nakapagpagaan ng nararamdaman ko.
"ok po..."pilit ang ngiting sagot ko dito.
pagkatapos namin mag usap usap nagpaalam na rin ako sa yaya ko .hindi kasi siya pwedeng sumama kasi uuwi na din sya sa kanila...
"alis na po kami ya ingat po kayo !mamimiss ko po kayo!"wika ko bago ko niyakap ito ng mahigpit nakita ko pa nga ang pagtulo ng luha nito na agad din naman nitong pinunasan..
*****
nandito na kami ngayon sa bahay ng bago kong mga magulang. napakalaki ng bahay nila mas malaki pa sa bahay namin ..
o mas tamang sabihin na mas hamak ang laki ng bahay na ito kesa sa bahay namin pagtatluhin ata yun ,ganun kalaki ang bahay nila
"missy halika na sa loob !baka narito na kuya mo ipapakilala na kita..tuloy para makakain na din tayo ng hapunan at panigurado ko gutom na gutom kanamalambing na sabi nito sa akin..
"ok po"pagpasok namin sa loob ng bahay ay na pa wow na lang ako sa super ganda ng loob ng bahay nila ..lahat ng gamit mamahalin siguro super yaman nila talaga...
"narito na ba si drake manang!?"tanong ng bago kong mommy sa kanilang kasambahay
"opo madam! tawagin ko na lang po para makakain na din kayo ng hapunan!"magalang naman na sagot nito
pagkatawag ni manang sa magiging kuya ko daw .... mayamaya lang ay nakarinig na ako ng mga yabag pababa sa hagdan kung kaya agad akong napatingin duon .para lang mamangha sa lalaking pababa . napakaguwapo kasi nito super , matangkad din siya kaso nakakatakot ang awrang bumabalot dito na para bang hindi gagawa ng mabuti...
.~pagkataas niya ng mukha bigla na lang niya akong tiningnan ng matiim . nakakunot din ang noo nito pagkakita sa akin.. kinikilala siguro nya ako dahil first time ko lang na narito.napayuko na lang ako ng aking ulo dahil sa pagkailang sa lalaking anak ng aampon sa akin..
"mom dad " bati nito sa mga magulang sabay halik nito sa pisngi ng mga ito. tapos sabay tingin sa akin ng masama .
"sino siya mom dad? anong ginagawa niya sa bahay natin???"malamig at walang emosyong tanong nito sa mga magulang nya
"sya si missy montecillo anak ang bago mong kapatid! missy ito naman si drake ang bago mong kuya !"^^,nakangiting pakilala nito sa amin..
"hi k_kuya nice meeting you "pilit ang ngiting wika ko dito ,sabay abot ko ng aking kamay .pero tiningnan niya lamang ito .
pagkatapos ay lumapit sa akin. ang sama ng tingin niya na para bang sinasabi sa mga titig nito na hindi ako karapatdapat na maging parte ng pamilya nila
nung makalapit na ito sa akin ay nagulat pa ako nung hinalikan ako nito sa aking pisngi sabay bulong ng
"Welcome too, hell little sis."sabay layo nya na sa akin. pag kataas ko ng aking mukha ay nakangiti na siya na para bang walang nangyari..
"Hello, little sis. Nice meeting you too!" madiin na sambit nito sa akin at halos kilabutan ako sa pinaghalo halong kaba at takot sa mga sinabi nya ..
napatulala na lang ako sa sobrang kaba at takot sa lalaking kaharap ko ngayon kung hindi pa nagsalita ang mommy nito ay hindi pa ako mababalik sa aking sarili..
"halika na missy at kakain na tayo ng dinner. mukhang magkakasundo kayong magkuya ah.!"bakas ang tuwang wika ng bago kong magulang sa amin..
"o-0o nga po mommy "sabi ko na lang sa sobrang kaba ko kahit kabaligtaran nun yung totoo.