Van Lexus Limang taon na ang nakakaraan ngunit parang kahapon lamang dahil hanggang ngayon ay dala pa rin niya ang masakit na nakaraan na siya mismo ang may gawa. Masakit pa rin hanggang ngayon dahil araw-araw ay ang sarili niya ang sinisisi niya kung bakit siya nagdudusa ngayon. Nakasakay siya kay " Blanco" ang paborito niyang alagang kabayo. Kasalukuyan silang umiikot sa napakalaking lupain ng kan'yang ama na may tanim na mga niyog. Its almost forty hectares land that was planted with coconut trees at every six months ay naghaharvest sila at nangongopra ng mga niyog.Millones rin ang kinikita nila mula rito At ang kalahating kita ay dinedeposito niya sa bangko na parte ng kanyang ama. Samantala ang kalahati ng kita naman ay sa kan'ya. Limang taon na niyang pinapatakbo ang kanilang

