VAN LEXUS Kanina pa siya nag-aabang sa boarding area ng airport at umaasang makikita niya si Michaela. Mahigit isang oras na siyang nakaabang ngunit ni anino ni Ela ay hindi pa niya nakikita.Napakasakit ng kan'yang puso sa sandaling 'yon noong sinabi ni Adrian na ngayong araw pala ang alis ni Ela. Nakita pa niya ito kanina sa mansion ngunit pinalayas lamang siya ng dating asawa at ng mga magulang niya. Hindi naman sinabi ni Adrian ang eksaktong oras sa kan' ya pero maghihintay pa rin siya. Hihingi siya ng tawad sa dating asawa, susubukan niyang muli.Alam niyang mahirap ang nais niya ngunit nagbabalasakali pa rin siya. Sana sa pag-alis nito ay nagkapatawaran na silang dalawa. Mahal niya ang kan'yang dating asawa at puntong ito tatanggapin na niyang hindi na siya karapat dapat kay Ela.

