VAN Ilang minuto na siyang tulala sa loob ng kan'yang kotse. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman sa oras na ito. Selos? Pighati? Awa sa sarili? Hindi niya alam basta't ang alam niya ay kusang umaagos ang mga luha sa kan'yang mga mata nang makita kanina ang dating asawa na may kahalikang iba. Hinampas niya ng makailang ulit ang manibela ng kan'yang sasakyan. Ito na ba ang karma niya? Ito na ba ang kabayaran sa lahat ng sakit na ginawa niya? Ganito rin ba dati ang nararamdaman ni Ela o mas matindi pa? Parang pinapatay siya, parang dinudurog ang puso niya nang makitang may ibang kahalikan si Ela. He imagine their wedding day, their first couple kiss infront of the altar. Dumiretso na siya sa Mall and supervised the last retouched of his grill house and boutique. Bukas ay first day nil

