Nang lumabas siya sa kan'yang kwarto ay agad na lumapit si Julie sa kan'ya at may dala-dala itong isang basket na puno ng iba't ibang klase ng mga prutas. "Ma'am may nagpapabigay po." anito habang iniaabot sa kan'ya ang basket ng mga prutas. "Sino ang nagbigay?" "Naku lalake raw po. Iniwan lang din sa crew." sagot nito. "Ah siguro si Brent." wika niya at dinala na ang basket sa loob ng kwarto niya. Tamang tama at mag-aalmusal pa lamang siya, maraming prutas lamang ang kakainin niya sa umagang ito. Pasurpresa pa talaga itong si Brent Lever. Napapangiti na lamang siya sa lalake ng iyon. Tila nababagod siya sa araw na ito at napag-isip niyang mamasyal na muna sa Mall para bumili ng kahit iilang pares lamang ng damit. Medyo lumalaki na kasi siya at nagsisimula nang maging obvious ang tiy

