CHAPTER FIFTEEN

2139 Words
"Aling Mely, nakita ninyo ba iyong—" napangiti siya nang makita ang album na nakapatong sa ibabaw ng cabinet. "Hindi na po, nakita ko na." nakangiting iniwan niya ang iiling-iling na matanda. Si Aling Mely ang kasama niya ngayon sa bahay. Napatingin siya sa di-katandaang ginang. Mabait ito, maalalahanin, at higit sa lahat ay madaldal—just the right one she wanted to spend her boring life with. After running away from Cheska's wedding, hindi na siya nagpakita sa lahat—to her parents, friends, and Yvo. Wala na siyang komunikasyon sa mga ito. She miserably sighed. Hinaplos niya ang hawak na photo album. Sa pictures na lang niya nakikita ang mga taong nami-miss niya. Pagkunwa'y nalipat ang kamay niya sa kanyang maumbok na tiyan. Isang mapait na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. She was pregnant. Kung kelan tinakasan niya ang lahat. Kung kelan napag-isip isip niyang itama na ang lahat, tsaka naman siya nawalan ng kakayahang gawin iyon. And because of what's happened to her, hindi na niya magawang magpakita man lang sa kanyang mga magulang. Paano siyang matatanggap ng mga ito kapag nalaman nila ang kalagayan niya? Tiyak na ikahihiya lang siya o mas masama pa ay itakwil siya. Mas mabuti na iyong siya na mismo ang umiwas. Mas lalong hindi na siya magpapakita kay Yvo. Ayaw na niyang masaktan, ayaw na niyang maging panakip butas lang. Isa pa, sigurado rin naman siyang lalayuan na siya nito matapos ang gabing namagitan sa kanila. Nakuha na nito ang gusto nito sa kanya, diba? She wiped away her tears. Hanggang kelan kaya siya magluluksa sa pagkabigo niya kay Yvo? Akala niya ay magiging madali lang ang lahat. But how can she forget about him, kung nasa sinapupunan niya ang patunay na naging bahagi ito ng buhay niya? Hinaplos niya ang maumbok na tiyan at niyuko iyon. "Baby, pasensya ka na kay mommy ha? Iyakin ano? Ang daddy mo kasi e." pinigil niya ang sariling ipagpatuloy ang pagsasalita. As much as possible, she didn't want to say bad things about Yvo when she's talking to her child. "Pero don't worry, malapit ng maka-get over si mommy. You'll see, magiging masaya tayo. Kahit na tayong dalawa lang." Napangiti siya ng maramdaman ang mahinang pagpitik sa tiyan niya. She was 7 months pregnant. At pitong buwan na rin siyang nagtatago. Nagpasya siyang tumayo at puntahan si Aling Mely. Siguro ay tapos na itong magluto ng pananghalian nila. "Ah...hija, nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap. May bisita ka sa labas." bungad nito sa kanya ng masalubong niya ito papabalik. "Sino ho?" kunot-noong untag niya. Wala naman siyang inaasahang bisita. "Ayaw magpakilala e. Gusto ka lang daw makausap." Kinakabahang napahawak siya sa tiyan. Hindi naman siguro siya natunton ng mga magulang? Napailing siya. Hindi siya haharapin ng mga ito lalo na kapag nalaman nila ang kalagayan niya. Imposible ring si Lexus iyon dahil kagagaling lang nito doon noong nakaraang araw. Tanging ito lang ang may alam ng tunay na kalagayan niya. Sino nga kaya ang naghahanap sa kanya? Mabilis niyang ipinilig ang ulo sa naisip. Bakit siya umaasang si Yvo ang nag-aantay sa kanya? She's really crazy. Feeling naman niya ay hahanapin pa siya nito. Malamang ay masaya ito sa pagkawala niya. Alam na nitong hindi siya buntis, nasabi niya iyon bago pa man may mangyari sa kanila. He's guilt free now. Lulugo-lugong tinungo niya ang sala, kung saan, ayon kay Aling Mely ay nag-aantay ang kanyang bisita. At tila napako sa lupa ang mga paa niya nang mapagsino ang bisitang nag-aabang sa kanya. Wala sa loob na napaatras siya matapos mapasinghap. "L-lira..." bulalas ng lalaking hindi itinago ang panlalaki ng mata ng makita siya—lalo na ang kanyang maumbok na tiyan. "W-what are you doing here?" she asked in a firm tone, trying to calm her rapid heartbeating. Wala na rin naman siyang pagkakataon para tumakas, kaya minabuti na lang niyang harapin ito. Naupo siya sa silya sa harap nito. "Have a seat, Rico." Napatitig siya sa gwapong mukha nito. He sure looked more handsome, siguro ay dahil mas masaya na ito ngayon. Dahil ba kasama na nito si Vivian at malaya na ito sa kanya? Kinapa niya ang sariling dibdib. Nakapagtatakang wala na siyang maramdamang galit para rito o kay Vivian man lang. Ibig bang sabihin niyon ay napatawad na niya ang mga ito? "W-what happened to you?" hindi makapaniwalang usisa nito matapos umupo. Hindi siya kaagad nakakibo. Napansin ni naman Rico ang pananahimik niya. "H-he must be very special to you, dahil nagawa mong ibigay ang isang bagay na pinakaiingat-ingatan mo sa kanya." Naluluhang napatitig siya sa dating kasintahan. Sa tatlong taong pagsasama nila, hindi lang iilang ulit na may muntikang mangyari sa kanila. Ngunit kailanman ay hindi siya natangay sa kapusukan nilang dalawa. Pero kay Yvo, walang halong pagdadalawang isip niyang naibigay iyon. She bit her lower lip when she saw Rico shake his head. "I'm glad I had the courage to break your heart." "W-what?" naguguluhang tanong niya. "May ibang plano ang Diyos para sa ating dalawa. He made us realize that we aren't made for each other. I found my partner, I'm glad you found yours." He was right, dahil sa nangyari sa kanila ay nakilala niya si Yvo. Hindi man naging maganda ang kinahinatnatan ng pag-ibig niya kay Yvo ay nagbunga naman iyon ng isang anghel na alam niyang mamahalin niya ng higit pa sa buhay niya. Wala siyang pinagsisisihan. Isang matamis na ngiti lang ang isinagot niya rito. Pareho silang napalingon sa pinto ng makarinig sila ng pagtikhim. Nanlaki ang mga mata niya nang makilala kung sino ang kiming nakatingin sa kanya mula sa pinto. "V-vivian?" "I-I'm sorry. I didn't plan it. We didn't. S-sinubukan kong pigilan ang nararamdaman ko, sinubukan kong lumayo pero hindi ko kaya. I 'm so sorry." Nakangiting lumapit siya sa kaibigan. She reached for Vivian's hand and squeezed it tightly. "Magiging plastik ako sa'yo, kung sakaling sabihin kong napatawad na kita. I was really hurt because of what you did. Of all people, bakit ikaw pa? Pero ngayon, kahit paano'y naiintindihan na kita. Loving is never easy. At kailanman ay hindi natin kayang labanan ang ating mga nararamdaman. In time, alam kong mapapatawad rin kita, kayo ni Rico. And don't worry, I'm fine now. Kahit pa ganitong nakalunok ako ng pakwan. Hindi ko pinagsisisihan ang nangyari sa akin." dinala niya ang kamay nito sa kanyang tiyan. "I'm sorry, Li!" niyakap siya nito. She didn't say a word, ngunit gumanti siya ng yakap rito. Nakita niya ang maluha-luhang si Rico na matamang nakatingin lang sa kanila. Nginitian niya ito. "Paano ninyo nga pala nalamang nandito ako sa Baguio?" aniya matapos maigiya paupo si Vivian. "Lexus told me about it." Napasimangot siya, pagkunwa'y nagkatawanan sila. Hindi man tuluyang maibabalik ang dati nilang samahan ay batid niyang sapat na iyon upang makapagsimula siyang muli. Nabawasan ang bigat sa dibdib niya. Paano kaya kung si Yvo naman ang biglang dumalaw sa kanya? Asa ka pa! *** It's been more than a week since Rico and Vivian's visit, paunti-unti ay nanunumbalik ang samahan nila ng huli. Madalas silang nagkakausap sa text, tawag at kahit sa internet. Malapit na niyang matanggap ang tungkol rito at kay Rico. Dapat ay masaya na siya kasi nasolve na ang issue niya sa mga ito. Ngunit batid niyang malabong mangyari iyon dahil sa nagawa niya—sa kanyang mga magulang. Magiging kahihiyan lang siya sa pamilya nila kapag humarap siyang buntis ay walang maiharap na asawa. And there was Yvo too. Wala na siyang balak pang magpakita rito. Niyuko niya ang tiyan. "Akin ka lang, diba baby? Kay mommy ka lang." bulong niya. "Lira, may naghahanap sa'yo." nakangiting imporma ni Aling Mely na biglang sumilip sa pinto ng kwarto niya. Nakangiting tumango siya rito at sinabing pababa na rin siya para estimahin ang kanyang bisita. Sa higit pitong buwang pananatili niya sa Baguio ay bibihira siyang nakakatanggap ng bisita. Kung hindi si Lexus ay delivery boy lang ang dumadalaw sa kanya. At nitong huli nga ay sina Vivian. Magaan ang paang pumanaog siya upang harapin ang kanyang bisita. Ngunit daig pa niya ang nakaapak ng glue nang mapagsino ang bisitang nag-aantay sa kanya sa baba. Her caught her breath and felt her knees buckle as she stopped walking down the stairs midway. Mabilis siyang napahawak sa hamba ng hagdan bago pa man siya tuluyang bumagsak. Napahawak siya sa kanyang dibdib at pilit na pinapatatag ang sarili. Ano kaya kung tumakbo na lang siya pabalik sa kwarto niya at i-lock iyon para makatakas rito? Crap! She has to find a way to get away from him! "You can never escape from me again. Not ever." madilim ang anyong banta ni Yvo sa kanya. Tumayo ito mula sa pagkakaupo sa sofa kaya napaatras siya. "Handa akong manira ng pintuan." anitong tila nababasa ang laman ng isip niya. "W-what are you doing here?" asik niya. "I should be the one asking you that. What the hell are you doing here?!" his fists clenched and unclenched, obviously trying to control his anger. Napalunok siya at napahigpit ang kapit sa hamba. "B-bakit ka ganyan magtanong?" pinanatili niya ang paggagalit-galitan sa tinig. Ayaw niyang ipakitang natatakot siya rito. Hah! Feeling mo naman, hindi ka pa mukhang nanginginig nang lagay na iyan? "D-diba, tapos na ang kasunduan natin?" "Dammit Lira! How can you leave like that?" sumigaw ito, ngunit hindi ang lakas ng boses nito ang nagpatigil sa kanya sa pagsagot, kundi ang paghihirap at hinanakit na nakaringgan niya sa tinig nito. His shady eyes turned blue that it made her heart feel stirred. "Y-yvo..." Dumapo ang naniningkit na mata nito sa maumbok niyang tiyan. "I want to kill you, right at this moment, did you know that?" muling bumalasik ang anyo nito. "Wala akong dapat ipaliwanag sa'yo kaya makakaalis ka na." "I am not leaving." he paused and stared squarely at her. "...unless, you're with me." Sunud-sunod ang naging pag-iling niya—it was from shock, disapproval and disgust. Paano nitong naisip na sasama siya rito matapos ng ginawa nito sa kanya? "Not a chance. I am not going anywhere, specially with you!" she hissed. "I am not asking for your permission." "Ano ba'ng kailangan mo sa akin? Why can't you just leave me alone?" That question made him freeze for a moment. His cold stare lingered on to her face, as if seeking for an answer. "Because I want to be with you." Daig pa niya ang tinadyakan ng kabayo sa dibdib ng marinig ang sagot nito. Bakit imbes na matuwa siya ay nasaktan lang siya sa isinagot nito? Kasi, alam mong nagsisinungaling lang siya. All he wanted was the baby, not you. Get a life, Lira! Move on! "Umalis ka na." she said while gritting her teeth. "Lira..." "Ang sabi ko, umalis ka na! I don't have time for this." madilim ang mukhang sinulyapan niya si Aling Mely na pasimpleng nakadungaw sa pinto sa kusina. "Aling Mely, pakihatid po siya sa pinto." "Hindi ko aalis dito nang hindi kita kasama." Naramdaman niya ang pag-iinit ng sulok ng kanyang mga mata. Her pent-up frustrations with Yvo might show up in tears, and she can't let him see her crying. "Just leave me alone, please." "I can't do that." "H-hindi ikaw ang ama ng batang dinadala ko." naisip niyang magsinungaling. Kitang-kita niya ang pagkabigla sa mukha nito. "So free yourself from guilt. My child isn't your responsibility, and will never be." "Kung hindi ako, sino ang ama ng bata?" naghahamong tanong nito. "Si Lexus." maging siya ay nagulat sa naisagot niya. Hindi niya alam kung bakit si Lexus ang nasabi niya, pero mukhang mas mabuting ituloy na niya ang pagsisinungaling, tutal naman ay naumpisahan na niya. "Nasabi ko ba sa'yo na dati ko siyang manliligaw?" "You're lying." galit na galit na anito. "Go and ask around, lagi siyang dumadalaw sa akin dito kasi siya naman talaga ang ama ng anak ko. Kaya kung ako sa'yo, umalis ka na. Baka dumating si Lexus at kung ano pa ang isipin niya tungkol sa atin." "I'll be damned if I'd believe that crap. Alam kong ako ang ama ng bata." "Go away, Yvo! Go away!" naiinis na sigaw niya. Kahit na hirap siya sa paglalakad ay nagawa pa rin niyang tumakbo pataas upang takasan ito. Alam niyang gagawin nito ang lahat makuha lamang ang bata sa kanya. Nanginginig na pinahid niya ang mga luha matapos isara at i-lock ang pinto sa kwarto niya. "Lira, open this damned door!" "Go away! And don't ever come back! Akin lang itong baby ko, akin lang!" "I am not taking your child away, angel. You should know better na hindi ko kailanman magagawa iyon sa'yo." he said in a hurt tone. He stopped from slamming the door. "Please, open the door. Gusto kitang makausap." "It's over between us. W-wala na tayong dapat na pag-usapan pa." "Madami. Everything about us, you, me and our baby." "H-hindi ko kailangan ng responsibilidad mo." He fell silent for a moment. Inakala niyang umalis na ito, until he said those last words. "I'll be back, angel. At sa aking pagbabalik, tinitiyak kong kasama na kitang uuwi, ikaw at ang anak natin." footsteps fading away came in a second. Napahagulhol siya ng iyak. Bakit pakiramdam niya ay sobrang sakit ng dibdib niya dahil sa ikalawang pagkakataon ay iniwan siya nito? Ah, she's going crazy!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD