bc

My Night Angel (PHR-COMPLETE)

book_age18+
1.0K
FOLLOW
3.9K
READ
billionaire
one-night stand
opposites attract
dominant
brave
confident
drama
comedy
bxg
disappearance
like
intro-logo
Blurb

“If you missed me that much, you can give me a kiss. I wouldn’t mind.”

Nakilala ni Lira si Yvo sa mga panahong katatapos lang niyang malaman ang panlolokong ginawa sa kanya ng ex-boyfriend at best friend niya. Dala ng matinding paghihinagpis, nagawa niyang ipagkaloob ang sarili kay Yvo kahit hindi niya ito lubos na kilala. Labis na hiya ang nadama niya sa kanyang nagawa. Itinuturing siyang isang anghel sa kanilang pamilya. Bago matapos ang gabing iyon, iniwan niya si Yvo nang walang paalam. Para sa kanya, hindi na nila dapat makilala pa ang isa’t isa.

Pagkalipas ng halos isang linggo, muling nakita ni Lira si Yvo sa kasal ng kanyang pinsan. Buong akala niya, wala nang halaga para dito ang lahat ng nangyari sa kanila nang gabing iyon. Ngunit laking gulat niya nang bigla nitong ipilit ang sarili sa kanya. Hindi pa ito nakontento, ipinakilala pa nito ang sarili sa buong pamilya niya at sa ex-boyfriend niya na boyfriend niya ito!

Magagawa pa ba niya itong ipagtabuyan, lalo pa at nagsisimula na itong magkaroon ng espesyal na lugar sa puso niya?

A/N: All rights reserved to Precious Pages Corp. This story was published on 2012.

chap-preview
Free preview
CHAPTER ONE
            Hindi makapaniwala si Lira. Until that moment, she still couldn’t believe what she just saw. Hindi matanggap ng kalooban niya ang nasaksikan ng dalawang mata niya. She saw Rico and Vivian kissing each other!             Inisang lagok niya ang lamang whiskey sa hawak na kopita. Napapikit siya nang maramdaman ang init na dumaloy mula sa kanyang lalamunan pababa sa kanyang sikmura. Sa pagkakataong iyon ay hindi na siya inihit ng ubo. Mukhang nasasanay na ang katawan niya sa epekto ng alak.             Hindi siya sanay uminom ng alak. She gave out a crazy laugh. Nakakatawang isipin na ang isang katulad niyang itinuturing na “anghel” ng mga kaibigan at pamilya niya ay nagpapakalango sa alak ng gabing iyon. Dahil lang sa isang lalaki? Sa isang gagong lalaki! Bumalong ang masaganang luha sa kanyang namamagang mga mata.             Kanina pa siya iyak ng iyak. Hindi niya kailanman matatanggap ang katotohanang nagawa siyang traydurin ng dalawang taong pinakamamahal niya—her bestfriend and her boyfriend!             “How can they do this to me?” tumatangis na aniya matapos yumukyok sa mesa.             Wala na siyang pakialam kung pinagtitinginan man siya ng mga tao sa paligid niya. Well, duda rin naman siyang mapapansin siya ng mga ito. Naroon siya sa Midnight Heaven, isang sikat na bar sa Makati. Minsan lang siyang nakapunta roon nang sunduin niya ang kaibigang si Vivian mula sa gimmick.             Vivian na naman!             Muli niyang naramdaman ang pagsigit ng kirot mula sa kanyang puso. She has loved Vivian like her own sister, pero paano nito nagawang agawin sa kanya si Rico gayong alam nito kung gaano niya kamahal ang kasintahan? She trusted her. She trusted them! Mas lalong lumakas ang pagnguyngoy niya, tila nakikisabay iyon sa nakakabinging tugtugan sa loob ng bar.             Natigil lamang siya sa pag-iyak nang maramdaman niya ang pag-uga ng upuan sa harap niya. Kunot-noong napaangat siya ng ulo upang bistahan kung sinumang walang modo ang gumambala sa pag-eemote niya. Her jaw literally dropped wide open when she saw the culprit’s pretty face.             Sanay siyang nakakakita ng gwapo, lalo na sa linya ng kanyang trabaho. She’s a professional photographer. Kaya hindi na bago sa kanya ang mga mukhang pang-modelo. Pero ang lalaking nasa harapan niya, his beauty was beyond comparison. His fiery eyes, they’re too black that it gave her the uttermost feeling of being fossilized. He’s got the coldest stare she has ever laid her eyes upon, yet it looked dazzling. He can look at those coal black eyes forever!             His nose was perfectly pointed. His lips were devilish red that can lure any woman to loose her sanity. His domineering presence was very prevailing, para bang sa pag-upo nitong iyon inari na nito ang lugar na iyon. Mabilis niyang ikiniling ang ulo. Mukhang nasisiraan na siya ng ulo. Heto siya, katatapos lang mabroken heart, pero nagagawa pang ma-appreciate ang kagwapuhan ng ibang lalaki.             “Hindi mo ba nakikitang may naka-upo na rito?” mataray niyang tanong.             “Hindi ko nakita. Akala ko kasi anino ka lang.” pasupladong sagot nito. Inayos nito ang pag-upo na parang sinasabing wala itong pakialam kung may naka-upo man roon o wala.             Kung sa ibang pagkakataon iyon ay nasigawan na niya ito. Pero iba ang nangyari sa kanya, sa halip na magwala ay wala sa loob na napalunok siya dahil sa sensasyong inihatid ng swabeng boses nito. Once again, she shook her head. Epekto lang ito ng alak. “Pwes ngayon, nakita mo ng may tao rito. Maghanap ka ng sariling mesa mo.”             “I want to stay here.”             Sasagutin pa sana niya ito ng pagtataray ng biglang mahagip ng mata niya ang kalungkutang biglang bumalot sa kanina lamang ay masungit na mukha nito. Kaya sa halip na sumagot ay napabuntong-hininga na lamang siya. Sa totoo lang, pagod na rin siya. Wala na siyang lakas para makipagtarayan pa rito. Muli niyang sinalinan ang baso ng whiskey. Isang bote ang inorder niya kanina dahil gusto niya talagang maglasing. “Gusto mo?” alok niya.             “Sure.” iniabot nito ang baso matapos ubusin ang laman niyon.             Nanatili silang tahimik. Iginala niya ang paningin sa paligid. She could feel his stare but chose to ignore it. Narinig niya ang malalim na pagbuntong-hininga nito. She turned to him. “Heart problem?” lakas-loob niyang tanong. Kahit siya ay nagulat sa inakto niya. She’s usually an introverted person in front of other people. Nakita niya ang mapait na pagngiti nito. “Too bad, yeah.” he nodded.             “We’re on the same shoe.”             “Talaga?” he asked curiously.             “Too bad, yeah.” aniyang ginaya ang sagot nito kanina. Narinig niya ang mahina nitong pagtawa. Kahit paano’y napangiti rin siya. “Niloko ka din?”             “Niloko ka?”             “I asked you first.”             “Hmmm…” nilaro nito ang hawak na baso. “Not really. Nabasted lang.”             Nagulat siya sa sagot nito. “Nabasted? Sa gwapo mong iyan, nabasted ka?” hindi niya napigilang itanong. Nahihiyang napatungo siya nang maisip ang pamumuring nasabi sa harap ng estranghero. Lalo na nung makita niyang napangiti ito.             “Parang ganon na nga. Mas gwapo kasi sa akin ang kuya ko.”             “May mas gwapo pa sa’yo?”             “The way you talk, pakiramdam ko ako na ang pinakagwapong lalaki sa mundo.” lumawak ang ngiti nito ng makita ang pamumula ng mukha niya. “Pero ang kapatid ko pa rin ang pinili ni Cheska.” nagkaroon ng lambong ang itim na mga mata nito.             “Inagaw ng kuya mo ang girlfriend mo?”             “Not really. Cheska’s my childhood friend. I just confessed how much I love her. But she refused to have me. Instead, she chose my brother over me.” he swallowed the whiskey in one gulp. A wounded pride can really make a man miserable.             “Halos pareho lang pala tayo. My boyfriend chose my bestfriend over me. Pareho silang pinagkatiwalaan ko. Hindi ko alam, habang boyfriend ko ang gagong Rico na iyon, may relasyon na pala sila ni Vivian. Alam mo iyong feeling na, pakiramdam mo, ang tanga tanga mo kasi wala kang kaalam-alam?” hindi niya napigilang ibuhos ang tunay na saloobin sa harap ng lalaking ni hindi niya alam ang pangalan.             “Do you want to go some place else, so we could talk better? Ang ingay rito.”             Natigilan siya sa tanong nito. On second thought, naisip niya, bakit hindi? Wala naman sigurong masama kung sumama siya rito. He looked friendly. “Sure.”       ***               “Nice place.” komento niya. Iginala niya ang tingin sa loob ng condo unit ng binata. The place was very cozy. She hated the color blue, sa totoo lang, lagi niyang iniisip dati na nakakasakal ng kulay na iyon. Pero nang oras na tumapak ang mga paa niya sa loob ng condo nito ay biglang nagbago ang pakiramdam niyang iyon. His place was very refreshing.             Napalingon sa kanya ang lalaki at napangiti. “Thanks. Suit yourself and have a seat. Aayusin ko lang itong mga dala natin.”             Tumango siya at sinunod ang suhestiyon nito. Pasalampak siyang naupo sa mahabang sofa na kulay blue pa rin. Unti-unting nawala ang ngiti niya ng muling maalala si Rico.             Like her, Rico hated the color blue too. Ang sabi nito, masakit daw sa mata iyon. Noon lang niya naisip na kaya lang niya kinainisan ang kulay blue ay dahil ayaw ni Rico sa kulay na iyon. Ganoon niya kamahal ang dating kasintahan. She was willing to love everything he loved, and hate everything he hated just to please him. Ang laki pala niya talagang tanga. A tear escaped her eyes. Mabilis niyang pinahid iyon.             “You’re crying again?”             Binalingan niya ang kadarating na binata. “Napuwing lang.”             “You’re not a good liar.” anitong umupo sa tabi niya.             “Ang tanga tanga ko kasi.” napahikbi na siya.             “Ganon daw iyon e. Kahit gaano pa tayo katalino, kapag pag-ibig na ang pinag-uusapan, nagiging tanga tayo. Mahirap i-control ang emotions, right?” iniyapos nito ang mga bisig sa katawan niya. Pagkuwan’y naramdaman niya ang mabining paghagod ng kamay nito sa likod niya. How his simple gesture made her feel better, she didn’t know.             “Naging tanga ka rin ba sa kanya?”             “I hate to admit it, but yeah. Kinalimutan ko ang lahat para lang sa kanya. I was even willing to forget my dreams for her. For the love of her, I can do that.”             “Sana ikaw na lang si Rico.”             “Sana ikaw na lang si Cheska.” lumagok ito ng beer. “Here.” inabutan din siya nito.             “Thanks.” kiming sumipsip siya sa beer in can. She consciously looked away when she noticed his intense stare on her face. “M-may dumi ba ako sa mukha?”             “You sure looked like an angel.” he whispered.             Napatitig siya sa seryosong mukha nito. That moment she saw his serene smile, she felt something warm touched her heart. Kabaliwan mang matatawag, pero pinaniwalaan niya ang sinabing iyon ng lalaki. “Hindi mo na ako kailangang bolahin para sumaya ako.” she smiled.             “Hindi ko ugali ang mambola.”             “Sus.” namumula ang mukhang iniumang niya ang hawak na malamig na lata rito. “Let’s forget this night. Let’s forget all the heartaches, the fiasco, the betrayal, the hurt, the pain, everything. Cheers?”             “Cheers!”             The moment their cans tossed, something bizarre between them has started. They kept on talking all night long. Halos hindi na nila namalayan na nakailang lata na rin sila ng beer. Tumatawang sinipa niya sa paa ang lalaki at inutusang kumuha pa ng alak.             “Bakit ako? You go.” reklamo nito na tawa pa rin ng tawa.             “H-hanoka? Ikaw ang may-ari ng bahay na ito, ikaw dapat kumuha!” hagalpak din siya sa tawa habang pinipilit na sipain ulit ito sa paa. Ang totoo, wala naman siyang maalalang nakakatawa, pero pareho silang tawa ng tawa, kanina pa. Kagaya niya ay namumungay na rin ang mga mata nito.             “Pero tinatamad akong tumayo.”             “Tamad! Tssssss.” sinubukan niyang tumayo. Ngunit hindi pa man siya tuluyang nakakatayo ay bigla na lang siyang napaupo ulit. Nawalan siya ng panimbang at inatake ng matinding pagkahilo. Nagkatawanan sila.             “Hindi ka na makatayo.” kantiyaw nito.             “Kaya ko pa!” mayabang na aniya. Sinubukan niya ulit tumayo ngunit sa pagkakataong iyon ay tuluyan na siyang nawalan ng panimbang at natumba sa sahig. Tatawa-tawang nilapitan siya ng binata. Tumawa na rin siya. Iniabot ang kamay nito.             “Let’s dance.” yakag nito.             Bagamat nagulat ay napangiti siya. She reached for his hand. Mahigpit ngunit masuyo ang pagkakahawak nito sa kamay niya. Without leaving her eyes, he started humming a sweet song. His firm hands trailed and landed on her tiny waist. Hinapit siya nito palapit. She gasped.             “Relax.” anas nito. Hindi niya napigilan ang sariling titigan ito sa itim nitong mga mata. “I love your eyes.” Umakyat ang mga kamay niya at pumulupot sa batok nito. She saw a glint of yearning in his eyes. “Ease away the pain, let it go.” “Angel…” “I am not Angel.” sumimangot siya. How can he mistake her as someone else? “You are my angel.” napatitig siya rito. She felt an indescribable feeling when she heard that. “I love your hair, angel.” umakyat ang kamay nito at hinaplos ang buhok niya.             “I love your smile.” tila-nahihipnotismong ganti niya.             “I love your lips. They look so sweet, can I taste them?”             Napalunok siya. Her eyes flew and stared at his full red lips. She swallowed harder. Sa mahigit tatlong taong pagiging magkasintahan nila ni Rico, kailanman ay hindi pa niya naranasan ang makaramdam ng ganoong klase ng pagnanasa. What’s with this stranger? And before she knew it, his lips already captured hers. And in another minute, she’s already naked and inside his room. At ang bagay na matagal niyang ipinagdamot kay Rico noon ay kusa niyang naibigay sa lalaking ni hindi niya alam ang pangalan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Mysterious Heart (Tagalog/Filipino)

read
897.0K
bc

Twin's Tricks

read
560.4K
bc

THE SACRIFICES OF A BROKENHEARTED JM MONTEMAYOR-Tagalog

read
84.5K
bc

My Nerd Wife Felicie.MATURE CONTENT. (TAGALOG ROMANCE)SPG

read
113.8K
bc

Pain(Tagalog)

read
353.9K
bc

Rebellious Love (Tagalog/Filipino)

read
163.2K
bc

Unwanted

read
532.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook