“Tulala ka na naman diyan.”
Napakurap si Lira sa sinabi ng pinsang si Lyka. Nakita niya ang pag-iling nito. Napangiwi siya. “Kulang lang ako sa tulog. Ang ganda kasi ng librong binabasa ko kagabi kaya napuyat ako.” pagsisinungaling niya.
“You’re not a good liar.”
Natigilan siya. She knew someone who used that same line. She heaved a sigh. Naalala na naman ang lalaki sa Midnight Heaven. It’s been almost a week since she saw him. At mag-iisang linggo na rin siyang napupuyat dahil sa mga alaalang iniwan nito sa isip niya. She pushed the idea away. Hindi na niya dapat pang isipin ang gabing iyon.
Isa lamang pagkakamali ang nangyari.
“Is it about Rico again?” Lyka asked irritably.
Hindi na siya sumagot. Ayaw niyang sabihing hindi si Rico ang kasalukuyang gumugulo sa isip niya. Mas lalong ayaw niyang ipaliwanag kung bakit biglang nawala si Rico sa isip niya. Lihim niyang kinagalitan ang sarili. Why can’t she take that man off her mind?
“Forget about that jerk. He doesn’t deserve you.” galit na tumabi ito sa kanya at niyakap siya.
Naluluhang napangiti siya sa inakto nito. Bukod kay Vivian ay si Lyka ang isa pa sa mga pinakamatalik niyang kaibigan. Kasing edad niya rin ito. They were both twenty-five. Pero hindi gaya niya, masaya na sa buhay pag-ibig ang pinsan niya. She’ll be marrying the man of her dreams two days from now. Umatake na naman ang inggit niya sa pinsan.
“Huwag mo nga akong dramahan. Mas lalo akong nade-depress sa’yo e.” biro niya.
“Ay!” bigla itong kumalas mula sa pagkakayap sa kanya. “Sorry, nakalimutan kong naiinggit ka nga pala sa lovelife ko.” ganting-biro nito. “May bestfriend na gwapo si Mark. Gusto mo ipakilala kita?”
“Lyka.” saway niya.
“So what kung kabre-break ninyo lang ng manlolokong Rico na iyon? Come on couz! We’re in the 21st century. Palitan mo na agad si Rico. It’s not your lost, it’s his.”
“H-hindi naman ganon kadali iyon.” napayuko siya.
Totoo iyon. It wasn’t easy. It will never be easy for her. Aminin man niya o hindi ay batid niyang magagawa pa rin niyang maging tanga para sa dating kasintahan. Siguro nga, kung sakaling magdesisyong bumalik si Rico sa kanya ay magagawa ulit niya itong tanggapin. Ganon niya kamahal ang lalaki. She’s willing to take him back and look like a fool again.
Tanga na kung tanga, pero mahal pa rin niya talaga ito.
“Hay ewan ko ba sa’yo Lira. Nagpapakatanga ka diyan kay Rico samantalang ang dami namang ibang may gusto sa’yo.”
Hindi naman sa pagmamalaki, pero sa kabila ng pagiging mahiyain at mahinhin niya ay agaw pansin rin ang mala-anghel niyang mukha. Her amber eyes were round. Napalibutan iyon ng mahahaba at maiitim na mga pilik mata. Her nose was high, perfect nose nga raw sabi ni Lyka. At ang madalas mapansin sa kanya ay ang kanyang pula at manipis na mga labi na parang laging nakangiti. It was her best asset.
“Just give me time. M-makakalimutan ko rin siya.”
“Sana lang, kung sakali mang maisipan ng lalaking iyon na bumalik dahil nagsawa na siya sa malandi nating bestfriend na si Vivian ay hindi mo namaiisipang makipagbalikan. Naku, kapag nagkataon, masasakal talaga kita pinsan. Promise!”
“Pinapunta mo lang ba ako rito para sermunan?”
“Eto na nga oh. Papipiliin lang kita ng gown na gusto mong isuot sa kasal ko. Aba, ikaw na lang ang walang damit e. Ikaw pa naman itong maid of honor ko.”
“Bakit kasi ako pa ang magiging maid of honor? I wanted to take pictures. Paano ako makakakuha ng pictures kung nakagown ako at mukhang tangang mag-aayos ng mahaba mong traje?”
“Miss Best Photographer, inupahan ko na po ang assistant mo para kumuha ng pictures. I wanted you to be by my side during my most precious day.”
“Arte mo!” irap niya.
Hindi na ito nakasagot ng biglang tumunog ang cellphone nito. “Wait lang ha? Sasagutin ko lang. Si Mark ito. Baka parating na sila ng bestfriend niyang yummy, este pogi. Kukuhanan rin namin ng damit e.” nakangising tumayo ito at umalis sa harap niya.
Napalinga siya sa paligid. Naalala niya si Vivian. Her bestfriend wanted to have her own boutique. Mahilig itong magdesign ng mga damit pangkasal. Usapan pa nga nila noon na ito ang gagawa ng traje de boda niya kapag ikinasal sila ni Rico e. Pinahid niya ang luhang namalibis sa kanyang pisngi. Kasunod niyon ay ang pagtayo niya mula sa kinauupuan. Aalis na lang siya. Tatawagan niya mamaya si Lyka para sabihing nauna na siyang umalis at ito na ang bahalang pumili ng isusuot niya. Hindi naman siya mapili sa damit e.
Dinala siya ng mga paa sa isang di kalayuang parke. Malungkot siyang napangiti nang makita ang kabuuan niyon. Sa isang parke sila nagkakilala ni Rico. It wasn’t the same place, yet it made her reminisce their first meeting. Nanghihinang napaupo siya sa isa sa mga bench na naroon. Paano niya nga ba makakalimutan si Rico?
Nabitin sa ere ang pag-eemote niya ng bulabugin siya ng pagtunog ng kanyang cellphone. Hindi nga siya nagkamali ng inisip nang makita kung sino ang tumatawag. “Lyka.”
“Where are you? Bakit ka umalis? Nakakahiya kay Mark at sa bestfriend niya!” singhal nito.
“Nagpunta ako para sa gown at hindi para makilala ang bestfriend ng mapapangasawa mo.” biglang nanahimik ang kabilang linya. “Look. I appreciate your effort in trying to help me forget about Rico and Vivian. Pero hindi ganon kadali ang lahat. It’s too soon. Just give me time.” iyon lamang ang sinabi niya bago tuluyang tinapos ang tawag.
Walang ganang tumayo siya at nagpasya na lamang na bumalik ng kanyang photo studio—ang Picture Perfect. She thoughtlessly walked and walked until one hard physique caught her off guard. Tumama ang matangos niyang ilong sa isang napakalapad na likod ng isang lalaking bigla-biglang sumulpot sa harap niya.
Nabitin ang tangka niyang pagtataray sa lalaki ng sa pagharap nito ay ang mukha ng isang taong hindi niya kailanman ninais pang makita ang nabungaran niya. Napalunok siya ng makita ang pagdaan ng rekognisyon sa itim na mga mata nito. Kasunod niyon ay ang pagkalas ng pagkakabuhol ng mga kilay nito. Mabilis siyang pumihit patalikod upang matigilan lamang pala dahil mabilis ring humawak sa braso niya ang lalaki.
“B-bitiwan mo ako.” kanda-utal na aniya. Hindi ito nagsalita ngunit hindi rin naman binitiwan ang braso niya. “I s-said, let go off me.”
“Why did you leave?” nang-aarok na usig nito.
The question came in a shudder for her. Bakit nga ba? Siyempre, kasi nahihiya ka sa nagawa mo…ninyo. Pilit niyang binawi ang braso mula rito. “A-ano ba’ng sinasabi mo, M-mister? H-hindi kita kilala.”
Nakita niya ang biglaang pagsingkit ng mga mata nito. Mukhang hindi nito nagustuhan ang pagkakaila niya. “I told you, you aren’t a good liar.”
“Kapag hindi mo ako binitiwan, sisigaw ako!”
“Ano ba’ng problema mo? You weren’t like this during that night.”
Namula siya nang banggitin nito ang “gabing” pinagsaluhan nila. “Wala akong maalala sa mga pinagsasabi mo. Hindi kita kilala at mas lalong wala akong alam sa sinasabi mo.”
“Angel…”
She bit her lower lip when she heard him call her “angel”. Iyon ang itinawag nito sa kanya nang gabing may namagitan sa kanila. During that night, she has become his angel. Angel… parang musika sa pandinig niya ang katagang iyon. A foreign sensation shook her heart.
“H-hindi ako si Angel.” aniyang biglang nagbawi ng tingin.
“Then who are you?”
“I…don’t talk to strangers.”
“We aren’t strangers anymore.”
“I don’t know you.”
“Angel…”
“J-just, let me go.”
For a moment, his cold stare lingered on her uptight face. Akala niya ay habang buhay na silang mananatili sa ganoong ayos nang maramdaman niya ang unti-unting pagkalas nito sa pagkakahawak sa braso niya. She instinctively stepped back as she held her hand that was clasped by him.
“You’re not really Angel.”
Bagamat nakaramdam siya ng sakit dahil sa sinabi nito ay hindi na niya sinagot iyon. Mabilis siyang pumihit at naglakad palayo. She could still feel the trembling of her hands. She could still see the hurt in his eyes. Tama naman ang ginawa niya hindi ba? They aren’t supposed to meet again.
Dapat nilang kalimutan ang nangyari. It was just pure one-night stand. No feelings involved, no feelings attached, no feelings…at all. She didn’t want to have another complication in life. And that guy is just another complication that she wasn’t sure if she would be able to handle.
She has to stay away from him, no matter what.
***
If only looks could kill, Lira would have been dropped dead on the cold terrazzo by now. Kanina pa siya tinitignan ng masama ni Lyka habang nakabusangot siya sa harap nito. They were inside the Manila Cathedral.
“Kasal ko ngayon, hindi ito lamay. Look at yourself, para kang namatayan.” puna ni Lyka sa kanya.
“I hate this gown. Ang kati-kati!” reklamo niya.
“Gown daw? If I know, naiirita ka lang kasi inggit ka kay Lex na kumukuha ng pictures ngayon. Subukan mong hawakan ang camera mo, tatamaan ka talaga sa’kin.”
“Nakakainis naman kasi! Ano’ng oras ba mag-uumpisa ang kasal mo? Kanina pa tayo rito ah.”
“Wala pa nga si father. Nagkaproblema raw iyong sinasakyang kotse papunta rito. Isa pa, eksakto nga lang e. Kasi wala pa naman iyong bestman.”
“Isa pa yang bestman na yan. Paimportante? Nagpapalate sa ganitong klase ng okasyon.”
“Grabe naman ito. Malapit na raw siya.”
“Whatever.”
“Ipapakilala kita mamaya ha?”
“Shut up.”
“Honey, mag-uumpisa na ang kasal. Nandiyan na si father.” biglang singit ng kadarating na si Mark. Panakaw itong humalik sa mapapangasawa kaya napahagikhik ang pinsan niya.
“Eh wala pa naman yata iyong bestman, diba?” sabat niya.
“Hindi. Kararating lang din niya. Ayun siya oh.” ani Mark sabay turo sa lalaking nakatayo malapit sa pinto ng simbahan.
At gayon na lamang ang pagkagimbal niya ng mapagsino ang lalaking itinuro nito. Ang lalaki sa Midnight Heaven! Napahawak siya sa sentido nang bigla siyang makaramdam ng pagkahilo. She could feel its sudden throb, it sure hurt like hell. Mabilis siyang dinaluhan ni Lyka nang mapansin ang muntikang pagkatumba niya.
“Are you okay?” tanong nito.
No, I am not! Gusto sana niyang isigaw iyon sa harap nito ngunit hindi nagawang bumuka ng bibig niya. “Y-yeah.” kaila niya.
“Everybody, get ready!” sigaw ng baklang wedding organizer ni Lyka. Nakagat niya ang ibabang labi. What now? Hindi niya pwedeng takasan ang lalaki. Oh good Lord, she really can’t!