CHAPTER THREE

2337 Words
           What are you doing here?” takang tanong ng mommy niya nang mamataan siya nitong pasilip-silip mula sa pinagkukubliang halaman. Naroon sila sa hardin ng mga Constancia, sa mismong bahay ng groom ni Lyka na si Mark. Doon ang reception ng bagong kasal.             “Ah…n-nahulog kasi iyong singsing ko mommy. H-hindi ko mahanap.”             “Ipahanap mo na lang sa katulong nina Mark. Let’s go, I’ll introduce you to my friends.”             “No! I mean…mommy, I’m tired. I need to go to the restroom.”             “Tired, tapos pupunta ka ng restroom? Are you really okay, baby?”             “Basta, susunod nako sa’yo mom. Okay?”             “O-okay?” hindi kumbinsidong anito bago siya tuluyang iniwan. “Sumunod ka doon.”             Natampal niya ang sariling noo. Kahit kailan talaga, palpak siya sa pagpapalusot. Muli siyang sumilip mula sa pinagkukublian. Nanlaki ang mga mata niya ng makitang wala na ang “lalaking” sinisilip niya kanina. Where the heck did he go?             “Are you looking for me?”             Muntik na siyang napasigaw nang malingunan ang pormal na mukha ng lalaking kanina pa niya pinagtataguan. She silently cursed under her breath. She took one step back and swallowed. Naunsyami ang balak niyang pag-alis ng biglang maglakad ang lalaki palapit sa kanya. “H-huwag kang lalapit.” umatras siya.             “Why not?” he took a step closer.             “H-hindi kita kilala. I don’t t-talk to strangers.”             “Then why are you avoiding me? Bakit mo pa ako kailangang pagtaguan kung hindi mo naman pala ako kilala.”             “I…I just thought that you are some stalker. S-sinusundan mo ba ako dito?”             “Not really. I came because of Mark.”             “H-how are you related to him?”             “I am his boss.” he said smoothly.             She caught her breath. Apparently, nalaman niya kanina na hindi naman pala ito ang bestfriend ni Mark na nais ireto sa kanya ni Lyka. But the fact that he was there, and was staring solely at her during the whole ceremony was a burden in her part. Mas nakakainis pa na hindi siya makatakas dahil tiyak niyang mapapatay siya ng pinsan kapag nagwalk-out siya sa mismong kasal nito. Naisip niya tuloy kung sinusundan ba siya nito. Kung sakali naman, bakit?             “J-just, stay away from me.” as if afraid of him, she stepped back.              “Why are you being like this, angel?” his tone serious, so as his face.             She froze as she stared at him wide eyed. At ano ang gusto mong gawin ko, ang makipagbeso-beso pa sa’yo na parang wala tayong ginawang “kababalaghan” sa loob ng kwarto mo? Kung ikaw, walang hiya, pwes, ibahin mo ako! Inis na humalukipkip siya sa harap nito. “I told you, hindi ako si Angel.”             “I know you’re angel.”             “Bahala ka sa buhay mo. I’m sick and tired of your accusations of me being—”             Nanlaki ang mga mata niya ng bigla siya nitong hapitin palapit. Mahigpit ang pagkakayap nito sa kanya, not giving her even a slight chance to escape. Nanginginig na itinukod niya ang mga kamay sa malapad nitong dibdib. She tried to push him away but his steel-like strength didn’t let her move him a bit. She winced.             “Gusto mo ba’ng ipaalala ko sa’yo ang lahat, angel?” his soft whispher made her shiver.             Pinanuyuan siya ng lalamunan ng marinig ang mapang-akit na boses nito. His husky voice made her dredge up things that she swore to forget. Ipinilig niya ang ulo. She shouldn’t muse over that night again…not now, not ever. “C-can you not get it? I am running away from you.” sa wakas ay nagawa niyang sabihin. Nakita niya ang pagkunot ng noo nito.             “Why?”             “It’s because I feel so ashamed of what happened! Hindi mo ba naiintindihan iyon?” hindi niya napigilang sumigaw. Hindi niya alam kung manhid ito o nagtatanga-tangahan lang.             “We both wanted what has happened.” he said matter-of-factly. “What’s there to fuss about? Bakit mo pa ako kailangang iwasan?”             “What happened was already in our past. Happened na nga e, diba? Past tense na. Meaning, dapat na nating kalimutan iyon. Alin ba doon ang hindi mo naiintindihan? Hindi ko alam kung talagang mahina ka lang pumick-up kaya hindi mo nakukuha kung bakit lagi kitang tinatakbuhan o talagang balak mo lang akong asarin. And what’s there to fuss about? You can say that, because you’re a guy!”             “I don’t see your point.”             “My point is, let me go. I want to forget everything that has happened between us.”             “I can’t.”             “B-bakit?”             Napigil niya ang paghinga nang maramdaman ng kanyang palad ang malakas na pagtibok ng dibdib nito. Hindi makapaniwalang napatitig siya gawapong mukha nito. Katulad ba niya ay nagwawala rin sa lakas ng pagtibok ang puso nito? Katulad ba niya ay hindi rin ito halos makahinga ng maayos dahil parang sasabog na ang dibdib niya sa sobrang kaba? Katulad rin ba niya itong hindi makapag-isip ng tama dahil sa dayuhang emosyong biglang lumukob sa kaibuturan ng kanyang puso?              “Because I am a man with responsibility. Gusto kong panindigan ang nangyari sa atin.”             Tigalgal na natutop niya ang bibig sa narinig. Ano daw? Paninindigan nito ang nangyari sa kanila? She laughed frantically. Halos hindi matapos tapos ang pag-iling niya. She couldn’t believe the man. Mababaliw siya sa lalaking ito. “You’re crazy.”             “I guess I am.”             She halted. She saw determination in his fiery eyes. Nagsimula nang mamuo ang inis niya para sa lalaki. “Know what, nakakainis ka. Ano ba talagang problema mo? Hindi naman ako naghahabol para mapanindigan mo ah! Gaya ng sabi mo, pareho nating ginusto iyong nangyari. So what’s eating you? Hindi ko hinihiling na panindigan mo ako. So free yourself from guilt and just let me go.” pumiksi siya. He hesitantly let her go. Kahit paano’y nakahinga siya ng maluwag.             “But you were a virgin when I took you, for Pete’s sake!” he hissed.             Hindi siya agad nakaapuhap ng pwedeng sabihin. He was right, ito ang unang lalaking pinag-alayan niya ng kanyang pagkabirhen. Napatungo siya. “P-pero hindi mo naman kasalanan ang nangyari. Pareho lang tayong nadala ng pagkakataon. I am matured enough to accept things like that. Hindi kita sinisisi sa nangyari.”             “Ako pa rin ang lalaki. At ang lalaki dapat marunong kumontrol sa mga sitwasyong kagaya niyon. I lost control. Kaya kailangan kitang panindigan.”             For the first time in her twenty-five years of existence, she felt very overwhelmed. How can such a man exist? Kung kagaya lang sana ito ni Rico, she would have been the luckiest girl on earth. Napakaswerte ng babaeng iibigin nito. Pinigilan niya ang mapangiti sa katatatagan ng paninindigan nito. Magkagayon pa man, hindi siya sakim sa pang-unawa para ipaako rito ang isang bagay na batid niyang ginusto rin naman niya.             “I told you, hindi kita inoobligang panindigan ako. Let’s be matured enough to forget everything that’s happened between us. Why are you being like this? I don’t get you. Iyong ibang lalaki nga, tinatakbuhan pa iyong mga nabubuntis nila. Pero ikaw, hindi ko alam kung ano’ng problema mo at gusto mong panindigan ang isang bagay na hindi ko naman hinihiling na panindigan mo.”             “You don’t get my point, do you?” mukhang malapit ng maubos ang pasensya nito.             “What exactly is your point?” hamon niya.             “Handa akong panagutan ang bata.”             Kung nagkataong detachable lang ang panga niya, malamang na kanina pa nalaglag iyon at nagpagulong-gulong sa lupa. “B-bata? Ano ba’ng pinagsasasabi mo?”             “Maaaring nasa sinapupunan mo ngayon ang anak ko.”             “Oh my.” muli siyang napatutop sa bibig. “This is getting crazier and crazier.” napahawak siya sa sentido at mariing napapikit. “You must be a psycho or something.”             “We did “it”. Kaya hindi malayong nasa tiyan mo ngayon ang anak ko.”             “Pero minsan lang naman nating ginawa iyon! What the heck is wrong with you?” napipikang asik niya. Ni hindi nga sumagi sa isip niya na buntis siya e, so how can he…Argh!             “We did not use any protection.”             Nakagat niya ang dila nang marinig ang naging sagot nito. “P-pero…”             “And it wasn’t just once. Alam kong alam mo na maraming beses natin iyong ginawa. Higit pa sa isang beses na sinasabi mo.” he grinned. Parang sinilaban siya sa mukha nang makita ang nakakalokong pagngisi nito. Bigla siyang na-conscious sa malagkit na mga tingin nito sa kanya. Ngayon pa siya nahiya rito, gayong nahawakan at nakita na nito ang lahat sa kanya? Oh come on, Lira! “I am certain, w-wala tayong nabuo.” tigas na iling niya.             “I have to be sure.”             “I can always buy a pregnancy test kit. I know that the result would be negative.”             “I don’t trust those kinds of stuff.”             “At ano’ng klase ng proof naman ang gusto mo, aber?” he shrugged in response. “You’re crazy.” she scowled. Hindi kaya may saltik ito sa ulo? She wondered. Sayang, gwapo pa naman. At masarap humalik at…letsugas ka Lira! Stop it!             “We need to go to the doctor and be sure.”             “At ano ang gusto mong gawin ko, ang sumama sa’yo sa ospital? And then what, sasabihin ko sa doctor na, hey doc! Gustong makasiguro ng lalaking naka-one night stand ko na hindi ako buntis. Isang gabi lang kaming nagsama, may nabuo ba?” she sarcastically remarked.             Ito naman ang nanatiling tahimik. Tila nag-isip ito dahil sa sinabi niya.             “Please, tigilan mo na ako. This is pointless. Wala kang mapapala sa akin.” pangungumbinsi niya. “This is insane. I have to go. Kanina pa ako hinihintay ng mommy ko.” ni hindi na niya hinintay ang sagot nito. Mabilis niya itong tinalikuran at iniwang nakatulala.             She smiled triumphantly. Siguro naman ay hindi na siya nito guguluhin pa.      ***               For the next hours, Lira hasn’t seen him. Ang him na tinutukoy niya ay ang mismong lalaking ipinagtatabuyan niya kanina.        Hindi niya maintindihan ang sarili. Ipinagtabuyan niya ito pero ngayon ay hinahanap naman niya. What the heck has gotten into her? Bakit niya kailangang pag-aksayahan ng panahon ang lalaking iyon?             Iginala niya ang tingin. Lyka’s party seemed to last forever. She sighed. Hindi siya sociable na tao, kaya siguro feeling niya ay O.P. siya. She walked and walked, and later found herself at the patio of the house. Mas maganda pala ang view doon. Tago at mas tahimik.             Hapong naupo siya sa isa sa mga bench na naroon.             Kung hindi ba siya niloko ni Rico, matutuloy din kaya ang matagal na nilang planong pagpapakasal? Would she have been happy like her cousin if her big day has come? Madaming bagay ang gumugulo sa kanya. Madaming bagay ang pinagsisisihan at pinanghihinayangan niya. Naroon pa rin ang galit niya para sa kaibigan at dating kasintahan. Pero mas lamang ang awa niya sa sarili. How stupid can she get? Ni hindi niya nalaman ang relasyon ng mga ito.             After what has happened, hindi pa niya nakakausap sina Rico at Vivian. Kahit na ayaw niyang makita pa ulit ang dalawa, gusto pa rin naman niyang marinig ang rason ng mga ito kung bakit at paano siya nagawang lokohin ng mga ito. Pero alam niya sa kanyang puso na natatakot siyang marinig ang paliwanag nila. Siguro, hindi pa rin niya matanggap ang katotohanan. Gusto niyang paniwalain ang sarili na siya lang ang biktima. Na siya lang ang nasaktan.             Tears started to swell up her eyes again. Mabilis niyang pinunasan ang mga luha. Lagi niyang sinasabi sa sarili na matapang siya, pero sa tuwing nag-iisa siya, nararamdaman niya ang pagiging mahina. Naging masama ba siyang babae para magawa siyang lokohin ni Rico? Naging masama ba kaya siyang kaibigan para magawa siyang traydurin ng kanyang bestfriend na si Vivian?             Natigil siya sa malalim na pag-iisip nang makarinig siya ng mahinang yabag palapit sa kanya. Her world seemed to have stopped when she saw the man who broke her heart—Rico. Kahit na gustung-gusto niyang tumayo at tumakbo palayo ay hindi niya magawa dahil parang napako ang mga paa niya sa lupa. She remained unmoved as she hatefully stared at her ex-boyfriend.             “L-lira…” anas nito.             “What are you doing here?” hindi niya itinago ang galit sa lalaki. Nakita niya ang pagdaan ng sakit at pagsisisi sa mga mata nito. She ignored the sympathy she felt when she saw his misty eyes. She couldn’t let her guard down. Alam niyang magagawa ulit siyang paikutin ni Rico kung gugustuhin nito dahil mahal na mahal pa rin niya ito. At hindi niya mapapayagan pang mangyari ulit iyon. She has to remain strong.             “I wanted to explain myself.”             “What’s there to explain about?”             “What you saw…with Vivian, I mean. I wanted to explain. L-lira, please—”             “Cut the crap Rico! Kahit ano pa’ng sabihin mo, nagawa ninyo na akong lokohin! There’s no use in explaining. I don’t want to hear it.”             “Please, listen to me. Hindi namin ginusto ni Vivian iyong nangyari. We wanted to tell you everything, pero hindi na kami nagkaroon ng pagkakataon. Walang kasalanan si Vivian. Hindi niya ginusto ang nangyari. We both fell in love. Pilit naming pinigilan ang mga nararamdaman namin para sa isa’t isa. Pero…hindi namin kinaya. Please forgive me. Please forgive us.” pagsusumamo nito.             It was the most painful story she has ever heard. Her tears kept on pouring, para bang wala ng katapusan ang pagluha niya. It was painful. Ito na ba ang sinasabi ng marami na, truth hurts? “B-bakit kailangang kay Vivian pa? Bakit?”             “I don’t know. Kahit ako, iyan din ang madalas kong itanong sa sarili ko. Vivian and I didn’t plan this. It just…happened.”             “Ibig mo bang sabihin, hindi ninyo ginustong saktan ako? Hindi ninyo ginustong lokohin ako, ganon ba? Pero Rico naman, nagawa ninyo na!” she outburst.             “I’m sorry, I’m really sorry.” he tried to hold her, but she stepped back.             “Leave me alone Rico. And never come back again.”             “Lira…”             Hindi niya napigilan ang sarili. She ran away from him. She has to. Kung hindi ay masisiraan siya ng ulo. She didn’t care about the apprehensive look she caught from the people she passed by. Hindi niya na inisip na magkakaroon ng eksena ang ginagawa niyang pagtakbo habang tumatangis paalis. Basta ang tanging nais niya ng mga sandaling iyon ay ang makalayo kay Rico. Ang makalayo mula sa mga paliwanag nito. Ang hindi marinig ang pagsusumamo nito para sa pagpapatawad niya. She didn’t want any of those.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD