Story By EX DE CALIBRE
author-avatar

EX DE CALIBRE

ABOUTquote
A professional writer is an amateur who didn’t quit.” — Richard Bach Hello! I am also known as Xandria of Precious Hearts Romances and Eunice Xyra of My Special Valentine. :-)
bc
ROSE'S THORN PHR (COMPLETE)
Updated at Dec 3, 2020, 23:47
Sabi ng iba, life is like a rose daw, full of thorns. Kaya ba ganoon ang peg ng buhay ni Rose Sagrado, isang simpleng dalaga na nagkamaling makadaupang-palad si Thorn Contreras—ang living “tinik” ng buhay niya? Unang pagkikita pa lang nila ng aroganteng binata ay nagdeklara na sila ng World War sa isa’t isa. Kahit ano ang pilit nilang pag-iwas ay laging nagtatagpo ang mga landas nila. Pero parang nagpa-power trip ang tadhana sa kanila dahil isang araw ay bigla na lang tumibok ang puso nila para sa isa’t isa. Kaso, kung kailan naman nagsisimula na silang kilalanin ang isa’t isa at amining nagkakagustuhan na ay saka pa nila nalaman ang masalimuot na nakaraan ng kanilang lolo at lola. Isang nakaraang sisira sa papausbong nilang pag-iibigan. Bigla tuloy naisip ni Rose na sana nga, “life is full of thorns” na lang. Para hindi man maging sila ni Thorn, may iba pa siyang makilalang “tinik” sa buhay niya. Kaso, ang lakas talagang mang-bad trip ng tadhana. Dahil iisang thorn lang pala ang kayang kilalanin ng puso niya… “I don’t know anything about love but I am willing to discover the meaning of love with you. Kung anoman ang maaaring kahinatnan ng gagawin natin ay handa ko iyong tanggapin, makasama lang kita.” All Rights Reserved to Precious Pages Corp.
like
bc
My Night Angel (PHR-COMPLETE)
Updated at Nov 1, 2020, 23:41
“If you missed me that much, you can give me a kiss. I wouldn’t mind.” Nakilala ni Lira si Yvo sa mga panahong katatapos lang niyang malaman ang panlolokong ginawa sa kanya ng ex-boyfriend at best friend niya. Dala ng matinding paghihinagpis, nagawa niyang ipagkaloob ang sarili kay Yvo kahit hindi niya ito lubos na kilala. Labis na hiya ang nadama niya sa kanyang nagawa. Itinuturing siyang isang anghel sa kanilang pamilya. Bago matapos ang gabing iyon, iniwan niya si Yvo nang walang paalam. Para sa kanya, hindi na nila dapat makilala pa ang isa’t isa. Pagkalipas ng halos isang linggo, muling nakita ni Lira si Yvo sa kasal ng kanyang pinsan. Buong akala niya, wala nang halaga para dito ang lahat ng nangyari sa kanila nang gabing iyon. Ngunit laking gulat niya nang bigla nitong ipilit ang sarili sa kanya. Hindi pa ito nakontento, ipinakilala pa nito ang sarili sa buong pamilya niya at sa ex-boyfriend niya na boyfriend niya ito! Magagawa pa ba niya itong ipagtabuyan, lalo pa at nagsisimula na itong magkaroon ng espesyal na lugar sa puso niya? A/N: All rights reserved to Precious Pages Corp. This story was published on 2012.
like
bc
Sun and Moon
Updated at Oct 17, 2020, 18:48
It all started with a dare. Challenged by her fans, Moon Johnson, a world-famous vlogger, had to steal a kiss from the fifth guy who walked out of the elevator. Then came Sun Smith, the genius, cold-blooded Mathematician who caught her eyes with his all-pervading gaze—the fifth guy. Moon fulfilled the dare and ran away—only to be caught by Sun in the McGregor High School, where she transferred to escape his wrath when they unexpectedly crossed paths. Wait, what? She was supposed to evade his fuming fangs, but why did she fall into his arms and became his slave? In the solar system, Sun and Moon never met. But in McGregor Senior High School, Sun and Moon will always collide—bark at each other and then…fall in love? P.S. Please don't forget to add this to your library! Love ya! <3
like
bc
Someone I Love (PHR-COMPLETE)
Updated at Sep 3, 2020, 20:42
"Bakit sa tuwing nagseselos ka eh ang cute cute cute cute mo?" Minahal ni Airen si Luigi ng higit pa sa buhay niya. Ngunit dahil sa pagmamahal na iyon ay napilitan siyang iwan ito ten years ago. At kagaya ng inaasahan niya ay galit ang naramdaman nito dahil sa ginawa niya. Kaya naman nagbalik ito sa buhay niya upang maghiganti. Sa lahat naman ng paghihigantihan, siya na siguro ang pinakatanga. Paano'ng hindi, eh siya pa mismo ang nag-offer rito na paghigantihan siya para lang mapatawad siya nito! She was desperate when she left him but she was far more desperate when she saw him again—desperada siyang makahingi ng tawad rito. She was asking for another chance, kahit man lang para sa friendship na lang. Pero bakit ganon, habang tumatagal na sinusuyo niya ito ay nag-iiba ang "another chance" na gusto niyang makuha mula rito? Pwede ba niyang bawiin ang friendship na nasabi niya noon? Hindi ba pwedeng, mahalin na lang ulit siya nito? A/N: This story is dedicated to all AIRENS worldwide. Para sa rating lahat ito! And if you're a certified LEE SEUNG GI fan, you'll know why this story means a lot to me. naks ALL RIGHTS RESERVED TO PRECIOUS PAGES CORP.
like
bc
The One I Used to Love PHR (COMPLETE)
Updated at Sep 2, 2020, 18:53
Second Chances are given to deserving people. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay dapat bigyan ng pangalawang pagkakataon ang mga taong nakagawa ng kamalian sa atin. Lalong lalo na kung ang taong iyon ang sumira sa sa buhay mo. Basahin ang kwento nina Ruthie and Lay Raven. Patutunayan nila na ang pag-ibig ay kusang dumarating. Na ang pag-ibig ay may nakatakdang "timing." Will fate give them another chance to love? ALL RIGHTS RESERVED TO PRECIOUS PAGES CORP
like
bc
LIGHTS, CAMERA, SCANDAL??! (COMPLETE)
Updated at Jul 24, 2020, 19:53
Biglang nagtrending ang tambalang Krisstine Sandoval at Blitzen Claus nang tumabo sa takilya ang pelikulang pinagbidahan nila. Dahil doon ay halos araw araw pinag-uusapan ang tambalan nila sa twitter at facebook. Naging top searched artists din sila sa google! Ang dahilan? Tumabo din kasi sa social media ang kumakalat na s*x video diumano nila. Dahil doon ay nag-ala circus ang career nilang dalawa. Paano nila ngayon isasalba ang mga career na pareho nilang iniingatan? May dapat pa siyang patunayan sa kanyang pamilya habang si Blitzen naman ay kailangan pang hanapin ang pinakaimportanteng babae sa buhay nito! Inakala ni Krisstine na dahil sa pagkakadawit niya sa pangalan ni Blitzen ay career lang ang manganganib sa kanya ngunit nagkamali siya. Dahil sa dalawang linggong nakasama niya ito ay maging ang puso niya'y nanganganib na ring makuha ng binata. Hanggang sa dumating siya sa puntong kailangan na niyang mamili sa dalawa. Alin nga ba ang mas matimbang sa kanya? Ang puso o ang career niya? Don't forget to click the (heart) FOLLOW Button, para ma-add po ito sa inyong library. Salamat po! ?
like
bc
DASHER : THE DASHING DEVIL (COMPLETE)
Updated at Jul 24, 2020, 18:27
&quot;I will kiss you until you ran out of breath. I will kiss you until you'd scream my name, like you wanted me to kiss you forever. I will kiss you until you kiss me back. And then I won't stop.&quot; Dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay nagkasala-salabit ang landas nina Donnie Marie at Dasher. Nasa isang misyon siya noon nang biglang humarang sa daan niya si Dasher. Iniligtas siya nito sa isang tiyak na kapahamakan ngunit kapalit naman niyon ay ang pagkatuklas nito sa kanyang sikretong katauhan bilang si Mystique Agent&mdash;isang private investigator. Sinukol siya nito sa isang blackmail at inatasang lutasin ang panghuhuli sa lunatic stalker nito. Sa pagsasama nila sa paghahanap sa stalker nito ay hindi niya inasahan na sa kabila ng kagaspangan ng ugali nito ay nagawa niya itong mahalin. Dahil rito ay natuto siyang magtiwala sa iba, natuto siyang aminin ang kanyang mga kahinaan. Ngunit dahil rin dito ay natuto siyang matakot&mdash;hindi para sa sarili niya kundi para sa taong mahal niya. Hindi niya pwedeng idamay sa masalimoot niyang buhay bilang isang si Mystique Agent ang payapa nitong buhay kaya kahit masakit ay kailangan niyang iwan ito. Ngunit makakaya ba niyang gawin iyon kung nabihag na nito ang buong puso niya? All Rights Reserved to : Precious Hearts Romances
like
bc
Ai Loves Yu (FILIPINO) COMPLETE
Updated at Jul 20, 2020, 18:33
Kilala si Aira sa buong Maliboot Market bilang isang babaeng mainitin ang ulo, palengkera, magaslaw kumilos at magsalita. Kaya naman nang maka-engkwentro niya si Yuri Hanigami, ang hinayupak na sakang na suplado, matalino, maarte, gwapo, napakayamang malign na anak ng may-ari ng lupang kinatitirikan ng Maliboot Market ay hindi na nagtaka ang lahat. Sa katunayan ay inabangan pa ng lahat ang pagsasagupaan nila. Ngunit kung inakala niyang wala nang makakatalo sa pagiging pasaway, pagiging isip-bata at pagiging palaban niya ay mukhang nagkakamali siya. Pinatunayan ng Hapon na iyon na nahanap na niya ang katapat niya sa pamamagitan ng pagganti sa bawat birang ibinabato niya rito. Together, they created a ruckus and messed with each other. Ngunit hindi niya inasahan na madadawit pati ang puso niya sa pakikipag-asaran niya rito. Sa lahat ng asaran at gantihang namagitan sa kanila, ang pagwasak nito sa puso niya ang hindi niya kinaya. Ah, nakakainis! Bakit hindi nito kayang gantihan ang pagmamahal niya?
like
bc
HAPPY BIRTHDAY, SHINICHI (DETECTIVE CONAN FAN FICTION)
Updated at Jul 12, 2020, 22:58
RANSHIN LOVE STORY! ^___^ Here's the teaser : Kay tagal na panahong inasam ni Shinichi na muling makabalik sa kanyang dating anyo&mdash;sa binatang si Shinichi. Ilang beses niyang sinubukang tuklasin ang paraan upang makalaya siya mula sa katawan ng pitong taong gulang na si Conan Edogawa, pero sa tuwina ay bigo siya. It was all because of that darned Black Organization! Kung hindi lang sana siya pinainom ng APTX4869 ay hindi sana siya nagkagayon. Balak niyang huliin at pagbayarin sina Gin at Vodka upang maibalik niya sa dati ang kanyang katawan at katauhan. Pero mukhang hindi iyon ang nararapat niyang unahing pag-ukulan ng pansin sa ngayon. Why, his bestfriend Ran, will be going out on a date! Anak ng tinapa! Sa mismong araw pa ng birthday niya? Hindi siya makakapayag! Hindi pa ito pwedeng makipagdate sa iba hanggat hindi niya naibabalik ang dating katawan. Pero may magagawa kaya siya, lalo na kung isang pitong taong gulang na bata lang ang tingin nito sa kanya? Of course, he&rsquo;s a genius. Hindi siya kinilala bilang isang sikat na Detective kung wala siyang magagawa. Handa niyang itaya ang lahat huwag lang mapunta sa iba si Ran. Magtagumpay naman kaya siya sa binabalak niya?
like
bc
IN PAPA BEAR'S ARMS (COMPLETED)
Updated at Jul 8, 2020, 01:35
Here's a cutesy whirlwind romance between a modern day Goldilocks who ran off to the woods to avoid the wolves who wanted to kill her and her sexy and dangerously handsome mysterious "Papa Bear," who actually lived in the woods together with his cute little twin bears.
like