“You really are crazy! How can you say that in front of my family?” hindi matapos-tapos ang pagbubunganga ni Lira sa lalaking prente pa ring nakaupo sa harap niya. Naroon sila sa bahay niya. Iniuwi niya agad ang lalaki matapos nitong ipabida sa lahat na boyfriend niya ito.
Para siyang lumusot sa butas ng karayom bago sila nakaalis kanina. Siguradong sa kanyang pagbabalik sa bahay ng mga magulang ay madidikdik siya tanong ng mga ito. Lalo na ng kanyang daddy. With that thought in mind, hindi niya napigilan ang napangiwi. She glared at him when he didn’t even bother to react about her outburst.
He shrugged. His unfeeling answer made her feel more furious. She scowled at him. “What were you thinking? Gumawa ka pa ng eksena! Usap-usapan na ako ngayon. Ano na lang ang sasabihin ng mga tao sa akin, na nag-iiiyak ako dahil niloko ako ng exboyfriend ko, iyon pala may ibang lalaki rin ako?”
“And what do you want, ang kaawaan ka ng mga tao dahil napakatanga mo? Na ni hindi mo nalaman ang relasyon ng dalawang malalapit na tao sa buhay mo? You wanted to remain to be the victim huh? Tapos ano, iiyak ka tuwing gabi? Now, who’s really crazy? Tell me, angel.”
His words made her freeze. As much as she doesn’t want to admit it, she knew he has a point. Kahit gaano pa kasakit ang mga sinabi nito, hindi niya ito magawang pasubalian dahil batid niyang totoo iyon. Did he just want to save her from humiliation? Dapat niya ba talagang ipagpasalamat na nakialam nga ito?
“W-why did you do that?” she asked in a whisper.
He gave her a knowing look. Napasinghap siya sa napaka-simpleng sagot nito. Mayamaya pa’y napangiti na siya ng tuluyan. She remembered that sweet little conversation between them. “Unlike you, my memory is still tight.” anito.
“Y-you still remembered. Akala ko, beertalking lang iyon.”
“I always mean what I say.”
“I am always here, whenever you needed help, always remember that I am always here. Kung babalikan ka ng gagong iyon, ako’ng bahala sa’yo! Show him your worth, angel. Hindi ang tipo mo ang basta na lang iniiwan at niloloko. You’re a gem. I will always protect you.”
Nangilid ang luha niya nang maalala ang sinabi nito. Ngunit kahit gaano pa kaganda at kasarap sa tengang pakinggan ang lahat ng mga sinabi nito ay batid niyang maaaring bunga lamang iyon ng epekto ng alak kaya nito nasabi ang mga bagay na iyon. She didn’t want to risk…again. This time, tinitiyak niyang magiging mas maingat na siya. She can’t risk her heart… again. Once is enough, twice is just too much for her.
“E-everything about that night, was just a dream. H-hindi ko iyon kailanman sineryoso.” she said in an uptight tone.
Nakita niya ang pagtatagis ng mga bagang nito. Hindi naman siguro makakabawas sa p*********i nito ang mga sinabi niya. It was just a one-night stand, anyway! Siguro naman ay hindi siya ang unang babaeng naikama nito. Sa hitsura ba naman nitong iyon, tiyak niyang maraming mga babae ang handang magpakamatay makasama lang ito.
“Gusto pa rin kitang panindigan.” he uttered while gritting his teeth.
“W-why?” naiiritang tanong niya.“Alam mo ba’ng hindi talaga kita ma-gets?”
“Ano ba’ng mawawala sa’yo?”
Pinamulahan siya ng mukha dahil sa sinabi nito. Tiyak niyang dahil iyon sa pinaghalong hiya at inis rito. Kulang na lang ay sabihin nitong, “Ano pa ba’ng mawawala sa’yo eh nakuha ko na?”. Pinigilan niya ang sagutin ito. She pursed her lips, instead.
“Aren’t you glad I came just in time? It’s like hitting two birds in one stone. You can use me to show your jerk ex-boyfriend how stupid he was because he’s let you go while I can make sure that you aren’t really pregnant.”
“So, ano’ng gusto mong palabasin ngayon, na dapat ko pang ipagpasalamat ang press release mo kanina na boyfriend kita, ganon ba?” itinuloy niya ang paggagalit-galitan. Pero sa isang banda, mukhang lumilinaw na sa kanya ang puntong nais nitong iparating sa kanya. Bakit nga ba hindi? It’s like saving her pride. Would it hurt her? She guessed not.
“You really should be thankful. Iniligtas kita sa mas malaking kahihiyan. What were you thinking that you ran away from that jerk and stopped in the middle of the crowd crying like crazy?” asik nito.
He gave her an accusing look, para bang pinagtaksilan niya ito. Kung makaasta, akala mo naman asawa ko! Hindi na siya sumagot kaya napayuko na lang siya. She’s just had too much. Nang maalala ang nangyari sa pagitan nila ni Rico kanina ay muling nanubig ang kanyang mga mata. She heard his impatient sigh.
“A Mondragon will always be a Mondragon. Kung sakaling nasa sinapupunan mo ngayon ang anak ko, dapat ko siyang pangalagaan ngayon palang. Kaya wala kang magagawa kung gusto kitang laging nakikita.” anito sa mababang boses.
“B-but does it need to be like this? Kailangan mo pa ba’ng magpanggap na boyfriend ko?” napaangat siya ng mukha.
“Whoever told you it’s just a pretense? I am you’re boyfriend, for real.”
“W-what?” bulalas niya. “T-teka lang ha?” she wavered. “First time mo ba?”
“Huh?”
“Ang sabi ko, first time mo ba’ng makipag-s*x? Why are you being like this? Dahil lang sa one-night stand, nagkakaganito ka na? Hindi ako maniniwala kung sasabihin mong oo, sa hitsura mong iyan?”
“Sabagay, sa gwapo kong ito, natural lang na habulin ako.” he flaunted with a big smile. Narinig niya ang malakas na pagtawa nito ng makita ang pagsimangot niya. “But you can count it as my first time.”
“H-ha?”
“Hindi ko first time na makasama sa kama ang isang virgin…” mukhang nabasa agad nito ang nasa isip niya. “…pero first time kong hindi gumamit ng proteksyon. You should know that a Mondragon is always a successor. Ang susunod na magiging Mondragon ay nakatakdang magmana ng lahat ng kayamanan ng pamilya namin. Siguro naman ay naiintindihan mo na kung bakit ganito na lamang kahalaga para sa akin ang siguraduhing wala ngang Mondragon diyan sa tiyan mo ngayon.”
Napapitik siya sa hangin. Naalala na niya kung bakit parang pamilyar sa kanya ang apelyidong binanggit nito kanina. Mondragon? Ang mga business mogul ng bansa na nag-uumapaw sa kayamanan? Ang may-ari ng pinakamalaki at pinakasikat na hotel sa Pilipinas?
“T-the Mondragon Hotels?” hindi makapaniwalang anas niya. People may call it luck. Nakasama niya ang isang lalaking ubod ng gwapo at saksakan ng yaman at impluwensya. But not on her part. Dahil alam niyang mas lalo siyang mahihirapang ipagtabuyan ang isang katulad nitong hindi sanay na pinahihindian. Isa pa, hindi naman talaga siya buntis!
“From now on, I will be your boyfriend.”
“A-at sino ang may sabi? Hindi ako papayag!” napatayo siya.
“I am not asking for your permission.”
“Hindi ako buntis! Hindi ako—” nanlaki ang mga mata niya ng bigla siyang makaramdam ng biglaang pagkahilo. Kasunod niyon ay ang pagkulo ng tiyan niya. And the next thing she knew, nagtatatakbo na siya patungo sa banyo. Pagal ang katawang napasandal siya sa dingding matapos niyang mailabas ang halos lahat ng laman ng tiyan niya. Habang pinupunasan ang bibig ay biglang bumukas ang pinto.
Bumungad sa kanya ang nagbabagang tingin ni Yvo. Natigilan siya. Mabilis siyang umiling para pasubalian ang maling akala nito. Ngunit ng sinubukan niyang ibuka ang bibig ay bigla na naman siyang sumuka. Mabilis siyang dinaluhan ng binata at hinagod sa likod.
“Now tell me you aren’t pregnant.” anito sa nag-aakusang tinig.
She couldn’t say her piece. Hindi niya magawang magrason dito dahil sa tuwing ibinubuka niya ang bibig ay mas lalo siyang nakakaramdam ng pagsusuka. Pinagpapawisan na rin siya ng malamig. Ramdam na niya ang panghihina ng katawan kaya kahit ayaw niya ay nagawa niyang sumandig kay Yvo.
Nakailang pagsusuka pa siya bago tuluyang nawala ang pagkahilong naramdaman niya. Maingat siyang dinala ni Yvo sa sala at inihiga sa mahabang sofa. Umalis ito sa harap niya. Pagbalik nito’y may tangan na itong isang basong tubig. “Here, uminom ka muna.” seryosong alok nito.
She silently reached for the glass of cold water and took a sip. She felt better. Wala na rin ang pagkahilong nararamdaman niya kanina. Pinilit niyang tumayo ngunit mabilis siyang pinigilan ni Yvo. “K-kaya ko na.”
He took a deep sigh. Mayamaya’y inalalayan siya nito upang makaupo siya ng maayos. Nanatili itong nakatayo sa harap niya. Mukhang nahulog ito sa malalim na pag-iisip. Mataman lang itong nakatitig sa kanya. She felt conscious, kaya napayuko siya.
“Ngayon ka lang ba nagsuka?” mayamaya’y usisa nito.
Kumunot ang noo niya sa tanong nito. She looked up on him. “Well, t-two days ago, it happened again. Pero—”
“Have you gone to the doctor yet?”
“N-no. Not yet.” iling niya.
“You should have gone to the hospital!” sigaw nito.
“Ano ba? Bakit ka sumisigaw?”
“Fix yourself. Pupunta tayo sa ospital, ngayon din.”
“N-no way!” tanggi niya. Alam niya ang iniisip nito. Pero sigurado siyang hindi siya buntis. “My peptic ulcer has just gotten worse. Don’t worry yourself too much. Hindi lang ako nakapag-agahan kanina kaya umatake iyong sakit ko.”
He gave her a skeptical look.
“Hindi ako buntis, kung iyon ang iniisip mo.”
“Then why don’t you want me to take you to the hospital?”
“Ano’ng gagawin ko dun?”
“Dammit Lira! You need to be checked!” napipikang anito.
Natigilan siya sa narinig. He called her Lira. First time na tinawag siya nito sa kanyang pangalan. Strange, she thought she liked how he uttered her name. She shook her head. Ano ba’ng iniisip niya? “I told you, ulcer lang ito. I have my medicine upstairs.”
“Let’s go to the Ob-gyne.”
As expected. She knew he’d say that. She rolled her eyes. “There’ll be no way you could force me to go there. I will never go there!”
“Gusto mong matapos na ang problema mo diba? Gusto mong tigilan na kita? Then come with me. Pupunta tayo sa Ob-gyne ngayon din.”
Biglang sumulak ang dugo niya sa tinuran nito. Sasama siya rito, tapos ano? Kapag nalaman nitong hindi siya buntis, bigla na lang siya nitong iiwan? Matapos nitong ipamalita sa lahat na girlfriend siya nito ay bigla na lang siya nitong iiwan sa ere dahil hindi siya buntis? Ano iyon, double murder sa pride niya? Dalawang beses siyang iiwan ng lalaki? Of course she couldn’t let that happen! Not in a million years! Mabilis niyang pinagana ang isip. “Fine. I have a better idea. Tutal ay makulit ka na rin naman, papayag na ako sa gusto mo. I will be your girlfriend.”
“I can sense the coming of a but.”
“It’s not a but. It’s until.”
“Until when?”
“Until I get my period.”
“P-period?” he repeated.
“Monthly period. Kapag dumating na ang buwanang bisita ko, it will only mean one thing—hindi ako buntis. At iyon na rin ang magmamarka sa “kunwariang” break-up natin. I want Rico to regret for letting me go.” determinadong sagot niya.
“Now we’re talking.” unti-unting nagkaroon ng ngiti ang mga labi ni Yvo.
“Let’s pretend to be lovers.”
“I don’t like the idea.”
“Akala ko ba pumapayag ka na sa suggestion ko?” naguguluhang aniya.
“I want us to be real lovers.”
There came the bomb. Parang may granadang biglang tumama at sumabog sa ulo niya dahil sa sinabi nito. What the hell was he thinking? Ni hindi siya nakapag-react sa sinabi nito.
“We’ll have to date, see each other often, strictly no other boys on the side, eat together, walk together, and have fun together. I want us to do all the normal things real lovers do. Wouldn’t that be nicer?”
So, sinasabi nitong dapat nilang gawin ang lahat? “W-what do you mean, lahat?” Lahat? Does that include kissing? Kumabog ang dibdib niya sa naisip. Of course, he wouldn’t want that. Why would he? She threw him a questioning look.
“I’ll pick you up tomorrow. We’ll have dinner together.” anitong nagsimula nang maglakad.
“W-wait!”
“I have my ways, angel. I’ll pick you up. Rest well. Sleep early and don’t ever skip your meal.” lumingon ito. “Again.” he threathened.
“Is this really happening?” her mind shrieked. Oh my God, this isn’t real!
“Ah…I think I forgot something.” nakangiting naglakad ito palapit sa kanya. Hindi niya agad nahulaan ang balak nitong gawin kaya hindi na siya nakaiwas ng mabilis nitong hinawakan ang batok niya at siilin siya ng isang mabilis ngunit maalab na halik. “See you tomorrow.” he whispered.
Hindi makapaniwalang napatunganga na lamang siya habang pinapanood ang papaliit na likod nito. Wala sa loob na napahawak siya sa kanyang mga labi. D-did he just, kiss me? Napalunok siya at mariing napapikit. What am I feeling? Nasisiraan na yata ako ng ulo.