bc

PROM NIGHT SECRET

book_age18+
65
FOLLOW
1K
READ
family
escape while being pregnant
pregnant
sweet
campus
addiction
like
intro-logo
Blurb

Crush na ni Aria Isabelle Quirino si Travis Rhett Montefalco, ang MVP at heartthrob ng eskwelahan, ngunit tahimik lang niyang minahal ito mula sa malayo dahil sa nobya nitong cheer captain na si Estelle Arancillo. Nagbago ang lahat nang maging magka-groupmate sila at mapansin siya ni Travis. Lumalim ang kanilang koneksyon, lalo na nang maging banta si Ethan Enrile—isang anak ng pulitikong kilala sa pang-aabuso sa mga babae. Naging mas protective si Travis kay Aria, ngunit pinakiusapan siya ni Estelle na lumayo, dala ng pagkakasakit at takot na maiwan.

Sa gabi ng prom—na hindi nadaluhan ni Estelle—pinili sina Travis at Aria bilang King and Queen of Hearts. Matapos sagipin ni Travis si Aria mula sa tangkang pang-aabuso ni Ethan, may nangyari sa kanila sa isang private estate. Kinabukasan, nagising si Travis na wala na si Aria. Sa utos ng isang matinding kasinungalingan ni Estelle—na ginamit lamang siya ni Travis—tuluyan nang lumayo si Aria, kahit hiwalay na pala noon sina Travis at Estelle at itinago lang ito para sa imahe.

Ilang linggo ang lumipas, nalaman ni Aria na siya’y buntis. Dinala siya ng kanyang ina sa New York, kung saan isinilang si Traxx. Kasama niya sa bagong yugto ng buhay si Grey Williams, pinsan ni Travis. Pagkalipas ng anim na taon, itinatag nina Aria, Hailey, at Primo ang PHA Advertising Agency, na pinondohan ni Grey. Isang multi-million dollar contract mula sa Montefalco Empire ang nagbalik sa kanila sa Pilipinas—at muling nagtagpo ang landas nina Aria at Travis, na ngayon ay isang malamig at perpektong CEO.

Dalawang beses na nakasalubong ni Travis si Traxx at ramdam niya ang kakaibang koneksyon sa bata. Nang sa isang beach resort niya muling makaharap si Aria, inamin niya ang katotohanan: si Traxx ay anak niya. Sa kabila ng sugat ng nakaraan, muling nagtagpo ang kanilang mga puso.

Ngunit bumalik si Ethan—ngayon ay Congressman—kasama ang isang tunay na delusyonal at tumakas na Estelle mula sa psychiatric facility. Ginamit ni Ethan si Estelle sa kanyang plano, kinidnap sina Aria at Traxx, ngunit nabuking ang kanyang mga krimen at sadistikong pagnanasa sa mga babae. Siya ay nahuli at nakulong, habang si Estelle ay muling ipinasok sa psychiatric facility at dinala sa ibang bansa para sa paggamot.

Sa huli, sa gitna ng lahat ng sakit at pagsubok, napatawad at nagkatuluyan sina Travis at Aria. Sa kanilang kasal, isang misteryosong lalaki ang dumalo—ang tunay na ama ni Aria—na nagsilbing tahimik na saksi sa isang pag-ibig na sa wakas ay natagpuan ang tahanan nito.

Isang kwento ng pag-ibig, kasinungalingan, kapatawaran, at ikalawang pagkakataon—na nagpapaalala na ang tunay na tadhana ay laging marunong magbalik kung ano ang nararapat.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE "The morning she found out"
Tinatamad bumangon si Aria, at pagtingin niya sa relo ay 6:00 AM pa lang. Kaya humiga pa siya ulit, nakatitig lang sa kisame. Malapit na ang graduation nila, at andami pa niyang kailangan tapusin. Deadlines left and right. Pero ewan, parang wala siyang ganang gumalaw. Hindi naman siya dating ganito. Kahit puyat, laging maaga siyang nagigising. Pero nitong nakaraang linggo, parang iba siya. Napilitan siyang bumangon at nagmadaling naligo. Paglabas niya ng kwarto, naamoy niya ang nilulutong fried rice ng pinsan niya sa kusina. Bigla siyang napatigil, tinakpan ang bibig, at dali-daling tumakbo pabalik sa banyo. Nagsusuka siya. Habang nakahawak sa lababo, nanlaki ang mga mata ni Aria. Dalawang buwan na siyang delayed. Agad siyang nagbihis at dumiretso sa pinakamalapit na pharmacy. Bumili siya ng pregnancy test kit, nanginginig pa ang kamay habang binabayaran ito. Pag-uwi niya, halos hindi siya makahinga habang hinihintay ang resulta. "God, please.....one red line lang, please..." dasal niya habang pinipikit ang mga mata. Pagdilat niya— Dalawang pulang linya. Napatulala siya. Hindi siya makapaniwala. Buntis siya. Nanlamig ang buong katawan ni Aria habang nakatitig sa two red lines. Parang biglang huminto ang mundo niya. Hindi niya alam kung iiyak ba siya o tatawa sa gulat. "No....Hindi Pwede..." mahinang bulong niya, nanginginig ang boses. Napaupo siya sa sahig, hawak-hawak pa rin ang test kit, habang dumadaloy ang luha sa pisngi niya. "Paano nang yari 'to? Hindi naman kami...hindi naman dapat mangyari 'yon. Isang gabi lang naman yun. That Prom Night that supposed to be a secret. Hindi naman sinasadya." Niyakap niya ang kanyang tuhod at pilit pinipigilan ang pag-iyak, pero lalo lang siyang nadudurog. "Ano ang gagawin ko ngayon? Paano ko sasabihin to kay Mommy? Kay Travis? Oh God, hindi niya to matatanggap." Tumingala siya sa kisame, humihikbi. "Bakit ngayon pa?" bulong niya sa pagitan ng luha. Huminga siya ng malalim, pero sa bawat paghinga, parang mas sumisikip ang dibdib niya. "Aria," bulong niya sa sarili, "you have to be strong...kahit hindi mo alam kung paano." HALLS HIGH INTERNATIONAL SCHOOL..... Tahimik lang si Aria, nakaupo sa bench sa hallway, habang nakatitig sa kawalan. Halatang malalim ang iniisip niya. Lumapit ang dalawang kaibigan niya–sina Hailey at Primo. "Tulaley?" maarteng sabi ni Primo, sabay kindat. "May problema ka ba?" tanong ni Hailey, may halong pag-aalala. Parang nagising si Aria sa tawag ng mga ito. "I'm fine, salamat." "Hoy, Aria Isabelle! Alam naming may problema ka, kaya spill the tea!" pangungulit ni Primo. "Okey lang nga sabi ako!" mariing sagot ni Aria, halatang naiirita na. Tahimik silang tatlo sandali, hanggang sa napatingin si Aria sa may dulo ng hallway. Dumaan si Travis Rhett Monteflaco, kasabay ang girlfriend niyang si Estelle. "Ito talagang si Estelle, parang Sawa kung makalingkis kay Travis," komento ni Hailey habang umiikot ang mata. Ngumisi si Primo. "Kaya mo naman siyang agawin, Aria." "Hindi ako mang-aagaw," sagot ni Aria sabay taas ng kilay, pero halatang nasasaktan ang loob. Bahagyang lumingon si Travis sa kinaroronan ni Aria. Saglit na nagtama ang mga mata nila. At sa isip niya – "I miss her." "Babe, any problem?" tanong ni Estelle, halatang napansin ang paglayo ng isip ng nobyo. "Bakit?" balik-tanong ni Travis habang naka kunot ang noo. "You're out of your mind, Travis!" inis na sabi ni Estelle. Hindi na ito nakapagpigil at nag walk-out. Tahimik lang si Travis at pinagmasdan ang papalayong likod ni Estelle. "LQ na naman sila," bulong ni Hailey, bahagyang tumatawa. "Chismosa," sabat ni Primo. "Ikaw din naman," mabilis na balik ni Hailey. Napailing na lang si Aria, pero sa loob-loob niya, hindi niya mapigilang umasa. "Bakit pa rin ako nasasaktan, kahit alam kong hindi dapat?" ARIA'S HOUSE... Tahimik lang ang buong bahay. Nasa loob ng kwarto si Aria, nakaupo sa gilid ng kama, hawak ang unan habang nakatitig sa sahig. Maya-maya, may kumakatok sa pinto. "Aria, anak?" boses ng mommy Emilia mula sa labas. "Yes, Ma," matamlay na sagot ni Aria. Dahan-dahang bumukas ang pinto, at sumilip ang ina niya. "Sabi ng Ate Beatrice mo, hindi ka raw kumain?" tanong nito, halatang may pag-aalala sa boses. "Masama lang po ang pakiramdam ko, pero okey na po ako," sagot ni Aria habang pilit na ngumingiti. "Uminom ka na ng gamot?" tanong ulit ni Mommy Emilia. "Opo, mom." "If you get hungry, may pagkain sa ref, ha?" paalala nito bago lumapit sandali at hinaplos ang buhok ng anak. "Thank, mom." mahinang sagot ni Aria Ngumiti ang ina, saka lumabas ng kwarto at marahang isinara ang pinto. Pagkasara ng pinto, napabuntong-hininga si Aria. Hinawakan ang tiyan niya, mahigpit – parang may gustong itago, o protektahan. "Paano ko sasabihin to kay mama? Paano kung magalit siya?" Nakatitig lang siya sa kisame, at unti-unting bumalik sa isip niya kung paano nagsimula ang lahat. Ang Prom Night, Ang sayaw nila ni Travis, Ang mga tahimik na sandali na hindi na niya maibabalik. Ngayon, lahat ng iyon...may bunga na kailangan harapin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

After Divorce: The Secret Wife Became The Zillionaires’ Princess

read
47.6K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
322.1K
bc

My Dangerous Ninong Mafia Boss

read
35.1K
bc

The Forgotten Wife

read
43.2K
bc

Hidden Heiress of Daemon Delavega Jr.

read
102.4K
bc

Deeper, Ninong Isidro

read
29.7K
bc

Built to break you, meant to love you-SPG

read
22.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook