MONTEFALCO TOWERS – CONFERENCE ROOM Dumating sina Hailey at Primo para sa contract signing ng AD Agency nila with Montefalco Corporation. “Aria!” masiglang bati ni Hailey sabay yakap at beso-beso sa kaibigan. Sumunod din si Primo na agad yumakap kay Aria, halatang miss na miss din ito. “So, how was the reunion with your past?” nakangising tanong ni Primo, sabay kindat. Napasinghap si Aria at mabilis na bumulong sa dalawa. “Watch your mouth, guys. May audio ang CCTV dito.” Tumawa lang sina Primo at Hailey sa babala ni Aria. “Don’t worry, girl. Our mouths are zip!” sabay pa-zipping motion ni Primo, dahilan para mapailing si Aria. “Nasaan pala si Grey?” tanong ni Hailey, kunwaring casual pero may halong kilig sa tono. Agad namang sumingit si Primo, nakangisi. “Why? Miss mo na?” tudy

