Makalipas ang ilang sandali ay huminto ang sasakyan sa isang mataas na lugar kung saan tanaw ang buong siyudad. Unang lumabas si Travis, lumakad papunta sa front seat at binuksan ang pinto para kay Aria. "Ano ang gagawin natin dito?" tanong ni Aria, may halong kaba sa boses. Ngumiti si Travis, may kasamang biro sa tono. "Don't worry," sabi niya, sabay kindat, "kahit dulo ng mabango mong buhok, hindi ko sasaktan." Dahan-dahan siyang bumaba at namangha sa tanawin. "Ang ganda...." bulong ni Aria Tahimik lang si Travis habang pinagmamasdan siya. The sunset breeze lifted her hair, at parang bumagal ang oras sa paningin niya. Dahan-dahan siyang lumapit mula sa likuran, marahang ipinulupot ang mga kamay niya sa beywang ni Aria. Nagulat si Aria pero hindi makapalag. Sa halip, parang napawi a

