CHAPTER 7 "Electrifying Moment"

1116 Words
HALLS HIGH INTERNATIONAL SCHOOL - BENCH AREA.... Hawak ni Hailey ang braso ni Aria habang si Primo naman ay nakaalalay sa kabila. Pinaupo nila ito sa bench sa tambayan, halatang gusto nilang malaman ang tea. "Ano 'yun, Aria?" tanong ni Primo, nanlalaki ang mata na parang nakakita ng multo. "Ano?" balik ni Aria, kunot-noo pero halatang kinakabahan. "Aria Isabelle, nakita namin yung nangyari sa lab. Yung pagyakap ni Travis sa'yo," sabi ni Primo, parang investigative reporter. "Oo nga, girl! He almost kissed you!" dagdag ni Hailey, sabay tili ng mahina. "Huy, ang dumi ng mga braincells ninyong dalawa! hindi siya nakayakap sa akin, at tsaka....ano...." Biglang natigilan si Aria, hindi malaman kung paano tatapusin ang linya. Sabay silang tumingin, sabik marinig ang kasunod. "Ano?" sabay na tanong nina Hailey at Primo, parehong nakahawak sa tuhod niya. "Wala nga eh. Tinulungan lang niya ako sa experiment. Yun lang!" pagtatanggol ni Aria, pilit pinapakalma ang boses niya. "Iba yung nakita namin, Aria. Para kayong mag-jowa na naglalandian, swear!" Primo insisted, sabay turo pa sa ere na parang may ebedensya. "Girl, totoo. He was hugging you from behind. Nakita namin pareho." Hailey said, eyes wide with disbelief. Biglang natahimik si Aria. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag. Napatingin siya sa sahig habang naglalaro ang mga daliri niya. "Aria..." tawag ni Hailey, mas malumanay na ngayon. "Don't tell me na may something na sa inyo ni Travis?" Umiling si Aria pero ramdam niya ang init sa pisngi niya. "Wala nga! Grabe kayo. He's just....being him." "Being him? You mean 'being flirty'?" singit ni Primo, sabay tawa. "Hindi! Basta....it's complicated!" Tahimik silang dalawa, sabay nagkatinginan – parehong nagngingitian. "Aha! Complicated daw o!" sigaw ni Primo. "Ayieee, kinilig!" dagdag ni Hailey sabay hampas sa braso ni Aria. "Tigilan n'yo nga ako!" sabi ni Aria, pero hindi maitago ang ngiti at pamumula ng pisngi. Sa loob-loob ni Aria: "Bakit nga ba ganun? Bakit parang totoo ang sinasabi nila....Bakit hindi ko maalis sa isip ko 'yung yakap niya?" HHIS COMPUTER LABORATORY.... Tahimik ang buong computer lab, tanging tunog lang ng mga keyboard at mouse ang maririnig. Nakaupo si Aria sa pinakasulok, tahimik na nagtatrabaho, habang sina Primo at Hailey ay nasa kabilang side ng room – parehong abala pero palihim na nakamasid sa kanya. Biglang bumukas ang pinto. Pumasok si Travis, suot pa rin ang school varsity jacket, confident na parang siya ang may-ari ng lugar. Tahimik niyang kinuha ang plastic chair at inilagay sa harap ni Aria. Umupo siya. Nakangiti. "A-anong ginagawa mo?" tanong ni Aria, halatang nabigla. "Ikaw? Anong ginagawa mo?" sagot ni Travis, sabay silip sa monitor ni Aria. "Project ko 'to, kaya please huwag mo akong istorbohin," sabi ni Aria habang nagtatype. Pero bago pa siya makagalaw ulit, hinawakan ni Travis ang mouse ng computer – at ipinahinga ang kamay niya sa ibabaw ng kamay ni Aria. Napasinghap si Aria. Nanlaki ang mga mata niya – kasabay ng sabay na pagkakatingin nina Hailey at Primo sa kabila ng room. "Girl...oh my gosh, nakita mo 'to?!" pabulong pero halos tili ni Hailey. "Nakikita ko, gusto ko nga i-record eh!" pabulong din ni Primo, sabik na sabik sa live na kilig. "T-Travis wag mong...." mahina at nauutal na sabi ni Aria, sabay hila sa kamay niya. Pero hinigpitan pa ni Travis ang kapit – hindi sa paraang masakit, kundi marahan pero matatag. "Relax lang, Aria," bulong niya, malambing ang tono. "Ang lambot ng kamay mo." Natigilan si Aria. Napatitig siya kay Travis – sa mga mata nitong seryoso pero may halong ngiti. Hindi niya alam kung magagalit ba siya o kikiligin. "T-Travis....baka may makakita," bulong niya, halos pabulong na hinga. "Let them." sagot ni Travis, tumitig sa kanya ng diretso. "I don't care." Tumigil ang mundo ni Aria sa sandaling iyon. Hindi niya napansin na lumalakas na ang kabog ng dibdib niya ‐ o na napapansin na silang dalawa ng buong section. Mabilis niyang binawi ang kamay niya, halatang nagulat sa sarili. "You're imposible!" sabi ni Aria, pilit tinatago ang ngiti. Ngumiti lang si Travis, tumayo at marahang binulungan siya: "Maybe. Pero aminin mo, kinilig ka." Pagkatapos ay tumalikod ito at lumabas ng lab – naiwan si Aria, namumula at tulala. Sa Kabilang mesa: "Girl, that was SOOOO not just helping!" sabay sigaw-bulong ni Hailey. "Sis, kailangan ko ng popcorn sa susunod na eksena!" ani Primo, napapailing pero kinikilig. Sa isip ni Aria: "Ano ba 'tong nangyayari sa amin? Bakit parang hindi ko na siya matanggihan?" HHIS ROOFTOP.... Tahimik ang paligid. Marahang hinahaplos ng hangin ang buhok ni Aria, habang nakasandal siya sa railings ng rooftop. Mula rito, tanaw niya ang malawak na field, mga estudyanteng naglalaro, at ang papalubog na araw na parang sumasabay sa bigat ng isip niya. "Bakit ganito? Alam kong mali pero hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko...." Ganito siya palagi—kapag puno na ng gulo ang isip niya, dito siya tumatakbo. Dito lang siya humihinga ng malalim, nakakaisip ng malinaw....o dapat sana. Pero ngayong si Travis ang laman ng isip niya, parang pati hangin, wala nang linaw. Hindi niya alam na ilang metro lang sa likuran niya, naroon si Travis. Tahimik lang, nakamasid. Hinahangaan ang paraan ng pagkilos ni Aria–simple pero may kung anong magnet sa bawat galaw. "Bakit ganito?Bakit habang pinipigilan ko, lalo akong nahuhulog?" Dahan-dahang lumapit si Travis, marahan, parang ayaw sirain ang sandali. Ang hangin ay mas lumamig, pero sa pagitan nilang dalawa – tila mas umiinit ang paligid. Paglapit niya sa likod ni Aria, amoy agad niya ang pamilyar na scent nito. Lalong bumilis ang t***k ng puso niya. Bahala na. Marahan niyang inilapat ang mga kamay niya sa beywang ni Aria – maingat pero puno ng pagnanasa at emosyon. Nanigas si Aria, nagulat. "T-Travis..." mahina niyang sabi, hindi alam kung matatakot o matutunaw. Hindi agad sumagot si Travis. Dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sa balikat ni Aria, naramdaman niya ang init ng balat nito – hanggang sa naramdaman ni Aria ang mainit na hininga ni Travis, at ang marahang paghalik nito sa kanyang balikat. "T-Travis please...." halos pabulong na pakiusap niya. "Please what?" bulong ni Travis sa mismong tenga niya, mahina pero nakakalusaw. "You have a girlfriend," pilit niyang sagot, nanginginig ang boses. Tahimik si Travis ng ilang segundo – bago ito lumayo ng kaunti at tumingin sa kanya. Diretso sa mga mata. Seryoso. "Which I don't love," sagot niya, diretsahan. "And I can't lie anymore....kasi ikaw 'yung hindi ko kayang iwasan." Napatigil si Aria, hindi makatingin. Ramdam niya ang t***k ng puso niya – at ramdam din niya na mali. Pero sa sandaling 'yon, parang sila lang ang tao sa mundo. Tahimik silang dalawa. Walang gustong magsalita. Tanging simoy ng hangin at pintig ng damdamin ang naririnig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD