MONTEFALCO TOWERS — ARIA’S OFFICE Pagbalik ni Aria sa Maynila, wala pa ring tigil si Travis sa pang-aasar sa kanya — kahit sa text at tawag. Parang sinasadya nitong ipaalala na kahit nasa opisina na siya, hindi siya makakalayo rito. At bago pa sila maghiwalay kahapon, binigyan pa siya nito ng one-day leave, kuno “para makapagpahinga,” pero malinaw naman na gusto lang talaga nitong masundan ang bawat galaw niya. Ngayon, balik siya sa reality. Nasa loob siya ng opisina, hawak ang tasa ng kape habang nakaupo sa swivel chair. Pero hindi pa man siya nakaka-focus sa mga papeles, biglang bumungad si Primo, may kape rin sa kamay at may ngisi sa labi. “Kumusta, Aria?” panimula nito, sabay upo sa tapat ng desk niya. “May nabuo na ba sa Cebu?” Napasinghap si Aria, agad na tumingin ng masama. “Tu

