Makalipas ang ilang araw, balik ulit sa normal ang buhay sa campus. Pero para kay Aria, walang kahit anong "normal" sa nararamdaman niya. Lalo tuwing naiisip niya si Travis–ang gabing iyon, ang mga halik, at ang mga salitang binitiwan nito. Habang nasa Café area sila ni Hailey at Primo, pilit niyang itinatago ang kaba. "Hoy Aria," bungad ni Hailey habang nagbubukas ng straw sa milk tea niya. "Bakit bigla kang nawala nung prom? Saan ka nagpunta?" "Yeah, and don't tell me na coincidence lang na sabay pa kayong nawala ni Travis," singit ni Primo, sabay kindat, may halong pagdududa ang tono. Napasinghap si Aria at pilit na ngumiti. "Umuwi ako ng maaga. Nagkaroon ng emergency si mommy, kailangan niyang mag-fly to New York. I had to take her call, and then I went straight home." Nagkating

