SIX YEARS LATER...... NEW YORK, USA — ARIA’S HOUSE Mabilis na tumakbo si Traxx papasok sa kwarto, dala ang energy na parang may nakain na rocket candy. “Mommy! Mommy!” sigaw niya habang tumatalon sa kama. Napangiti si Aria, kahit halatang pagod at antok pa. Pilit siyang bumangon at binuhat ang anak. “Hi, baby,” she said softly, halatang aliw sa lambing ng anak. Niyakap niya ito ng mahigpit na parang araw-araw ay unang beses niya itong makita. Kasunod na pumasok si Primo, bitbit ang mainit na tasa ng kape. “Naku, Aria! Ang kulit talaga ng anak mo,” natatawang sambit nito habang umupo sa gilid ng kama. Ngumiti lang si Aria at hinalikan si Traxx sa pisngi. “Baby, I told you to behave,” sabi niya nang malumanay. “But I missed you, Mommy!” sagot ni Traxx sabay tawa, yakap pa rin ang l

